Ako ang nagdrive ng kotse ni tatang,idinaan ko muna sya sa grocery store namim bago ko hinatid kay kuya mike ang gamit na nakalimutan nya.
Wala pa syang pasyente kaya nagkausap pa kami ng kunti.hanggang sa paalis na sana ako ng bigla nyang mabanggit ang salitang death threats.
"What"?gulat na tanong ko.
"Tama ang narinig mo Dani,araw araw akong nakakatanggap ng death threat simula ng sinabi ni kuya Lito na nakidnap ka,at natatakot ako lalo na para kay tatang,hindi ko alam kung nakakatanggap din sya ng death threat."saad ni kuya mike.
"Kuya mike, totoong nakidnap ako,pero hindi si Patrick Javier ang kumidnap sa akin"pagtatapat ko kay kuya mike.
"Sino"?tanong nito at lalong nangunot ng noo.
"Si kuya Lito ang nagpakidnap sa akin.
Si Patrick Javier ay kasamahan ko,hawak ni kuya Lito ang kanyang mag ina kaya nagawang magtrahedor ni Javier sa grupo ko"pagtatapat ko kay kuya mike.
"Paanong si kuya Lito at anung grupo ang sinasabi mo Dani"naguguluhang tanong ni kuya mike.
"kuya mike,ang pagkakadissmis ko sa serbisyo ay parte ng imbistigasyon ko sa mga bulok na alagad ng batas at mga opisyal ng gobyerno na kasapi sa iskalawag at isa si kuya Lito sa anay na wawalisin ko.isa ako sa mga secret agent na hawak ni general Alano kuya mike."paliwanag ko kay kuya mike.
"Paano na ngayon,ano ang gagawin natin"?tanong ni kuya mike.
"Kakailanganin ko ang tulong mo kuya mike kailangan ko ng DNA test ni kuya Lito at ni tatang pati sayo at sa akin.at wag kang magpapahalata kay kuya Lito dahil nasa plano nya ang pagpatay sayo at kay tatang".saad ko pa
Nakita ko ang takot kay kuya mike sa mga pinagtapat ko sa kanya pero panandalian lang dahil napalitan ito ng subrang galit.maging ako ay nakaramdam din ng subrang galit pero alam ko na hindi pwedeng galit ang pairalin ko dahil baka ikapahanak nila tatang at kuya mike kung paiiralin ko ang galit na nararamdaman ko.
"Bakit kailangan ang DNA Dani"?takang tanong ni kuya mike.
"Dahil dito"inabot ko sa kanya ang envelope na binigay sa akin ni Raynold.
"A-ano to bakit may ganito"?utal na tanong ni kuya mike ng makita ang laman ng envelope.
"Confirmation ang kailangan ko kuya tulungan mo akong alamin kung totoong hindi nga si tatang ang biological father namin ni kuya Lito,at ikaw bakit hindi nila ginawaan ng DNA test".turan ko.
"G-gagawin ko Dani,pero please k-kkailangan ka namin ni tatang".saad ni kuya mike na nauutal pa.
"Sainyo ako ni tatang kuya mike kahit ano pa ang maging result ng DNA test na gagawin mo sa inyo lang ako".naluluhang saad ko.
"Mag iingat ka Dani"saad ni kuya mike at tinapik ako sa balikat.
"Lahat ng death threats na natatanggap mo kuya sabihin mo sa akin,at dito mo ako kuntakin para madali kitang mapuntahan"saad ko bago ako umalis sa clinic ni kuya mike.
at binigay ko rin ang personal number ko na tanging mga kasama ko lang na agent ang nakakaalam na nagsisilbing hot namin sa grupo.
"mag iingat ka Dani"ulit pa ni kuya mike.
"Ikaw din kuya"sagot ko.
Bumalik ako kay tatang sa grocery store para ihatid ang kanyang kotse na ginamit ko para ihatid ang mga gamit ni kuya mike.
Pagdating ko sa grocery store ay pinag iisipan kong mabuti kong dapat ko bang ipaalam kay tatang ang tungkol kay kuya Lito o hahayaan kong sya mismo ang makatuklas ng katutuhanan tungkol sa amin ni kuya Lito.
at sa huli naisip kong itago na lang muna hanggang hindi pa lumalabas ang DNA results na pinapagawa ko kay kuya mike.
Mas maganda na ang sigurado baka mali naman ang resultang hawak ko galing kay Raynold.
