"Cedric ikaw ng bahala kay kuya Lito,hindi ko pwedeng iwanan si Rachel"bilin ko kay Cedric.
"Ako ng bahala dani pinaalam ko na rin kay general,sagot ni Cedric.
Pagdating sa hospital lalong nagpanic si kapitan dahil sa daming dugo na nasa damit nya namumutla na ito at nanginginig.naipasok na si Rachel sa emergency room at nangako na ang doctor na gagawin ang lahat para kay Rachel ngunit hindi pa rin mawala ang panginginig ni kapitan.
"A-anu ang nangyayari sayo a-ang init mo"saad ko ng kumapit ito sa braso ko.
"M-m may phobia ako sa d-ddugo"mahinang saad nito habang mahigpit ang kapit sa braso ko ng bigla na lang itong nanghina at tuluyan ng nawalan ng malay.
"s**t!ang bigat mo" muntik pang bumagsak ang ulo ni kapitan sa sahig buti na lang at mabilis kong nasalo dahil kung hindi matutuluyan itong maging abnoy.
Kaya ngayon dalawa silang naka admit sa hospital at dalawa rin ang magiging alaga ko ang hirap nito dahil napaka arte pariho.
Makalipas ang ilang araw maayos na ang apartment ni Rachel,at hindi rin naman malala ang pagkakasaksak sa kanya,si kapitan naman okay na rin nadischarge na sa hospital.si Rachel palabas na din ngayong araw.
Si kuya Lito nasa hospital pa sya kasi may nabaling buto na tinamaan ng bala sa kanan nyang balikat. Ganun din yung apat na tauhan nya pero sa kulungan na nagpapagaling.at dahil mataas ang ranggo ni kuya Lito bilang police may privilege itong magpagaling sa hospital.
Nalaman ni tatang ang nanyari sa amin ni kuya Lito,pero ang pagkidnap sa akin ay hindi ko sinabi at hindi rin sinabi ni kuya Lito.kaya alam kong hindi pa tapos ang away namin.pareho kaming hindi kinampihan ni tatang, naiintindihan ko dahil tatay sya at anak nya kami kaya pariho din kaming nakatanggap ng katakot takot na sermon.
Nasa korte na rin ang kasong isinampa ni Rachel kay kuya Lito.at ayon sa abogado ni Rachel malakas ang kaso ngunit kahit gaano kalakas,malaki pa rin ang chance na mapawalang sala si kuya Lito dahil may tumutulong dito na maimpluwensyang tao.na pinaiimbistigahan na ni general Alano.
Kaya mas lalo akong nababahala para sa kaligtasan ng magkapatid lalo at ako ang dahilan kung bakit sila nadamay.
"Dani pumasok ka muna,nagpadeliver akong meryenda natin"ani Rachel pagka park ko ng sasakyan nya.
"Dapat lang nuh nakakapagod kayang maging yaya at driver mo,ang arte mo pa at saka dito muna ako titira sa apartment mo".saad ko.
"Lumayas kana lang!dami mo ng sinabi"sigaw ni Rachel at saka binagsak ang pintuan ng kanyang kotse.
"Relax lang kamahalan baka mabinat ka,alalahanin mong kalalabas mo pa lang ng hospital,baka gusto mong bumalik".nakangising saad ko sabay taas baba ko ng kilay.
"Ayaw na kitang makita Dani"!sigaw pa nito at padabog na pumasok ng kanyang apartment.
Kanina ako ang inaasar nya gumaganti lang naman ako, sabi nga ng kasabihan na alam ko (kung ayaw mong gawin sayo,wag mong gawin sa iba pero pwede kang gumanti sa nang aasar sayo).
Bitbit ko ang mga gamit ni Rachel papasok sa kanyang apartment kaso nakalock na ang pintuan.
"Galit nga ang lukaret sa akin"saad ko sa isip.
"Rachel pabukas naman please"tawag ko sabay kalampag sa pintuan.
"Umalis kana pwede"!sigaw nito sa loob.
"Ipapasok ko lang ang mga gamit mo ang bibigat nito hindi mo kayang buhatin".saad ko.
Tahimik ito sa loob at mayamay ay bumukas na ang pinto.ngumiti ako ng ubod ng tamis at naglakad na papasok sa loob,walang kibong umupo ito sa sopa.
Inayos ko lahat ng gamit nya sa kwarto,pababa na ako ng hagdan may mag doorbell kaya nagmadali akong bumaba,patakbo akong lumakad papunta sa gate pero nauna pa rin si Rachel.
"Ako na pumasok kana sa loob"saad ko bago ko pa buksan ang gate.
