chapter 13

2974 Words
"Ronnie maupo ka nga lakad ka ng lakad eh para kang pato na tinitibi"singhal ko kay Ronnie. "pwede ba wag mo akong asarin ngayon please lang"inis na saad nito "maupo ka kasi pwede!"singhal ko pa. umupo naman sya at tahimik namin hinintay ang resulta ng evaluation ng psychiatrist kay Rachel kung papayagan na itong lumabas. tatlong araw ng naka confined sa hospital si Rachel dahil para na itong bata kung umasta lagi itong umiiyak lalo na pag nagigising na wala ako parang baliw na nagwawala. isang araw nagpaalam ako kay Ronnie na may lalakarin ako at sya muna magbantay kay Rachel.pumayag naman kaso hindi pa ako nakakalabas ng hospital tumatawag na dahil nag wawala si Rachel at hinahanap ako. "Putchang buhay ito,daig ko pa ang may isang dosenang anak"saad ko sa isip. dahil aligaga talaga ako sa pag alaga kay Rachel, okay lang naman mag alaga ng abnoy kaso si Rachel hindi ko maintindihan kung baliw na ba ang babaeng ito o nag iinarte lang.sarap sungalngalin ang mukha. "Rachel enough please,maga na mata mo ang pangit mo na,ayoko ng kapatid na pangit".saad ko habang inaayos ang sabog nya buhok. "Sasama ako sayo,wag mo akong iwanan kay kuya Ronnie". anitong nakangiti ngunit tumutulo ang luha. Hindi ko alam kung maiinis ako o maaawa kay Rachel basta ko na lang sya niyakap. Gumaan ang pakiramdam ko ng yakapin ako ng mahigpit ni Rachel,parang punong puno ang puso ko sa mahigpit nyang yakap na ngayon ko lang naramdaman. "Tama na yang drama nyo ito na yung good news"saad ni Ronnie at inabot sa akin ang dalang envelope. "Result?"tanong ko. "Yeah"sagot nito na tumatango pa. "Sabihin mo na lang dahil wala akong maiintindihan dyan"saad ko sabay hampas ng envelope sa dibdib nya. Seryoso lang si Rachel na nakaupo sa hospital bed at nakayakap sa beywang ko habang nakikinig. "Sinabi ko na ngang good news hindi mo pa rin maintindihan grabe ka"saad ni Ronnie na umiiling pa. "Oh eh di good news,uwi na tayo"masayang turan ko. Humigpit pa ang yakap ni Rachel at ngumiti ito. "Ate dani sasama ako saiyo ha".mahinang saad ni Rachel. "Oo naman sa condo ng kuya mo tayo titira sa makati para malapit sa mall" sagot ko na ikinaliwanag ng mukha ni Rachel. "idlip ka muna Rachel para hindi ka mainip kasi mag aayos pa ako ng mga gamit mo, okay"saad ko. "okay ate Dani"sagot nito at humiga na. habang nagliligpit ako ng biglang lumapit si Ronnie at titig na titig sa akin. "bakit sa condo ko"simangot na tanong ni Ronnie" "Saan pala sa apartment ni Rachel"?tanong ko. "Para sana malapit sa office namin ni Rachel at sa barangay hall"saad nito. "Pwede naman, gusto ko lang naman na sana maiba muna kahit sandali ang paligid ni Rachel".saad ko. "Yun lang ba talaga,o dahil dito".saad nito sabay bigay sa akin ng kanyang cellphone. "Pati ikaw nakakatnggap ng mga death threat?"tanong ko. "Yeah na lalong nagpapakaba sa akin para sa safety ni Rachel".saad nito. "Ako ng bahala, wag kana mag alala,basta lahat ng death threat na natatanggap mo sabihin mo sa akin, "anung gagawin mo"tanong nito. "basta ako ng bahala wag ka ng maraming tanong"saad ko "okay,So sa makati nga kayo titira ni Rachel?tanong nito. "Sana,kaso sabi mo sa apartment na lang Rachel kasi malapit sa office nyo at sa barangay hall"sagot ko. "Hindi kung gusto nyo sa makati okay lang naman ako dito.saad pa nito. "Hindi na kakausapin ko na lang si Rachel"sagot ko. "Okay lang talaga a .." "Hindi na nga wag na makulit kung saan ka doon din kami ni Rachel",agaw ko sa sinasabi nya "Okay, thank you for doing this for