"Hoy!matulog na po umaga na"pang gugulat ni Ronnie sa akin.
"Ay punyeta ka!!! next time mamili ka ng oras sa panggugulat mo lalaki baka hindi kita matantya,putulin ko yang hininga mo!"inis na singhal ko.
"Sorry,i-iim sorry,may problema ba"anitong nahintakutan.
"ikaw!...ikaw ang problema ko,kaya itabi mo yang sarili mo kung ayaw mong matulog na panghabang buhay!".inis na saad ko pa.
"Im sorry"malungkot na saad nito at naglakad na papunta sa kama ni Rachel.
Bumalik ako sa paghahalungkat sa laman ng envelope na binigay ni Raynold, at may nakita akong apat na DNA test results.unang tumanbad sa skin ang pangalan ni tatang bilang A1 at ang pangalan ni kuya Lito bilang A2 na negative ang result. Sunod kong nakita ang pangalan ko bilang A3 na negative din ang result kay A1
"hindi si tatang ang biological father namin ni kuya Lito"tanong sa isip ko na nagpagulo lalo ng utak ko.
May dalawa pang result ng DNA na ang pangalan ay Ramon Dulliente bilang B1 at possitve result ito kay kuya Lito bilang A2 at sa akin bilang A3.
"Sino ka Ramon Dulliente"? Tanging tanong ko kasabay ng pagtulo ng luha ko.
Matagal akong nakatulala habang nakaupo sa swivel chair ni Rachel.
Lalong gumulo ang utak ko sa kakaisip kung paanong nangyari na hindi si tatang ang biological father namin ni kuya Lito,
pinagtaksilan ba sya si nanay,baog ba si tatang kaya kailangan magpabuntis ni nanay sa kung sinong poncio pilato ng ganon ganon lang,si kuya mike hindi rin ba anak ni tatang o baka naman fake ang DNA results na ito.
"Kalma Dani,kumalma ka wag kang padalos dalos alamin mo muna ang totoo bago ka gumawa ng hakbang"kausap ko sa sarili ko
Minsan pakiramdam ko mas malala ang tama ko kaysa kay Rachel dahil madalas ko na rin kausapin ang sarili ko.
Kahit pagod na pagod ang pakiramdam ko hindi ko nagawang magpahinga o matulog ng kahit na isang segundo.
Pakiramdam ko pag pumikit ako maraming mangyayari na sasabog na lang bigla sa pagmumukha ko.
"Ahhhhh!"malakas na sigaw ko na ikinagulat ng dalawa kong kasama dito sa kwarto.
"What happened sweet heart!"
"Ate Dani!"
Sabay na turan nina Rachel at Ronnie.napabangon sila bigla dahil sa sigaw ko.
"Wala, I'm sorry,"saad ko at dali daling naglakad papuntang banyo.
Sa banyo ako napaluha dahil sa bigat ng pakiramdam ko, isipin ko pa lang ang nasa DNA parang mabibiyak na ang dibdib ko.kahit hindi pa ako sigurado kung totoo ba o hindi ang DNA results na hawak ko.
Nakakapanghina na pero aalamin ko ang totoo at uumpisahan ko kay Patrick ang pag iimbistiga ko.
Paglabas ko ng banyo nakatayo ang magkapatid sa labas ng pintuan at nasa mukha ang pag aalala nagsisikuhan pa sila ng makita ako.
"Problema nyo?"tanong ko.
"Kasi!!"sabay na turan ng dalawa.
"Ikaw na nga"saad ni Rachel sa kapatid.
"Kasi nag aalala kami sayo bigla ka na lang sumigaw kanina,may problema ba"?saad ni Ronnie.
"Sumigaw? sigurado kayo na sumigaw ako?"maangmaangan kong tanong.
Lalong nangunot ang mukha ng dalawa kaya itinuloy ko ang pagpapanggap na hindi ako sumigaw sa magkapatid.
"Sumigaw ka ate Dani ang lakas nga eh,saad pa ni Rachel.
"Sumigaw ka talaga sweet heart promise ang lakas".ani Ronnie na may pag aalala sa boses.
"Nananaginip lang kayo bakit naman ako sisigaw na alam kong natutulog kayo,ano ako baliw"saad ko pa at nilampasan ko sila.
Gumulong ako sa kama at tumalukbong ng kumporter.tumabi sa akin si Rachel at niyakap ako.
"Pero ate may sumigaw talaga kaya nga ako nagising en"pangungulit pa ni Rachel.
"Baka naman kuya mo ang sumigaw tapos ako lang pinagbibintangan mo"saad ko sa nagtatampong boses.