Sumunod naman ang lukaret at hindi na nagreklamo.pagkapasok ni Rachel saka ko lang binuksan ang gate mahirap na baka mamaya tauhan na naman ni kuya Lito mabuti na ang sigurado.
"Jollibee delivery,good afternoon po ma'am"napanganga ako sa sinabi ng delivery boy.
Hindi na ako nagsslita pa at tinanggap ko na lang ang pina deliver ni Rachel na pagkain.nakangiti ito ng makita ang bitbit kong pagkain.
"Ngayon ko lang nalaman na mahilig ka pala sa bubuyog Rachel". Nakangiting turan ko habang inaayos ko sa mesa ang mga pagkain.
"Anung bubuyog ang pinagsasabi mo!"singhal nito.
"Ayan...kumain kana ng bubuyog mo".saad ko at inabot ko sa kanya ang burger na paborito nyang kainin.
"Hindi ka ba kumakain neto"taas kilay nyang tanong.
"May choices ba?tanong ko.
Tumawa lang ito na parang wala ng bukas sa inis ko sinalpakan kong pakpak ng manok ang kanyang bibig.at iniwan ko sya sa kusina.
Maya maya ay humabol ito sa akin.
"Hey!saan ka pupunta"?tanong nito.
"Sa labas, pahiram ng kotse mo ha",saad ko.
"Sama ako" nakangiting saad nito.
"Naku! alaga nga pala kita,lentik muntik ko ng makalimutan".saad ko.
"Makaalaga ka naman,anu aso lang".inis na turan ni Rachel.
"Ang sabi ko alaga hindi ko sinabing aso,utak mo mana na sayo,sakay na"singhal ko kay Rachel.
bumalik ako sa kusina para iligpit ang bubuyog ni Rachel na pinadeliver.para nga syang aso tahimik na sumunod sa sinabi ko,pero kahit lukaret ito hindi ko naman kayang pabayaan,parang kapatid ko na nga ito kung dumikit sa akin.
pwede ng pagtyagaan tutal naman wala akong kapatid na babae kahit kaibigang babae wala rin si Rachel lang.
Pagkatapos namin kumain ng matinong pagkain ay nag grocery kami para naman hindi puro bili kahit papaano naman marunong ako magluto,hindi katulad ni Rachel na walang alam kundi magpaganda.maganda sya walang duda naman wala nga lang alam sa buhay.
Pagkauwi namin sa bahay ako na ang nag buhat ng mga pinamili namin at ako na rin ang nag ayos ng mga dapat ayusin.
"Umupo kana Rachel at kumain oras na ng gamot mo"saad ko.
"Pwede bang uminom na lang muna ako ng gamot busog pa ako eh" saad nitong nakalabi pa.
"Abnoy talaga ang babaeng ito"saad ko sa mahinang boses.
"What did you say"?tanong nito sa iritadong boses.
"May narinig ka bang sinabi ko"?balik tanong ko.
"Wala?"kunot noong patanong nyang sagot.
"Wala pala eh,baka napapraning ka lang," nakangising saad ko
"You are so ahhhhhhh".sigaw nito at patakbong umakyat ng hagdan.
Nilock ko na lahat ng pinto bago ako kumuha ng tubig at umakyat sa kwarto ni Rachel.
dahil bukod sa pagiging driver at yaya nurse nya rin ako dahil kahit sabihin ko na uminom na sya ng gamot nya hanggang hindi ko sinasalpak sa bunganga nya ang gamot waley pa rin,yan si Rachel Perante.
Ulila na si Rachel sa ama ang mommy nya naman nasa canada na may iba ng pamilya sila na lang ng kuya nya ang nadito sa pilipinas.may sariling boutique sina Rachel at kapitan na personalized nilang magkapatid lahat ng product sa boutique nila.
bukod sa pagiging barangay chairman may construction company rin si kapitan libangan nya daw ang pagkakawang gawa kaya sya tumakbong barangay captain at nanalo naman.
Pagkatapos kong maging driver,yaya at nurse ni Rachel sa wakas makakapagpahina na rin.kaso ang babaita kong alaga nakatanga na naman sa kanyang laptop.
"Hoy!babaita matulog kana,wag kana mag utos ng kung anu anu ha napapagod na ako".singhal ko kay Rachel na kumakalikot pa rin sa laptop nya.
"Matulog ka na irereviews ko lang yung mga bago kong design". anitong tutok ang mata sa laptop.
"Bawal ka nga magpuyat di ba,wag na matigas ang ulo Rachel,kundi ibabalibag ko talaga yang laptop mo sa bintana kasama ka"!inis na saan ko
"Titingnan ko nga lang ang designs ko,wala akong sinabing magpupuyat ako"!pag iinarte pa nito.