Rachel". anitong nakangiti. "You're welcome"sagot kong nakangiti din. "Sweet Heart,can i hug"anitong nakabuka na ang mga braso. "Hug mo mukha mo,"singhal ko. "Hug lang naman".saad nitong nakalabi pa. "Subukan mo bibigwasan ko yang mukha mo."singhal ko pa. "Damot hug lang naman".saad nito sabay higa sa hospital bed sa tabi ni Rachel. "Ayusin mo na kaya yung bill para pag nagising si Rachel ready to go na tayo hihiga ka pa eh".saad ko. "Maya maya naman please,iinat lang ako sandali"saad ni Ronnie na nakapikit na. Hinayaan ko na lang sya magpahinga ilang gabi na rin syang walang tulog ng maayos. matapos kong ayusin ang mga gamit ni Rachel ay ako na ang nag ayos ng bill para matapos na. Natagalan ako sa cashier kasi pumila pa ako at inabot ng halos dalawang oras.pabalik na ako sa room ni Rachel ng makita kong kausap ng lalaking nurse si Patrick. " Anu kayang pinag uusapan nila" tanong ko sa aking sarili. Pinagmasdan ko lang sila habang nag uusap,ng mapansin kong parang aligaga si Patrick at panay ang tingin sa paligid kaya nagduda agad ako sa maling kilos nya. Pinilit kong makalapit at makinig sa usapan nila na hindi nila ako napapansin. "Sir Patrick hindi ko mabubura ang result ng DNA ginawan ko na nga lang po ang paraan para baguhin ang mga pangalan sa results. syempre po sa record ng hospital hindi ko po pwdeng baguhin yun ako naman ang sasabit sir"saad ng lalaking nurse. "Handang magbayad ng malaki ang client ko raynold burahin mo lang ang record nila"ani Patrick. "Kaninong DNA results ang pinag uusapan nila"?saad ko sa isip. "Kailangan kong kumilos aalamin ko ang sekreto mo Patrick,"nasabi ko sa aking sarili. Iniwan ko na sila,at bumalik na ako sa room ni Rachel,nakaupo na ito sa kama bang si Ronnie nakanganga at naghihilik pa. "Ready kana umuwi"?tanong ko kay Rachel. "Ready na ako mag mall"saad nitong nakangiti. " Tungkol nga pala dyan,nag usap kami ng kuya mo na dito na lang tayo sa laguna mag stay,para daw malapit sa office nyo,at sa barangay hall. saka anytime naman pwede tayong pumunta ng kahit saan di ba? okay lang ba sayo"?tanong ko. "Okay,sasama ako sayo". nakangiting turan ni Rachel. "So okay na tayo,ready na lahat,tara na iwanan na natin ang kurimaw mong kapatid"tawang tawa si Rachel sa sinabi ko. Palabas na kami ng pintuan bitbit ko ang bag ni Rachel sa kanan at sa kaliwang braso ko nakakapit naman si Rachel.nagulat kami ng bumalikwas ng bangon si Ronnie na kinahulog pa nito sa sahig pupungas pungas itong tumayo at lumapit sa amin,kinuha nya ang bag na bitbit ko. "Ang sama mo iiwanan nyo talaga ako."tanong nito habang kinukuha ang bag na bitbit ko. "Ako pa ba ang masama hinayaan na nga kitang matulog di ba"?saad ko. "whatever"!saad nito. Pagdating sa apartment ni Rachel hinayaan ko si Ronnie na iligpit ang mga gamit ni Rachel. dumeretso ako sa kusina para maghanda ng makakain. Si Rachel nakabuntot pa rin sa akin at nangungulit tanong ng tanong. "Ate Dani ayaw mo sa labas tayo kunain"?biglang tanong ni Rachel. "Oo Dani sa labas na lang tayo kumain mag early dinner tayo para makapag pahinga tayo ng maaga. "Tinatamad na ako at saka kailangan kong umuwi muna sa bahay kukumustahin ko lang si tatang".saad ko. "Sama ako!"sigaw agad ni Rachel. "After dinner dadaan tayo sa inyo"saad ni Ronnie. "Si Rachel pwede pa, ikaw off limit ka"taas kilay na saad ko. "Off limit,kailan pa?"takang tanong nito. "Matagal na!"singhal ko pa. hindi sila pwedeng sumama dahil hindi si tatang ang pupuntahan ko na hindi ko pwedeng sabihin sa kanila. Hindi na ito