"No,hindi kita binibintangan,siguro nga si kuya ang sumigaw ayaw lang umamin".saad ni Rachel.
"Bakit ako Rachel,eh sabay pa nga tayong nagising di ba"saad naman ni Ronnie.
"Eh hindi nga si ate Dani ang sumigaw kuya!"singhal ni Rachel sa kapatid nya.
"Pwede ba kung gusto nyo mag away doon kayo sa labas,magpatulog kayo kung ayaw nyo matulog" inis na saad ko.
"Sorry"mahinang saad ni Rachel at yumakap na ito sa akin.
Ramdam kong humiga na rin si Ronnie sa tabi ko at hinila nito ang kumporter na nakatalukbong sa akin.
kaya ayun tatlo kami sa kama na magkakatabi at magkakasukob sa iisang kumporter.
ako ang nasa gitna nila dahil hindi nakakatulog si Rachel pag sya ang nasa gitna.
Harmless naman katabi si Ronnie kaya ayos na rin libre tirahan na at libre na rin sa kain.nakatulog agad ako dahil leteral na pagod ako at pagod din pati utak ko kakaisip sa DNA na hawak ko
"sweet heart wake up"saad ni Ronnie habang tinatapik ako sa may bandang tuhod ko.
Sa subrang antok ko tanging ungol lang ang sinasagot ko sa tuwing tinatapik nya ako.
Hanggang sa makatulog ako ulit nagising akong wala ng katabi sa higaan.
pagtingin ko sa orasan wala sa sariling natampal ko ang sarili kong noo dahil 11:30 na ng tanghali.nagmadali akong naligo at nagbihis,pagbaba ko ay kumakain na si Rachel.
"Morning ate Dani "saad ni Rachel na tumayo pa para yakapin ako at halikan sa pisngi.
Tumataba masyado ang puso ko sa lukaret na ito anu kaya ang nakita nito sa akin at dikit na dikit lagi sa akin simula ng tanggapin ko ang pakikipagkaibigan nito sa akin.
"Morning, gamot mo nainom mo ba on time?"tanong ko habang kumukuha ng sariling plato.
"Yeah" saad nitong nakangiwi
"Parang alanganin ang sagot mo babae,yung totoo"?tanong ko habang nakatitig sa kanya.
"Ehh ayaw kong inumin yung isa antok na antok ako lagi pag iniinom ko yun".nakalabing saad ni Rachel.
"Pag inantok eh di matulog,kailangan mong inumin yun Rachel para bumalik na ang pagka maldita mo".saad ko pa.
"Okay fine!iinom na". anitong nakasimangot.
"Rachel"tawag ko
"What"sagot nitong nakasimangot pa rin.
"Smile"nakangiting saad ko sabay kindat sa kanya.
Hindi ito nagsalita ngunit tirik naman ang mga mata.
matapos kumain kasama ko si Rachel pauwi sa bahay namin si tatang at si kuya mike ang naabutan ko sa bahay.
"Tang kumusta ka"saad ko at nagmano ako.
"Anak buti umuwi ka"saad ni tatang.
"Dani ilang araw ka na namin hinahanap saan ka ba nagpupunta"? Tanong ni kuya mike.
"May inaasikaso lang ako tang,kuya mike"sagot ko.
"Dani totoo bang nakidnap ka"?galit na tanong ni kuya mike.
"oo nga dani anu ba talaga ang nagyari sayo"tanong din ni tatang.
"Kuya mike" saad kong nag aalangan.
"Alam ko na Dani kaya hindi mo na kailangan itago sa akin"ani tatang.
"Kanino nyo po nalaman"? tanong ko.
"Si kuya Lito ang nagsabi at ilang araw ka ng pinaghahanap ng mga police"ani kuta mike.
"May pinaplano ka nanaman kuya Lito kaya gumagawa ka ng kwento.hindi mo ako maiisahan kahit na kailan kuya Lito."saad ko sa aking isipan.
"Anung kidnap ang pinagsasabi nyo,ito maayos ako,may inaasikaso lang ako kaya hindi ako nakakauwi."saad ko.
"Patrick Javier daw ang nag kidnap sayo at halos hindi na rin umuuwi si kuya Lito sa paghahanap sayo".dagdag pa ni kuya mike.
"Kuya mike,tang ok ako,walang kumidnap sa akin at wala akong kilalang Patrick Javier,ito ang kasama ko si Rachel kaibigan ko kapatid ni kapitan.saad ko.
"Hello po,"ani Rachel at nagmano rin kay tatang.