"Bakit lalayasan ka ba ng mga designs mo".singhal ko pa.
Nagdadabog nitong pinatay ang laptop nya at simangot na naglakad papunta sa kama.
"Pag magaling kana,wala ka ng maririnig sa akin pababayaan na kita".saad ko bago ako humiga sa tabi ni Rachel.
Hinihila na ako ng antok ng marinig kong may humihikbi nakita kong yumuyogyog ang balikat ni Rachel.Nawala bigla ang antok ko at napabangon ako para daluhan si Rachel.
"May masakit sayo,bakit hindi ka nagsasabi kaagad,dadahil kita sa hospital tarantang saad ko at sapilitang ibinangon si Rachel.
Ng maiupo ito sa kama ay lalong lumakas ang iyak nito at mahigpit akong niyakap sa beywang habang ang mukha nito ay nakasubsub sa tiyan ko.
"Rachel tara na kaya mo bang tumayo,o tatawagan ang kuya mo".
"Im okay!"sigaw nito.
"Punyeta ka! okay tapos ngawa ka ng ngawa,wag mo akong pinagloloko Rachel sasampalin talaga kita!"sigaw ko rin.
"Kasi naman pinapagalitan mo ako lagi,namimis ko tuloy si m-mommy"saad nito habang ngumangawa.
Ewan ko pero na bullseye ni Rachel ang puso ko,natahimik ako ng ilang sandali dahil bigla ko rin naalala si nanay na isang dekada ng wala,isang dekada ko ng hindi nararamdaman ang pag alaga at isang dekada ko na rin hindi nadadalaw ang puntod nya.
na kahit kay tatang at sa mga kuya ko pilit akong lumalayo.
siguro dahil katulad ni Rachel naalala niya sa akin ang mommy nya.
"Okay na ako matulog kana"saad ni Rachel na nagpabalik sa akin mula sa malalim na alaala.
"Matulog kana rin"saad ko.
"Pwede ba kitang maging ate"bigla tanong ni Rachel.
"Bukas na lang Rachel antok na ako matulog na tayo"sagot ko na nakapikit na.
"Okay, good night ate Dani".
Hindi ko na pinansin pa si Rachel dahil gusto ko na talagang matulog.
bago pa lumalim ang tulog ko naramdaman kong yumakap sa akin si Rachel at pinabayaan ko lang din.
Kalaliman ng tulog ko ng sunod sunod na tumunog ang doorbell napabalikwas akong bangon at agad kong kinuha ang baril ko sa ilalim ng kama.
sumilip ako sa bintana dahil hindi tumitigil ang tunog ng doorbell.at nakita ko ang kapatid ni Rachel.
Sa inis ko dali dali akong bumaba bitbit pa rin ang baril ko.pabalibag kong binuksan ang gate at tinutukan ko ng baril si kapitan sa ulo.
"P-ppw-wwwait ib-baba moo yyan,ako tto si-si-si Ronnie".
"Kung pupunta ka dito agahan mo bwisit"singhal ko
"Ssorry wala kasi akong driver at mm.."
"Pumasok kana isara mo yang gate"putol ko sa paliwanag nya.
Tahimik itong sumunod sa akin sa loob ng bahay.
"Kumain ka na ba?may pagkain dyan bahala kana sa buhay mo".inis na saad ko.
At tinalikuran ko na ito,umakyat na ako para bumalik ulit sa pagtulog.
kinumutan ko si Rachel bago ako umikot sa kabilang side ng kama para humiga,at paglapat na paglapat ng likod ko ng may malakas na kumalampag sa pintuan ng kwarto namin ni Rachel.sabay kaming napabangon.
Akmang bubuksan ni Rachel ng pigilan ko sya.
"Ako na pumasok ka sa banyo at ilock mo wag mong bubuksan pag hindi ako tumawag sayo"bilin ko kay Rachel.
Nagmadali naman itong pumasok sa banyo at naglock.mahirap na baka isa na naman ito sa mga tauhan ni kuya Lito.
mahigpit ang hawak ko sa baril ko at dahan dahan kong binuksan ang pintuan.bumungad agad ang mukha ni kapitan sa akin na parang nahihiya
"Peste"bulong ko.
"Sorry sweet heart pero nagugutom na talaga ako hindi ko alam kung paano ipanit yung pagkain,samahan mo ako sa baba please"anitong nakangiwi.
"Bumaba ka na su..."
"Antayin na kita"agaw nito sa sasabihin ko.
Tinalikuran ko ito para tawagin si Rachel.