kumibo pa,at umupo na lang sa upuan katapat ni Rachel. makalipas ang mahigit isang oras luto na ang adobong manok ko.at tahimik kaming kumain. Maganang kumain ang dalawang kasama ko parang nagkakarira kumain tapos na akong kumain ngunit ang dalawa parang walang kabusugan.akmang tatayo na ako para dalhin sa lababo ang pinagkainan ko ng mag agawan sila sa isang pirasong adobong natira sa lalagyan at sa pag aagawan nila ay tumalsik ito sa damit ko. "Sa tingin nyo tama pa ba ang pinag gagawa nyong dalawa?"inis na tanong ko. "Kuya kasi!"sigaw agad ni Rachel. Hindi na ako nagsalita at iniwan ko na sila sa kusina. umakyat na ako sa kwarto para makaligo na at makapagpalit ng damit dahil nakakaramdam na talaga ako ng pagod.paglabas ko ng banyo sumalubong agad si Rachel sa akin. "Im sorry"saad nito. "It's okay Rachel,maligo kana at magpahinga na. "Hindi mo ba ako isasama pag alis mo?"nakalabing tanong nito. "Pwede bang wag na kasi madali lang naman ako babalik din ako agad"pakiusap ko. "Okay, anitong nakangiti. Napadasal akong pasasalamat sa dyos ng wala sa oras.dahil matino ngayon ang toktok ni Rachel at madaling kausap. Pagkatapos kong maghanda para umuwi tinawagan ko si Cedric para bantayan ang magkapatid dito sa apartment ni Rachel. "Secure sa loob ced sinigurado ko na,dito lang sa labas ang hindi".saad ko ng magkita kami sa labas ng apartment. "Ako ng bahala dito Dani gawin mo na ang gagawin mo"saad ni Cedric. Tinapik ko lang sa balikat si Cedric at sumakay na ako sa motor ko.bumalik ako sa hospital at hinanap ko yung nurse na kausap ni Patrick kanina. Naikot ko na ang mga nurse station pero hindi ko sya nakita. hindi naman ako makapagtanong dahil hindi ko alam ang buong pangalan nya basta raynold lang ang narinig ko. Paalis na sana ako ng makita kong paalis na rin sya.mas maganda para hindi maabala sa kanyang trabaho.nauna na akong lumabas ng hospital kinuha ko ang motor ko at at hinintay ko sya malapit sa sakayan ng jeep.swerte dahil umaayon sa akin ang pagkakataon,papara na sya ng taxi ng huminto ako sa harapan nya. "Isuot mo ito,at umangkas ka"saad ko. Takot ang rumihistro sa mukha nito at nagdadalawang isip na kunin ang helmet na binibigay ko. "Gusto lang kitang makausp importante,"saad ko pa. Ngunit hindi pa rin ito kumikilos,ng may subang bilis na sasakyan ang humaharorot at inararo ang mga nakaparadang tricycle at jeeep. "Sakay na!"sigaw ko. Nagmadali naman itong umangkas sa akin at mabilis kong pinasibad ang motor ko.hinabol kami ng dalawang naka motor at isang van. "Isuot mo ito".inabot ko sa kanya ang helmet na ayaw nyang kunin kanina. Ng maisuot na nito ang helmet ay lalo ko pang binilisan ang pagpapatakbo. ramdam ko ang takot nito sa higpit ng pagkakayap nya sa beywang ko.pagdating namin sa hindi gaanong mataong lugar ay huminto ako kahit alam kung malapit na ang humahabol sa amin. "Anung nangyari bakit tayo huminto,maaabutan tayo" tarantang saad nito. "Wag ka ng mag alala tapos na ito"saad ko. "Pero ayan na sila!"sigaw pa nito. "Alam ko!kaya tumahimik ka at kumubli ka sa kahit anung pwede mong kublihan,dahil pagod na akong makipag habulan!"sigaw ko. Natahimik naman ito at walang kibong kumubli sa puno sa di kalayuan. tumayo ako gitna ng kalsada at mahigpit na hawak ang baril ko.huminto sa di kalayuan ang isang motor at ang isa ay dahan dahan pa rin na umaabante. sanay ang mga mata ko kahit sa madilim kaya naman nakita kong bumunot ito ng baril at itinutok kung saan kumukubli si raynold. ngunit bago pa nya makalabit ay inunahan ko