"Dani anak,may lakad ka ba ngayon"?tanong ni tatang.
"Wala tang,kaya sayo ang oras ko ngayon"saad ko habang nakayakap ng mahigpit kay tatang.
"Naku anak tulungan mo nga ako sa inventory kasi hindi nagtatali ang inventory namin ni karen."saad ni tatang.
"Ako ng bahala tang"sagot ko at umupo na ako sa harapan ng computer para simulan ang utos ni tatang.
si karen isa sa pinagkakatiwaang tauhan ni tatang dito sa grocery,matagal na syang tauhan ni tatang, isang dalagang ina si karen.
sa tuwing nandito ako sa grocery ay tudo asikaso sya sa akin, at minsa nakikita ko sila ni tatang na magkausap na kung bibigyan ko ng kulay ang pagiging sweet nila malamang may relasyon sila.
pero ayaw kong makialam sa personal na buhay ni tatang sana tama ang hinala ko kasi nakikita kong masaya si tatang tuwing kausap o kasama nya si karen.
"anak pwede naman tayo mag usap kahit nagtatrabaho di ba"?biglang tanong ni tatang.
"Oo naman tang,anu ba ang pag uusapan natin?"tanong ko rin.
"Kasi anak,bilang ama mo wala naman problema normal lang lahat,pero bilang kapwa mo sundalo alam kong may problema tayo".saad ni tatang na ikinatahimik ko.
"Napansin nyo po"?tipid na tanong ko.
"Matagal na anak, hinihintay ko lang na ikaw mismo ang magsalita,tungkol ba sa kuya Lito mo"?tanong ni tatang.
"Anu po ba ang napapansin mo tang,?"tanong ko rin.
"Tungkol sa pagkawala mo ng ilang araw,,,Dani alam kong pariho kayong nagsisinungaling ni Lito sa akin".saad pa ni tatang.
"Tang gamitin nyo ang pagiging sundalo nyo,mas talasan mo pa ang pakiramdam mo tang at wag kang basta magtiwala kahit kanino".makahulugang saad ko.
Nagpatuloy ako sa ginagawa kong pag iinventory at pinakikiramdaman ko si tatang ngunit tahimik lang din ito sa tabi ko.
"Kahit ba sa inyo ni Lito hindi ako pwedeng magtiwala anak"?tanong ni tatang na bumasag sa pananahimik ko.
"Kung yan ang sa tingin mong tama tang gawin mo,wag mong alalahanin si kuya mike ako ng bahala sa kanya,"saad ko pa.
Alam kong nakuha ni tatang ibig kong sabihin
Kaya alam ko bilang dating sundalo ay handa sya sa kahit anung laban.
Tahimik ako sa pag check ng mga inventory sa tabi ni tatang naka focus ang utak ko sa ginagawa ko pero ramdam ko ang pananahimik ni tatang bawat buntong hininga nya may ibig sabihin pero pilit kong binabalewala.
"Dani anak,alam kong may gusto kang itanong sa akin,nakahanda ako anak".saad ni tatang sa malungkot na tinig.
"Tang handa rin ako, kahit anung oras pero may tamang panahon para sa lahat yun lang ang hinihintay ko,basta kahit anung mangyari tang sayo lang ako."saad ko.
"Salamat anak,at patawad kong may pagkukulang ako lalo na sayo".naluluhang saad ni tatang.
"Wala kang pagkukulang tang,saka wag ka ng magdrama baka mamaya uwian na hindi ko tapos itong pinapagawa mo sa akin". natatawang saad ko.
"Ganon talaga siguro anak lalo na pag tumatanda na masyado ng madrama"ani tatang at nagkatawanan kami.
Dumating ang oras ng uwian at natapos ko na ang mga pinagawa ni tatang.magkasabay kaming lumabas pagkatapos naming maisara ang store,dahil ihahatid ko si tatang pauwi.
Nagmamaniobra na ako ng kotse ni tatang ng may bumusina sa amin ng pagkalakas lakas.sabay kaming naalerto ni tatang.
"Tang"...
"Anak"...
Sabay namaing sambit.
"Wag kang lalabas tang"saad ko.
Nakita ko sa side mirror na papalapit sa amin ang dalawang lalaking may takip ang mukha.
"humanda ka tang"saad ko.
"Anak mag iingat ka"ani tatang habang kinakasa ang kanyang baril.