"Where's Rachel"?saad nito sa likuran ko.
Sumunod pala ang abnoy pero hindi ko pinansin at kinatok ko si Rachel sa banyo.
"Rachel labas na"tawag ko sabay katok sa pinto.
Ng bumukas ang pintuan nanginginig at namumutlang Rachel ang lumabas at patakbong lumapit sa akin umiiyak itong yumakpa sa akin ng mahigpit.
"Wwag mo akong ibigay sa kapatid mo please".hagulgol na pakiusap nito.
"At sinong may sabing ibibigay kita doon"?tanong ko.
"Dito ka lang ha"saad nitong parang bata.
"Oo na samahan mo ako baba tara".
Nakamasid lang sa amin si kapitan wala man syang sinabi pero kita sa mga mata nya ang pag aalala kay Rachel.
Hanggang sa pagpainit ko ng pagkain ay hindi umalis si Rachel sa tabi ko.
At pati si kapitan nakamata sa ginagawa ko.
tahimik din itong kumain at sincere na nagpasalamat sa akin.
Ng makita kong tapos na kumain si kapitan tumayo na ako para iligpit ang pinagkainan nya pero pinigilan nya ako sya na lang daw magligpit.
Kaya naman iniwan na namin sya ni Rachel.umakyat na kami para bumalik sa pagtulog at maya maya may kumakatok na naman sa kwarto namin ni Rachel.hindi ko pinansin kasi antok na talaga ako.pero hindi tumigil kakakatok.
"Pag ako hindi nakapagpigil babarilin talaga kita!"singhal ko ng mabuksan ko ang pinto.
"Can i sleep here?tanong nito at may bitbit ng unan at kumot.
Hindi pa ako sumasagot nagpumilit na itong pumasok at pag lingon ko nasampa na sa kama at sa pwesto ko pa.
"Rachel urong ka sa nga sa gitna"saad ko sa babaeng walang pakialam.
"Ikaw na doon hindi ako nakakatulog pag nasa gitna".saad ni Rachel.
"Sweet Heart makikitabi lang naman ako promise wala akong gagawin,tatalikod ako".ani kapitan na nagpapaawa pa.
"Sa kabilang kwarto ako matutulog"pagkasabi ko ay derederetso akong lumabas ng kwarto.
"Fine!sa coach ako matutulog dito kana!"sigaw ni kapitan
"sa laki mong tao hindi ka kakasya doon matulog kana dyan" at iniwan ko na sila.
Pagkapasok ko ng kwarto ay nilock ko agad ang pintuan para hindi makapasok ang mga makukulit.
Nakatulog ako ng maayos at nagising ng maaga kaya pumunta agad ako sa kwarto ni Rachel para maligo.pagpasok ko akala ko tulog pa sila nawendang ako ng makita ko si Rachel na umiiyak at nakaupo sa sahig at si kapitan ay tulog na tulog sa kama.
"Anung nangyari sayo"? Nagulat pa ito ng makita ako
At lalong pa itong umiyak,nagising na rin si kapitan at pupungas pungas na nakaupo sa kama.
"Anung ginawa mo kay Rachel"singhal ko kay kapitan at pinukol ko rin ng masamang tingin.
Hindi ito kumibo ngunit kita ang pag aalala kay Rachel.
"Kagabi pa yan umiiyak pagkalabas mo lang sinundan kita sa kabilang kwarto kaso naglock ka naman"malungkot na saad nito.
"Wala ka bang kamay para kumatok!" Inis na turan ko.
"Naiinis ka nga di ba!"sigaw nito sabay buhat kay Rachel at pinaupo sa kama.
Hindi na ako umimik lalo at kagigising lang namin.mahirap baka kung saan pa mapunta ang usapan namin.
"Anu bang nangyayari kay Rachel bakit ganyan sya"tanong ko sa mahinahon na boses.
" Hindi ako sure pero parang bumabalik ang truma nya noong iniwan kami ni mommy"sagot nito.
"Magbihis kana ako ng bahala kay Rachel dadalhin natin sya sa hospital".saad ko at sumunod naman ito.
Hindi lang si Rachel ang may truma sa tingin ko dahil maging ang kuya nito ay mabilis magpanic kahit simpling bagay lang kunting sigawan lang namin ay nnnginginig na ito na parang bata.
Binibihisan ko si Rachel ng pumasok sa kwarto si kapitan.
"Hindi ka ba talaga marunong kumatok o nananadaya ka talaga!"sigaw ko dahil undies pa lang ang naisisuot ni Rachel.
"Sorry" saad nito sabay talikod pero nanatili lang sa kinatatayuan.