na sya nakita kong nalaglag ito sa motor na sinasakyan nya. Bubunot pa lang ng baril ang isa ngunit naunahan ko ng pinatamaan ang magkabilaan nyang balikat kaya nalaglag din ito sa kanyang motor. Tumakbo agad si raynold sa akin ng makita nyang pariho ng hindi kumikilos ang dalawang lalaking naka motor. "P-patay na ba yun"?utal na tanong nito. "Masamang d**o ang mga yun kaya malamang na buhay pa sila".saad ko. Natahimik lang ito sa tabi ko hawak ang extra helmet na pinagamit ko sa kanya.habang dinadial ko ang number ni Cedric. "Cedric papuntahan mo sa NBI ang barangay langgam boundary ng alta tiera homes ngayon na".saad ko at pinatay ko na ang tawag. Kinuha ko ang posas sa compartment ng motor ko para iposas ang dalawang naka motor. Hinila ko sa tabi ng kalsada ang dalawa at ipinosas ko.wala ng malay ang isa,samantalang ang isa pumipiglas pa. napansin kong pariho silang may tattoo na black butterfly sa pulsuhan ng kanang kamay. Paalis na ako ng umungol ang lalaking walang malay kaya napalingon ulit ako sa kanila. dahil parang kilala ko ang ungol saka ko lang napansin na nakasuot pala itong skintone na bonet at natatakpan ang mukha. Kaya nilapitan ko ulit at sapilitang tinanggal ang suot nyang bonet. "Patrick!!!!putang ina ka!"ang tanging nasabi ko. ubod lakas kung sinuntok sa mukha ang isang lalaki kaya nakatulog ito bago ko tinanggal sa posas si Patrick at sapilitan kong pinasan papunta sa motor ko. "Marunong ka magdrive ng motor raynold"tanong ko kay raynold na tulala pa rin. "K-kkinakabahan ako baka maaksidente ttayo"utal na saad nito. "Okay ako na,kailangan makaalis na tayo bago pa dumating ang mga NBI".turan ko. wala itong kibo na sinusunod ang bawat sabihin ko.naisampa namin si Patrick sa motor ko sa bandang unahan ko at sa likuran ko naman si raynold nakaangkas .sa safe house kami dumiretso. nakatulala si gin ng makita si Patrick na walang malay at nakaposas. Nagpatulong ako kay gin at raynold na maipasok sa interrogation room si Patrick. Pagkatapos namin maiayos ginamot ko ang sugat ni Patrick sa kabilaang balikat. malalim ang pagkakabaon ng bala sa kaliwang balikat pero wala naman tinamaan na vital at maayos kong natanggal ang bala. "M-Maam nurse po ako pero hindi ko kaya ang ginawa mong pagtanggal ng bala sa kanya".saad ni raynold na namamangha pa rin. "Bakit masyado bang brutal"?tanong ko. "Hindi naman maam sadyang nerbyuso lang siguro ako"saad nito. "matinding training naman ang pinagdaan ko para matutunan ang pagtanggal ng bala sa katawan"paliwanag ko. tumango lang ito bilang sagot at sumunod na sa akin palabas ng interrogation room. "Gin walang pribilehiyo ang mga trahedor alam mo yan" galit na saad ko. "Yes ma'am", sagot nito. Pagkatapos kong matiyak na ligtas na si Patrick ay iniwan ko ito at pumasok ako sa silid ko dito sa safe house. Kinuha ko ang paborito kong russian 9mm pistol at ang m90 tactical shutgun ko. Bitbit ko ang aking shutgun at nakasukbit naman sa beywang ko ang 9mm pistol.namutla si raynold pagkakita sa akin bitbit ang shutgun ko. wala itong kibo na nakaupo sa sopa sa loob ng aking opisina dito sa safe house.nakamata lamang ito sa ginagawa ko. "Nahuhulaan mo na ba kung bakit kita dinala dito raynold?"tanong ko. "Gets ko po ma'am pero syempre gusto ko pa rin marinig mula sayo".sagot nito. "Okay,anung kailangan sayo ni Patrick?" deretsong tanong ko. "Confidential po ma'am ang kailangan nya sa akin"sagot nito. ngumisi lang akong parang baliw at titig na titig sa mga mata ni raynold. "Hindi pa pumapalya ang kutob