"kaawaan ka ng diyos iha, Dani kumain na ba kayo? ipaghahanda ko kayo ng makakain"ani tatang at naglakad na papuntang kusina.
"Ah tatang wag na po,kakakain lang namin ni ate Dani"pigil ni Rachel kay tatang.
Sabay kaming napalingon ni kuya mike kay Rachel at nakita ko kung paano ito nahiya sa mga tingin ni kuya mike.
"Ate...."anito sabay tumakbo sa akin at yumakap ng mahigpit.
"Bakit"takang tanong ko.
"Natatakot ako sa kuya mike mo"bulong ni Rachel sa akin.
Natatawa at nagtataka ako sa inaasal ni Rachel sa tuwing may lalaking tumitingin sa kanya.parang takot na takot sya sa mga lalaking tumititig sa kanya.
Kaya ng umakyat sa kwarto si kuya mike ay naisip kong ihatid muna si Rachel sa office nila ni Ronnie.
"Rachel hatid muna kita sa office nyo ha"saad ko.
"Bakit"kunot noo nitong tanong.
"May kailangan lang akong gawin, babalikan naman kita kaagad" nakangiting saad ko.
"Fine"nakasimangot na turan ni Rachel.
Nagpaalam na kami kina tatang at kuya mike para maihatid ko si Rachel sa office nito.
Palabas na ako ng office nina Rachel ng tumunog ang cellphone ko.nakita kong si Cedric ang tumatawag kaya hindi ako nag atubiling sagutin ang tawag nya.
"Cedric"sagot ko sa tawag nya.
"Saan kana"tanong nito.
"papunta na bakit anong nangyari"?tanong ko.
"Gising na si Patrick,ang masaklap hawak ng kuya mo ang asawa at anak ni Patrick".saad ni Cedric.
"5 minutes nandyan na ako"saad ko at pinatay ko na ang tawag.
Binilinan ko lang si Ronnie na sya muna ang bahala kay Rachel at nagmadali na akong umalis at hindi ko na pinansin pa ang mga tanong nito sa akin.
Sa safe house sigaw ni Patrick ang umaalingawngaw ng dumating ako
Nakaramdam ako ng galit ngayon kay Patrick sa pagtatrahedor nito lalo na sa akin.
Pinuntahan ko kaagad si Patrick sa interrogation room kasalukuyan itong kinakausap ni Cedric,pero sigaw lang ito ng sigaw.
"Labas kayong lahat at isarado ang pintuan".saad ko pagkapasok ko sa interrogation room.
Gulat ang lahat na napalingon sa akin,lalo na si Patrick.
"Dani kumalma ka muna bago mo kausapin"saad ni Cedric at pinipilit akong akayin palabas ng interrogation room.
"Kalmado ako Cedric"seryosong saad ko.
"Okay give me your gun" saad ni Cedric.
"Wala ka ng tiwala sa akin Cedric"kunot noong tanong ko.
"Gusto ko lang makasiguro na wala kang gagawing violation, kailangan ka ng team,mabibigat at maimpluwensya ang kalaban natin"anito sa seryosong boses
"Alam ko,at alam kong malaki ang kinalaman sa buhay ko ng kasong hawak
ngayon,kaya hindi mo ako kailangan disarmahan ngayon Cedric dahil kong gusto kong patayin si Patrick hindi ko yan padadaplisan at lalong hindi sa balikat ang tama nyan".sagot ko.
"may tiwala ako sayo Dani,at hindi mawawala yun kahit kailan"ani Cedric na seryosong nakatingin sa akin
"yun naman pala eh,pwede ka ng tumabi dahil tumatakbo ang oras ko"inis na saad ko.
Hinayaan ako ni Cedric at hindi nya rin ako dinisarmahan.lumabas lahat pero nagpaiwan si Cedric.malaki ang tiwala ko sa kanya kaya hinayaan kong marinig nya ang mga itatanong ko kay Patrick.
"kumusta ang sugat mo Patrick"kalmadong tanong ko.
"Balewala ang sugat ko ma'am Dani,pero ang mag ina ko hindi sila okay tulungan nyo ang mag ina ko ma'am parang awa nyo na po"umiiyak na saad nito.
"Sino si A1?"tanong ko.
Gulat ito at nahintakutan na tumingin sa akin,
Titig na titig lang ako sa kanya at hindi sya makatingin ng deretso sa akin.
"So totoo na si tatang at si A1 ay iisa"?muling tanong ko.
napahakbang palapit sa amin si Cedric ng marinig ang pangalan ni tatang.at masamang tingin ang ipinukol kay Patrick.
"Patawarin mo ako ma'am"nakayukong saad nito.
"Alam mong hindi yan ang sagot na gusto ko Patrick."inis na saad ko.
dahan dahan itong tumango,habang umiiyak.
"Totoo lahat ang nalaman mo ma'am Dani,matagal na akong tauhan ni sir Lito,wala akong choice dahil hawak nya ang mag ina ko,kaya alam nya lahat ng mission natin,pati ang pag kidnap sayo at ang pagkakahuli kay coronel santos plano lahat ng kapatid mo.
wala silang planong saktan ka ang gusto lang nila makuha ka,ang loyalty mo at ang serbisyo mo para sa organization na pinamumunuan ni sir Lito.at pag nakuha ka na nila papatayin nila si tatang at si sir mike"pagtatapat ni Patrick.
"at bakit ako maniniwala sayo"tanong ko pa.
"wala ng dahilan ma'am Dani para magsinungaling pa ako sayo"anitong luhaan pa rin.
"sino si B1 bakit positive ang DNA results namin ni kuya Lito sa kanya?tanong ko ulit.
"si Ramon Dulliente kapatid ni congressman Lazarus Dulliente,isang drug lord,na namumuno sa organization na pinamumunuan ni sir Lito ngayon"saad ni Patrick.
"alam mo ang kwento kung paano kami naging anak ni Dulliente?tanong ko.
"ayon sa kwento ni Ramon Dulliente nobya nya si miss sally anao at nabuntis nya ito ngunit kailangan nyang pumunta sa ibang bansa para sa mission nya para makuha ang pinakamataas na position sa underground organization
may nangyari daw sa kanya na hindi maganda kaya natagalan bago makabalik sa bansa.at pagdating nya asawa na ng tatang mo si miss sally anao kasal na sila kaya hindi na nya mabawi si miss sally anao"
"paano nya ako naging anak"mahinang tanong ko.
"lihim na pinababantayan ni Ramon Dulliente ang pamilya mo kaya ng malaman nyang nadistino sa Mindanao ang tatang mo kinausap nya ang nanay mo para bumalik sa kanya,ayaw ng sumama sa kanya ni mrs.cordero dahil mahal na nya ang tatang mo.sa galit ni Ramon Dulliente pinagsamatalahan nya ang nanay mo at ikaw ang nabuo"pahayag ni Patrick.
Lalo akong nakaramdam ng galit sa mga nalaman ko mula kay Patrick.walang salita akong lumabas ng interrogation room,derederetso akong lumabas ng safe house at nagdrive ng motor pauwi ng bahay.
pagdating sa bahay lalong nabuhay ang galit ko ng makita ko ang motor ni kuya Lito.kaya dali dali akong pumasok sa loob ng bahay at nakita ko si kuya Lito na nakaupo sa sopa.
sa subrang galit na nararamdaman ko gustong gusto ko ng iputok ang baril ko sa kanya pero bigla kong naalala ang kaligtasan nina tatang at kuya mike.
sila lang ang pamilya ko at gagawin ko lahat para sa kaligtasan nila.
kinalma ko ang aking sarili at nagpanggap na walang alam gaya ng ginagawa ni kuya Lito.
"Dani nandito kana pala pwede bang ikaw na ang maghatid nito sa kuya mike mo"saad ni tatang pagkakita sa akin.
napalingon din si kuya Lito sa gawi namin ni tatang at nagsalubong ang tingin naming dalawa.agad itong nag iba ng tingin.
"paalis ka ba tang sabay na tayo"saad ko.
"sige anak may kukunin lang ako sandali"sagot ni tatang at umakyat na sa kwarto nya.
"sige tang antayin kita"saad ko at umupo ako sa sopa sa harap ni kuya Lito.
nakatingin lang ito sa akin at hindi nagdasalita kaya tinaasan ko ito ng kilay.ngumisi ito at tumayo na.
"pwede ba tayong mag usap Dani"seryosong saad nito.
"sabihin mo na ngayon habang may oras pa ako,kasi pag bumaba si tatang sa kanya na lahat ng oras ko". seryosong sagot ko.
"pumunta ka sa opisina ko mamayang 9pm hihintayin kita.saad nito at naglakad na paakyat ng hagdan.
"sa pagkakaalam ko hindi kana tumatanggap ng appointment sa ganoong oras kuya Lito,nakakapangduda yata"saad ko pa.
hindi na ito nagsalita at tuluyan ng umakyat sa ikakawang palapag ng bahay namin.hindi na rin ako umimik pa.
pinag iisipan kong mabuti kung pupunta ako sa opinsina ni kuya Lito o hindi kung may mapapala ba ako o wala.