Ng matapos si Rachel ay inalalayan ito ni kapitan palabas ng kwarto hanggang sa makasakay sa sasakyan.
Bago lumabas ng bahay nakaramdam akong gutom kaya nagmadali akong kumuha ng apple sa ref.tatlo na ang kinuha ko para sa dalawa kong kasama.
Habang naglalakad palabas ng bahay kumakagat din ako sa apple na hawak ko,nilock ko ang bahay at naglakad na ako papunta sa sakyan,nakatayo pa sa labas si kapitan kaya inalok ko ng apple at umiling lang ito.at maya maya ay namumutla at nanginginig na naman.
"B-bakit,ako na magdrive sumakay ka na".saad ko.
Ngunit hindi ito gumalaw sa kinatatayuan kaya niyogyog ko sa balikat gulat na gulat itong tumingin sa akin.
"Anu bang nangyayari sayo"tanong ko.
"D-dd da- dalhin mo yan".tanong nito sabay turo sa beywang ko.
Nakita nito ang baril na nakasukbit sa beywang ko,hindi ko napansin na lumihis pala sa suot kong malaking t-shirt.
"K kailangan ko yan lalo na ngayon na balik serbisyo na si kuya Lito"sagot.
Bumuntong hininga ito at dahan dahan ng kumilos papasok ng sasakyan.
Pagdating namin sa hospital hinayaan ko ng si kapitan ang kumausap sa psychiatrist na kakilala nila.hanggang sa sinabi sa akin ni kapitan na kailangan na iadmit si Rachel.
"Ganun kalala bakit hindi mo sinabi sa akin ang totoong lagay ni Rachel."kalmadong tanong ko.
"Natakot ako lalo at nakikita kong masaya si Rachel na kasama ka,for the first time na nagkaroon sya ng kaibigan bukod sa akin, gustong gusto kong sabihin sayo ang kalagayan nya pero mas nangibabaw ang takot ko na baka pag nalaman mo iwanan mo rin sya at mas lalo syang matruma tulad ng ginawa ni mommy."malungkot na saad ni kapitan.
"Hindi ako ganoong tao kapitan, ka...."
"Ronnie,call me Ronnie".agaw nito sa sasabihin ko.
"Okay Ronnie,hindi ako katulad ng mommy nyo,pero syempre may kanya kanya tayong buhay,,magkaibigan oo,pero hindi sa lahat ng oras magkakasama o magkakadikit tayo,alam mo dapat yan".saad ko.
"Alam ko but Rachel is special".saad pa nito.
"No,normal sya ng magkakilala kami at ibabalik natin yun."saad ko at lumiwanag ang mukha ni Ronnie.
"Thank you"saad nito na maluha luha pa.
"May isa pa akong tanong wag ka maoffend"saad ko.
"What is it"?tanong nito.
"Ikaw?iba rin ang nakikita ko sa mga kinikilos mo,kasi noong una ang astig mo ang tapang mo bad boy ka,manyak din tapos ngayon para kang basang sisiw lagi."saad ko habang titig na titig sya sa akin.
Matagal syang nakatitig lang sa akin,tahimik ,nag iisip kong sasabihin ba o hindi.
"Tama ba na sabihin ko sayo".biglang tanong nito.
"Sabihin mo na paano kita matutulungan kung hindi mo sasabihin,hindi naman ako manghuhula".saad ko na nakataas ang aking kilay.
"Ayan nakaka intimidate kasi yang kilay mo". anitong nakasimangot.
"H-ha ?anung kinalaman ng kilay ko sa sasabihin mo". tanong ko.
"Wala,umuwi kana ako ng bahala kay Rachel"inis na saad nito.
"Ang sungit mo naman,hindi ka naman kagwapuhan"pang aasar ko pa.
"pwede wag ka na mang asar please". anitong nakangiti ng pilit.
"bakit naaasar ka ba"?tanong ko pa.
"hindi,kaya umuwi ka na".saad nitong nakasimangot na.
"I'll stay",saad ko.
hindi na ito kumibo pero ang tingin sa akin para na akong lalamonin ng buhay.
nakipagtagisan ako sa titig nya at hindi ako tumiklop sa masama nyang tingin.hanggang sa unti unting tumulo ang luha nya kaya napakunot ang noo ko dahil sa inasta nya.
sigurado akong mabigat ang pinagdadaanan ng lalaking ito.sabi nga ni mike Enriquez hindi kita tatantanan.aalamin ko kung bakit nagbago ito ng pakikitungo sa akin,na dati naman napaka nito lahat ng napaka isama mo pa yung napaka manyak nya dati.