ko raynold,at sinisiguro sayo na sangkot ako sa kailangan nya sayo,at kapag napatunayan kong tama ako uubusin ko ang bala ng shut ko sa katawan mo kaya pag isipan mong mabuti Raynold Sevilla"baliw na saad ko. Napalunok ito ng laway habang nakatingin sa baril ko.tatalikod na ako ng magsalita ito. "Dani Cordero po ba ang pangalan mo"tanong nito. "Paano mo nalaman ang pangalan ko".takang tanong ko. "Masisiguro mo po ba ang kaligtasan ko pag nasalita ako".tanong pa nito. "Wala pa akong pinangakuan na hindi ko tinupad mr.sevilla,pero nasa sayo pa rin kung magtitiwala ka sa akin.turan ko habang pabalik sa swivel chair ko. "Kung ganoon ipagkakatiwala ko sayo ang kaligtasan ko,samahan mo ako sa hospital ngayon.saad nito. "Anung gagawin natin sa hospital".takang tanong ko. "Para masagot ang kutob mo"sagot nito. Hindi ako nagdalawang isip na sumama sa hospital.sakay ng motor ko kaya madali kaming nakarating ng hospital. at pumunta agad kami sa laboratory at may kinuha syang envelope at binigay sa akin. "Dahil dyan kaya nanganganib ang buhay ko,nandyan ang result ng mga DNA na pinabago ni sir Patrick sa akin ang mga pangalan at nadyan din ang result ng tunay na mga pangalan".saad nito "Salamat sa tiwala mo Raynold,tulad ng sinabi ko wala pa akong pinangakuan na hindi ko tinupad"saad ko. "Salamat din po ma'am"pasalamat nito. "Saan ka ba nakatira ihahatid na kita".turan ko. "Dito lang po sa malapit isang sakay lang nangungupahan lang ako ma'am.saad nito "Ang pamilya mo saan nakatira".tanong ko "Mag isa na lang ako ma'am ulila na po apat na taon na"saad nito. "Im sorry,ilan taon ka na"tanong ko. "24 po ma'am"sagot nya. "Ate na lang itawag mo sa akin wag ng ma'am"nakangiting saad ko. "Salamat po a-ate "saad nitong nakangiti. "Sa safe house kana muna umuwi ha,para sa safety mo,at may maghahatid at sundo sayo sa hospital,iwasan mo muna ang paglabas labas hanggang hindi tayo nakakatiyak sa kaligtasan mo" saad ko pa. Sa safe house muna si Raynold mananatili hanggang hindi ko pa tiyak ang kanyang kaligtasan. Pinagamit ko sa kanya ang kwarto ko para naman maging kompotable sya,komplito naman ang gamit sa kwarto ko maging sa pagluluto.matapos kong ibilin lahat ng kailangan ay pinagpahinga ko na ito.at binilin ko na rin kay gin na ihatid ito sa hospital tuwing papasok. Ng makauwi na ako sa apartment ni Rachel ay si Cedric naman ang pinauwi ko at binilinan na bantayang maigi si Patrick at wag hahayaan na tanggalan ng posas kahit makiusap pa ito. Pumasok na ako sa loob ng bahay at subrang gulat ko ng bigla lumiwanag ang buong living room. "Sabi mo sandali ka lang uuwi sa inyo madaling na araw po".inis na saad ni Ronnie. "Makasita ka naman tay, wala naman po akong ginagawang masama kahit umuwi akong madaling araw,umaga,tanghali,hapon o gabi,walang masama tay,dahil hindi na ako bata nasa tamang edad na po ako at tamang pag iisip!"singhal ko. "Wala na akong sinabi"inis na saad nito at iniwan na ako. Umakyat na ako sa kwarto ni Rachel,matapos maligo at magbihis bitbit ko ang envelope at naupo ako sa swivel chair ni Rachel sa office table nya dito sa kwarto.tiningnan ko ang laman ng envelope at DNA results nga hindi lang isa kundi apat. Si A1 at si A2 paternity test results ang una kong nakita at negative ito.si A1 at si A3 paternity test results naman ay negative din.ang sunod kong nakita ay ang B1 at A2 paternity test results ay positive at maging ang B1 at A3 ay positive din.sino sila ang tanong na umiilot sa utak ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD