CHAPTER 13 - BAD DREAM
Ang pagtama ng sinag ng araw sa aking mukha ang naging dahilan ng pagmulat ng aking mga mata mula sa mahimbing na pagtulog. Dumungaw ako sa maliit na bintana at ang mga nagsisitakbuhang mga batang Moroi ang natatanaw ko. Masayang naglalaro, halatang walang iniisip na problema. Yung iba naman ay abala sa kanya-kanyang gawaing bahay. Sa hindi kalayuan ay nakikita ko si mama na kinakausap si Ginang Rosa at Emily.
Sumagi sa aking isipan ang nangyaring pag-atake ng isang rebeldeng Strigoi at ang pagtama ng pana sa aking dibdib galing sa hindi kilalang nilalang. Kinapa ko ang aking dibdib at tinignan kung may bahid pa ba na sugat. May nakalagay pa na pantapal sa sugat ngunit kaunti na lang ang nararamdaman kong sakit.
Kumusta na kaya si Marco? Malamang ay pinag alala ko siya ng sobra. Kailangan ko siyang puntahan. Nagmadali akong bumangon at lumabas ng bahay, napansin ako ni mama dahilan upang lapitan niya ako.
“Anak, may kailangan ka? Dapat ay magpahinga ka pa, baka makasama pa sa katawan mo ang pagkilos.”
“Ma, I’m okay. There’s nothing to worry about.” I walked past her. “Saan ka na naman pupunta?”
Binalingan ko siya. “Pupuntahan ko si Marco.”
Pinanlakihan niya ako ng mga mata. “Don’t you dare! Marco is not an ally, he’s a traitor!”
“Ma, ilang beses ko pa ba dapat sabihin sayo na hindi siya kalaban? He will help me fulfill my plan!”
“He is not the Marco you used to know before! Niloloko ka lang niya anak.”
It pains me to see mama say that. Ayaw ko siyang paniwalaan but the way she said it, walang halong kasinungalingan.
“You’re just saying it because you’re against our relationship!”
“Say what you want to say, Althea. You don’t want to believe me? Sige, puntahan mo siya.”
Tinalikuran ko na siya. Hindi pa pala umalis sina Emily at nasaksihan ang pagtatalo namin ni mama. Umalis agad ako doon para puntahan si Marco. I want to know the truth, gusto ko manggagaling mismo sa kanya ang lahat.
Pinuntahan ko ang kubo kung saan kami nag s-stay pag magkasama kami ngunit wala siya. Malamang nasa may sapa siya, yon ang sunod kong pinuntahan at hindi nga ako nagkamali, naroon siya at nakaupo sa usual spot namin.
Nilapitan ko siya. “L-love.” Halos walang lumabas na boses sa aking bibig.
He looked at me with a straight face. My heart sank. What happened?
“Wala ka talagang ka-dala-dala. Ilang beses ka na napapahamak. If I were you, I wouldn’t be here.”
“What happened, Marco?” pinipilit kong pigilan ang luhang kanina pa gustong lumabas.
“What do you mean? Nothing happened.” He said it plainly.
His expression. He is cold as ice. I can’t feel his love towards me anymore. Sinisisi niya ba ang sarili niya sa nangyari sa akin?
I approached him. I cupped his face and let him look at me. “Bakit mo ito ginagawa? Hindi mo naman dapat sisihin ang sarili mo sa nangyari. Look, I’m alive.”
That time, he just laughed. “What are you talking about? You’re out of your mind. Mara is coming closer, tanggalin mo na yang kamay mo sa mukha ko. Napakaselosa pa naman non. Kung na-co-control ko pa ang sarili ko na hindi ka kagatin puwes ibahin mo yung babaeng yon.”
Hindi ko ma-proseso ang mga sinabi ni Marco. Perhaps he’s under Mara’s compulsion. Kailangan niyang makabalik sa dati! Magsasalita pa sana ako nang may humila sa akin palayo at sinampal ako sa mukha. Tinangka kong sugurin siya ngunit biglang may dumating pa na ibang mga kasamahan niya. s**t! I’m trapped!
Pinuntahan siya ni Mara at doon ay nakita kong tumayo si Marco at nginitian siya. It broke my heart into pieces. Lalo pa nang ilapit ni Marco ang kanyang mukha sa babaeng yon at hinalikan siya sa labi.
I can’t take it anymore, I didn’t stop my tears from falling. He turned his head in my direction.
“I already told you earlier. You shouldn’t come, ngunit sa katigasan ng ulo mo, ito ang mapapala mo.”
“No! Marco, don’t leave me!”
Sumugod ang limang Strigoi sa akin. I fought with them kahit alam kong hindi ko pa kaya, inisip ko si papa at ang lalaking minahal ko. It felt like it gave me strength to fight. Isa isang bumulagta ang mga kalaban at kitang kita sa mukha ni Mara ang pagkagulat.
I smirked. “Ano, Mara? Natatakot ka na ba? Ikaw na ang isusunod ko!”
Tumawa siya. “Look who’s talking? Nakapatay ka lang ng lima ang taas na ng tingin mo sa sarili. You want me dead? You want to take revenge against our kind just because of the death of your father? Kasalanan niya rin naman ang nangyari sa kanya, kung hindi niya tinago ang bestfriend mo, eh, sana buhay pa siya ngayon!”
Kinuyom ko ang aking kamao. “Magbabayad kayo!”
Umamba akong sugurin siya ngunit napatulala ako sa ginawa niya kay Marco. Pinugutan niya ito ng ulo at hawak hawak niya ito, she even tasted the blood on her hand.
“Para ma-motivate ka pa lalo.” sabi niya at itinapon ang ulo ni Marco sa aking harapan.
Nanghina ang aking tuhod. This can’t be happening..
“No! No! Marco! Mar—”
“Thea! Althea!”
Bumangon ako sa kama ng hinihingal. I look at the girl on my left side, I can see in her eyes that she’s worried.
“You’re crying, I guess it was a bad dream.” bumuntong hininga si Emily. “It’s Arminda’s fault.”
“How?” pagtataka ko.
“She’s a Strigoi but she also mastered witchcraft. She is strong, more than you can imagine, Althea.”
"Hindi ako natatakot, Emily. Every creature has a weakness." Tumango na lang siya.
"Si mama? Si Marco?"
"Your mom is outside with my mom. They are talking about Florence betraying us. Mamayang hapon magkakaroon ng pulong tungkol dyan at kasama si Pinunong Romulo. About Marco, he's probably with Dranreb but he will visit you later." Ngumiti siya. "Do you want something? Tatawagin ko ba ang mama mo?"
"C-can you call my mom? Kailangan namin mag-usap."
To be continued…