Tango lang ang naging sagot ko,dahil nasa gilid kona ang isa sa dalawang lalaking nakatakip ang mukha.kumakatok na ito sa bintana ng kotse.
sa tingin lang at tango kami nag usap ni tatang.lumabas ako kotse at hinarap ko ang lalaking kumakatok.
"Yes"taas kilay kong saad.
"Isang oras na lang ma'am ang nalalabi bago ang takdang oras na paghaharap ninyo ni boss Lito"saad ng lalaki.
"Isang oras pa pala eh,pakisabi sa boss mo na wag syang atat!"matapang na saad ko.
"Pasinsya na po ma'am kami ay napag utusan lamang"magalang na saad ng lalaki.
"Umalis na kayo,at wag kayong haharang sa daraanan ko dahil nerbyosa akong tao,kayo din" saad kong mapang uyam.
Umalis na ang dalawang lalaki kaya nagmadali ako para maihatid si tatang sa bahay.
tahimik kami sa byahe nagpapakiramdaman ngunit gumagana ang utak ko sa pagpaplano para hindi ako maisahan ni kuya Lito kung anuman ang pinaplano nya ngayong gabi.
pagdating sa bahay sumonod agad ako kay tatang sa loob.
"Tang,wala pa sa kamay ko ang ebidensya pero maglalakas loob akong magtanong,i-ikaw po ba ang biological father namin ni kuya Lito?"utal na tanong ko.
malungkot na humaharap sa akin si tatang,at nakatitig lang sya sa akin ng ilang minuto.
bago magsalita ay masaganang luha muna ang dumaloy sa kanyang pisngi.
"Sa papel at sa puso ko Dani anak ko kayo ng kuya Lito mo"madamdaming saad ni tatang.
"S-ssi Ramon Dulliente ba tang"?naiiyak ko ring tanong.
Tango lang ang naging sagot ni tatang at patuloy ang pagdaloy ng luha nito.
Tinapik ko sya sa balikat at umakyat na ako sa kwarto ko.
bago ko inihanda ang mga gagamitin ko ay tinawagan ko muna si Ronnie at binilin ko si Rachel na wag hahayaan na mawala sa kanyang paningin.
ibinalita nya rin na bumalik na si sunny kaya kahit papaano ay may mag aasikaso sa kanila.
"Ronnie pakibigay kay sunny ang phone may ibibilin lang ako sa kanya,"saad ko.
"Sabihin mo na sa akin ako na lang magsasabi sa kanya".saad nito.
"Please"saad ko pa.
"Fine!"inis na saad ni Ronnie.
"Thank you Ronnie".malambing kong pagpapasalamat.
Paniguradong kinikilig na naman ang abnoy kahit hindi ko nakikita alam kong abot hanggang buwan ang saya nya kahit sa simpling thank you ko lang.
"Hello ma'am Dani,si sunny po ito".saad ni sunny na ikinagulat ko.
"Sunny may ipapakiusap sana ako sayo, personal bodyguard ka ni Ronnie di ba?"tanong ko.
"Yes ma'am, anu po yun"tanong din ni sunny.
"Gusto ko sana na magpaka Dogger ka ngayon para sa magkapatid,at panatilihin mong dilat ang mga mata mo hanggat hindi ako dumarating dyan,"bilin ko kay sunny.
Hindi ko na hinintay na sumagot pa ito at pinatay ko na ang tawag.
Sunod kong tinawagan si Cedric para ibilin na bantayang maigi si kuya mike.
at si Garrett na katulad ni Cedric na pinagkakatiwaan ko tinawagan ko rin para bantayan si tatang.
Matapos kong mailagay sa backpack ko ang mga kakailanganin kong gamit ay lumabas na ako ng kwarto.suot ang uniform kong pang sundalo,nakasukbit sa beywang ko ang dalawang 9mm na pistol ko at sa balikat ko naman ang m16 rifle na regalo pa sa akin ni general Alano ng tumaas ang ranggo ko bilang master sergeant.
Sa balikat ko nakasukbit ang aking backpack at sa kaliwang kamay naman bitbit ko ang shutgun na regalo sa akin ni tatang ng mag 18 years old ako.
Nagulat si tatang ng makita nya ang ayos ko.
"Dani anak a-a-anu bbang nangyayari may gyera ba b-bbakit armado ka"nauutal na tanong ni tatang.
"Maaari tang kaya dapat nakahanda tayo sa lahat ng oras".saad ko sabay bigay ng shutgun ko kay tatang.
"Tang gamitin mo,ipapaliwanag ko lahat pagbalik ko sa ngayon dapat nakahanda ka dahil isa ka sa papatayin nila pero hindi ako papayag tang kaya haharapin ko na sila,may tao akong pinagkakatiwalaan na magbabantay sayo,"saad ko.
"Anak"tanging nasambit ni tatang.
"mag iingat ka tang"saad bago ako lumakad palabas ng bahay.
sakay ng aking Ducati papunta sa presinto uno sa opisina ni kuya Lito.
huminto ako sa madilim na parte bago pa dumating sa presinto at itinago ko ang aking motor sa nagtataasang d**o.
medyo malayo sa lugar kung saan kami magkikita ni kuya Lito.
sa bandang likuran ng gusali ako dumaan,may natitira pa naman akong tatlongpu at limang minuto bago ang takadang oras.
pinili kong umakyat sa puno at walang ingay na tumalon sa terrace ng opisina ni kuya Lito.
hindi pa kasi ako nasisiraan ng ulo para dumaan sa entrance na alam kung gyera ang pupuntahan ko.
alo at alam kong marami sila at nag iisa lang ako,ay dalawa pala kami yung kasama kong ako lang ang nakakaalam basta dalawa kami tapos ang usapan.
tanga at bobo lang ako sa mata ni kuya Lito pero alam ko sa sarili ko na mas madiskarte ako kaysa sa kanya.
at hinding hindi nya ako maiisahan lalo na sa mga ganitong ganap sa buhay.
lalo na at alam kong tama at para sa mas nakararami ang ginagawa ko.
at alam ko rin na ang tama at ang malinis na hangarin lamang ang ginagabayan ng diyos.
kaya sa lahat ng gyerang hinarap ko hindi ko iniisip na mas marami ang kalaban ko sapat lang na isipin kong kasama ko ang diyos at ang katutuhanang pinaglalaban ko para sa bayan at sa kapwa ko mamamayan.
nakabukas ang pintuan sa terrace ng opisina ni kuya Lito,
walang tao sa loob kaya malaya akong nakapasok.
gumala kaagad ang paningin ko sa buong opisina at napako ang tingin ko sa malaking picture frame.
kumabog ang dibdib ko pagkakita ko sa larawan ng isang lalaki na kamukha ni kuya Lito.
katulad ng balat nya na kulay pula sa gilid ng kanyang panga ay ganoon din ang akin na animoy thamb mark.
"Ramon Dulliente"sambit ko sa isip.
hinawakan ko ang picture frame, mabigat ito kaya inusisa ko ng husto hanggang sa may mahulog na kulay pulang maliit na libro.
dahan dahan kong ibinalik ang picture frame sabay dampot ng maliit ng libro.
binuklat ko ito at nakita ko ang mga pangalan ng matataas na opisyal ng gobyerno.
may heneral,senador, congressman mayor at marami pang iba.
kinuha ko ang maliit na libro at inipit ko sa suot kong sports bra.
ng makarinig ako ng mga yabag ay nagtago ako sa makapal na kurtina sa bintana malapit sa pintuan
pumasok si kuya Lito at ang lalaki sa larawan.
"nauubos na ang pasinsya ko sa kapatid mo Lito pag hindi sya dumating ngayon ako na mismo ang kakaladkad sa kanya para bawiin sya sa tatay nyang hilaw!"gigil na saad ng lalaki.
"dad,may 12 minutes pa tayo darating yun"kalmadong saad ni kuya Lito.
at maya maya ay dinapot nito ang telepono at may kinausap.
"marco isama mo si anton, pag dumating si Dani disarmahan nyo kaagad,kung kailangan iposas gawin nyo at bitbitin nyo dito sa opisina ko"!utos ni kuya Lito sa kausap nya sa telepono.
nakikinig lang ako sa mga usapan nila,habang ang galit ko ay umabot na yata hanggang sa buwan.
"bakit hindi mo pa pasimulan ang pagbulabog sa mag amang Cordero anak"nakangising saad ng lalaki.
"dad pagdating ni Dani dito matic na yun" saad ni kuya Lito na nakangisi din.
dahan dahan akong naglakad sa may pintuan at malakas kong sinarado at nilock.nagulat sila ni kuya Lito ng makita ako.
"D-DDani"!gulat na sambit ni kuya lito.
samantalang ang lalaki ay nakanganga lang.
"ako nga kuya Lito"saad kong nagtatagis ang aking bagang.
"sssaan ka nnanggaling,saan ka dumaan"?utal na tanong ni kuya Lito.
"natural sa pintuan bakit sa tingin mo kakasya ba ako sa bintana,?mukhang ikaw naman ngayon ang nagiging bobo kuya Lito"? saad kong nakangisi.
"wag mo akong tinatarantado Dani tatamaan ka"?galit na singhal sa akin ni kuya Lito.
"bakit hindi pa ba"singhal ko rin.
nakita kong bubunot ito ng baril kaya inunahan ko at tinutokan ko sya.
kita ko sa mukha nito ang pagkapahiya kaya lalo itong namula sa galit.
"at saka parang kinakalawang ka na rin,o baka masyado lang mahigpit ang holder ng baril mo kaya hindi mo mabunot agad,payong kapatid kuya Lito palitan mo agad yan"saad kong mapang uyam.
"tama na yan ib....
"opppssss,hindi kita kinakausap lalaki kaya manahimik ka pwede"?pagputol ko sa sasabihin pa sana ng lalaki at tinutukan ko rin ito ng baril gamit ang kaliwang kamay ko.
"ako si Ramon Dulliente ang biological father ninyo ni Lito.
"alam ko!kaya manahimik ka dahil hindi ikaw ang pakay ko dito".sigaw ko.
ngunit ngumisi lang ito at naglakad palapit sa akin hinawakan nya ang kamay ko at ibinaba nya ito sa pagkakatutok ko ng baril sa kanya.
"maupo ka anak Dani,dahil pag uusapan natin ang paglipat mo sa bahay ko at ang pamumuno ninyo ni Lito sa organization ko.
pasimple kong pinindot ang monitoring device sa tainga ko para marinig ni general Alano ang pag uusapan namin.
"pag ako ba umupo at nakinig sa sasabihin mo bukas ba general na ang ranggo ko"?baliw kong saad.
"anak syempre dadaan tayo sa proseso at ang kuya lit....
"ang hina naman ng koneksyon mo lalaki,hindi ko aaksayahin ang oras ko sa walang kwentang bagay".saad kong nakangisi.
umiling lang ito at titig na titig sa akin.masyadong malikot ang mga mata ko at nakita ko kung paano sila nagtinginan ni kuya Lito.
tumayo si kuya Lito at naglakad ito palapit sa akin.
"hindi instant ang promotion dani,hindi dahil gusto mong maging general ay magiginig general kana".saad nitong may gigil pa rin.
"ay hindi ko alam yun kuya, bobo ako di ba"mapang uyam kong saad.
"tumino ka nga Dani kinakausap ka ni daddy ng maayos"singhal na nito.
"daddy?...maayos?...ito ang maayos kuya Lito,bukas ng umaga ipapakilala mo ako sa mga tauhan mo bilang police captain sa departaminto mo kaya ihanda mo na ng magandang speech mo bukas"saad kong nakangisi.
ng bigla akong tutukan na baril ni kuya Lito.
"lito ibaba mo yan"
"iputok mo"
sabay na turan namin ni Ramon Dulliente.
tumawa ako ng malakas para subukin pa ang gigil ni kuya Lito kung kaya nya akong barilin ng harapan.
pero hindi nya pinutok o kahit padaplisan man lang ako hindi nya ginawa.
"hindi mo kayang iputok na nakaharap ako,tatalikod ako para hindi ka mailang"matapang na saad ko.
tumalikod ako at nagbilang ng hanggang lima pero wala pa rin.
ng bigla akong humarap sabay bunot ng baril ko at ipinotok ko sa magkabilang balikat ni kuya Lito at pagkatapos sa kabilaang balikat din ni Ramon Dulliente sapat lang para hindi na sila makahawak ng baril.
at tumawa ako ng tumawa na parang baliw hanggang sa umubo ako ng umubo ng tumigil ako sa pagtawa ay matalim ko silang tiningnan.
"warning ko yan Mr. Ramon Dulliente,maaaring iisang dugo at laman ang mayroon tayo,pero hindi tayo pamilya kaya wag mong kakantihin kahit dulo ng buhok ng pamilya ko dahil makikilala mo kung anung klasing lahi ang mayroon ka. baliw kong saad.