pagbukas ko ng pintuan ng opisina ni kuya Lito lahat ng tauhan nyang police ang bumungad sa akin na nakatutok ang mga baril.
taas noo ko silang tiningnan isa isa at luningon pa ako kay kuya Lito sa loob ng opisina.
"siguraduhin ninyong pumuputok yang mga hawak ninyo,dahil bukas ng umaga magkakasubukan tayong lahat, alasyete ng umaga same place".saad ko at.
naglakad ako palabas ng presinto uno at taas noong dinaanan ko lahat ng tauhan ni kuya Lito.
"dalhin nyo na sa hospital ang boss nyo bago pa nya makalimutang huminga"saad ko bago ako tuluyang lumabas ng presinto.
lakad takbo ang ginawa ko para marating ko ang kinaroroonan ng motor ko ng bigla akong paulanan ng
bala hindi kalayuan sa pinagtaguan ko ng aking motor.
sanay ako sa gyera mapaaraw man o gabi kaya hindi ako nahirapan na matunton ang pinagkukublihan nila.
at hindi rin ako nagsasayang ng bala sa gyera dahil sinisigurado ko muna na tatama ang bala ko sa target.
tatlo lang ang naglakas ng loob para tambangan ako pero sisiguraduhin kong baldado silang lahat bukas.
inasinta ko sila isa isa sa mag kabilaang hita at balikat,nakita ko sila kung paano bumagsak sa lupa, tumawag ako sa presinto kung saan ako nanggaling at inireport ko ang tatlo nilang kasama na sugatan.
sakay ng aking Ducati mabilis akong nagdrive deretso sa bahay,nakita ko si Gareth sa hindi kalayuan kaya huminto ako sa labas ng gate namin.
"setwasyon Gareth"? tanong ko.
"may dalawang lalaking umakyat ng gate kanina pero kayang kaya naman ng tatang mo" saad nitong puno ng paghanga kay tatang.
"nasaan na ang dalawa"?tanong ko.
"yung isa ma'am napuruhan,yung isa dinala na sa hospital ng tinawagan kong ambulance".sagot ni Gareth.
"si tatang nakita ka ba"? tanong ko pa.
"nagkaharap kami kanina pero naka mask ako".sagot nito.
"okay,salamat umuwi kana,mag iingat ka"saad ko.
"tawagan mo na lang ako ma'am pag kailangan"saad nito at umalis na.
tango lang ang naging sagot ko,sumakay na sya sa kanyang motor at umalis na.
pagkapasok ko ng gate namin natanaw ko na rin na parating na ang sasakyan ni kuya mike kasama si Cedric.
nagmamadali silang pumasok ng gate kaya nagtaka ako.
"may problema ba Cedric"?nag aalalang tanong ko.
"kailangan nating makaalis dito ngayon na,papunta na dito ang mga tauhan ni Dulliente"nagmamadaling saad ni Cedric.
hindi ako nag aksaya ng kahit isang sigundo agad akong pumasok ng bahay, nakita ko si tatang na pababa ng hagdan.
"tang isang minuto ihanda mo ang gamit mo aalis tayo"kalmadong saad ko.
walang tanong na kumilos si tatang at wala pang isang minuto nasa sala na ito at ready na.
"kuya ikaw wala kang nakalimutan"?tanong ko.
"nasa kotse na lahat ng kailangan ko dani"sagot ni kuya mike na halatang kinakabahan.
"relax kuya mike,isuot mo to"saad ko sabay bigay ng bullet proof vest para kahit papaano ay mabawasan ang kanyang kaba.
"ikaw dapat ang magsuot nyan dani or si tatang dahil alam ko na lalaban kayo at hindi ko kayo mapipigilan lalo na sa setwasyon natin ngayon"saad ni kuya mike.
"anak isuot mo na mayroon na akong suot at saka para makaalis na kayo ni Cedric"saad ni tatang na ikinalingon ko.
"tang sasama ka kay kuya mike,at saka wag kang magsinungaling wala kang suot na bullet proof vest,"saad ko at naglakad na ako palabas ng bahay.
"Dani anak laban natin ito,bilang ama mo ilalaban kita ng patayin kay Ramon Dulliente kung kinakailangan"matapang na saad ni tatang.
"pero tang hindi ngayon ang tamang panahon, hindi nila ako sasaktan tang, gusto lang nila akong makuha at pakinabangan ang serbisyo ko.ikaw at si kuya mike ang number one sa listahan na papatayin nila.at hindi ako papayag tang kaya please sumama ka na kay kuya mike"pagpapaliwanag ko.
"sige anak hindi ko kukuntrahin ang plano mo pero please isama mo si Cedric"hirit pa ni tatang.
"tang si Cedric ang nakakaalam kung saan kayo dadalhin, okay lang ako tang may kasama ako kaya wag kang mag alala sa akin."saad kong nakangiti.
"Dani wala na tayong oras"saad ni Cedric na nagmamadaling sumakay sa kotse ni kuya mike.
'tang sige na,kuya mike sumakay na kayo"saad ko habang nagsusuot ng motorcycle gear.
"mag iingat ka Dani at siguraduhin mong magkikita tayo sa pagdadalhan ni Cedric sa amin"madamdaming saad ni kuya mike sabay yakap sa akin ng mahigpit.
tango na lang ang naging sagot ko kay kuya dahil parang may bumara sa lalamunan ko.
sana ito na ang simula para bumalik ang dati naming samahan na magkakapatid pero parang malabo pa rin kasi lalong lumayo si kuya Lito sa amin.
lalo at isa sya sa anay na kailangan kong walisin sa departamintong pinamumunuan nya.
naunang umalis sina tatang at kuya mike kasama si Cedric sa safe house sila mananatili para sa kanilang kaligtasan.
sa likod ng bahay namin ako pumunta para itago ang aking Ducati,dahil plano kong hintayin ang mga tauhan ni Ramon Dulliente.
hindi alam ni tatang ang plano ko pero buo na ang loob ko.bago pa may mapahamak sa pamilyang meron ako.
si Ramon Dulliente ang uunahin ko bilang pinuno ng iskalawag organization.
umakyat ako sa puno ng niyog sa likod ng bahay namin pagkatapos ay tumalon ako sa bubong naghanap ako ng magandang pwesto para paghandaan ang mga tauhan ni Dulliente ng tumunog ang phone ko.
nakita kong si Rachel ang tumatawag hindi ko sana papansin ngunit maya maya ay Ronnie naman ang tumutawag.
"he....."
"Dani ang daming sundolo sa labas ng apartment ni Rachel nakapalibot sa buong bahay". natatarantang agaw ni Ronnie sa sasabihin ko.
"nasaan ka,si Rachel?"tanong ko.
"malapit sa apartment ni Rachel nasa..."
"wag kayong aalis dyan hintayin nyo ako"!.sigaw ko sabay patay ng cellphone ko.
walang pag aalinlangan akong tumalon mula sa bubong ng bahay namin.
at agad na sumakay sa aking Ducati,sa bilis ng takbo ko wala pang limang minuto tanaw ko na ang apartment ni Rachel.
nakita ko ang kotse ni Ronnie sa tabi kaya agad akong lumapit.
"ma'am Dani".
"Dani".
sabay pang turan nina sunny at Ronnie.
"si Rachel"? gulat na tanong ko ng hindi ko makita sa loob ng kotse si Rachel.
"n-nasa loob, nagpasundo lang ako kay sunny kasi may late meeting lang akong dinaluhan,t-tapos ito nna."anitong nauutal pa.
napatiim bagang na lang ako,kaya pala kanina pa tawag ng tawag ang lukaret sa akin.
"mahigpit ang bilin ko sayo sunny di ba na wag mong hahayaan na mahiwalay sa paningin mo ang dalawa!"singhal ko kay sunny.
"sorry ma'am hindi ko naman alam na ganito katindi ang mangyayari.
"ewan ko sayo sunny napaka irespnsable mong bodyguard!" sigaw ko pa.
tahimik lang pareho ang dalawa habang pinapanuod ang ginagawa kong paghahanda ng mga gagamitin ko.
kailangan kong maging handa lalo at nag iisa lang ako kaya pati knuckle ring ko ay sinuot ko na.biglang napatalikod ang dalawa ng hubarin ko ang suot kong puting t-shirt.
"sweet heart naman!magsabi ka naman kung maghuhubad ka!".singhal ni Ronnie.
"arte nyo!as if naman hindi pa kayo nakakitang nakahubad na babae"singhal ko rin.
nang makasuot na ako ng black na sweat shirt ay dahan dahan na silang humarap sa akin.
"ma'am Dani susugod kang mag isa ang dami nila tumawag na lang kaya tayo ng pulis ma'am Dani"?pag aalalang tanong ni sunny.
"kung sasama kayo panigurado tatlo tayo" sagot kong pabalang.
"sasama kami".ani Ronnie.
tiningnan ko ito sabay ngisi ng nakakainsulto.
"sigurado kayo,sabi nyo marami sila at lahat armado,kaya nyong pumatay ng tao". nakangising tanong ko.
"bakit ikaw kaya mong pumatay?".matapang na tanong ni Ronnie.
"depende".nakangising saad ko.
napalunok ito ng ilang beses habang titig na titig sa akin.
hindi na ako nagsalita pinagpatuloy ko na lang ang ginagawa ko hanggang sa ready na akong sumugod sa apartment ni Rachel.
"sasama ba kayo o hindi".tanong ko ulit.
"yes ma'am sasama ako,sir sa sasakyan ka na lang muna mag stay"saad ni sunny.
"okay,gamitin mo ito,ingatan mo yan ".saad ko sabay bigay ng shutgun ko.
"m-maam h-hindi pa ako nnakagamit ng ganito".ani sunny na nauutal pa.
"sweet heart sasama ako, akin na yan".matapang na saad ni Ronnie sabay kuha ng shutgun ko.
"okay, mauna na kayo pumasok sa loob", saad ko at tumalikod na ako sa kanila para maglakad papunta sa likod bahay.
nakita kong pumasok na ng gate ang dalawa,at nakita ko rin kung paano sila kinaladkad ng mga lalaki papasok ng bahay.
umikot ako sa likod ng bahay umakyat ako sa maliit na gate para makasampa sa railings ng terrace ng kwarto ni Ronnie.
medyo malalim na ang gabi kaya madilim kung saan ako nakapwesto.
sumilip ako sa loob ng kwarto at wala akong nakitang tao kaya tuloy tuloy akong pumasok.pinakiramdaman ko ang nagaganap sa labas kahit hindi ko nakikita alam kong binubugbog nila sina Ronnie at sunny.
pumasok ako sa banyo at umakyat sa kisame,gumapang ako papunta sa kwarto ni Rachel at doon ko narinig na iyak ng iyak ito bakas sa boses nito ang subrang takot kaya walang ingay kong binuksan ang kisame sa banyo at doon ako bumaba.
nakabukas ang pinto ng banyo sa kwarto ni Rachel kaya nakita ko kaagad ang dalawang lalaki na nagbabantay kay Rachel.
nakahiga sa kama ang isa at ang isa ay nakaupo sa coach at naninigarilyo.
dahan akong lumapit sa kama at ubod lakas kong sununtok sa mukha ang lalaki dahil may knuckle ring akong suot kaya nakatulog agad ito sa dalawang malakas na suntok.
at bago pa man makalingon ang isa pang lalaki mabilisang kilos ang ginawa ko sabay suntok sa kanyang batok ayun tulog ang gago.
ng masiguro kong ligtas at walang galos si Rachel ay pinapasok ko ito sa banyo.
"wag na wag mong bubuksan hangga't hindi ako ang tumawag sayo ha,doon ka sa sulok magtago"saad ko.
ipinosas ko ang kamay at paa ng dalawang lalaki at hinila ko sa terrace, nilock ko ang bakal na nagsisilbing pinutuan at lumabas na ako ng kawato.
nakita kong duguan na sina Ronnie at sunny sa kakabogbog nila.
anim na lang din ang nakikita kong kalaban kaya wala ng dahilan para nakaramdam pa ako ng takot, takot para sa mga kasama ko na lang na hindi sanay sa ganitong ganap sa buhay yun na lang ang nararamdaman ko sa ngayon.
agad kong binaril sa magkabilaang balikat ang ang apat na lalaking nakatayo lang malapit kay Ronnie,nagulat ang dalawa pa at napabunot din ng baril.
"iputok nyo kung mas mabilis kayo sa bala ko"baliw kong saad habang bumababa ako ng hagdan.
ng biglang lumabas ang isa pang lalaking may hawak na shutgun at itinutok sa ulo ni Ronnie.
"magsabayan tayo kung kaninong bala ang mas mabilis".saad ng lalaking may hawak ng shutgun.
"Cedric"? manghang saad ko.
"ako nga Dani"nakangising saad nito.
"araw araw ba may surpresa kayong inihahanda para sa akin"?saad ko sabay sukbit ng aking baril sa beywang ko habang bumababa ng hagdan.
"nagkataon lang dani"seryosong saad ni Cedric sabay baba ng shutgun na nakatutok sa ulo ni Ronnie.
"nagkataon o talagang pinaglalaruan nyo ako,sina tatang at kuya mike saan mo dinala"?galit na tanong ko.
"ligtas sila kung sasama ka sa akin"saad muli ni Cedric.
"sasama ako kapalit ng kaligtasan nina tatang at kuya mike,at siguraduhin mo rin na ligtas ang tatlong kaibigan ko dahil pag may nangyari sa kanila iisa isahin ko kayong lahat na ibabaon sa lupa"saad ko kasabay ng pagtulo ng luha ko.
masakit ang malayo kay alvin, pero mas masakit pala ang trahedurin ng pinakamalapit na kaibigan na karugtong na halos ng hininga ko.
pati ang bala na dapat para sa kanya ay hindi ako nagdadalawang isip na saluhin,pero bakit nya nagawang magtrahedor sa akin, higit ngayon na kailangan ko sya.
"may isa akong salita Dani".saad ni Cedric.
tinitigan ko lang ko lang sya habang walang tigil na tumutulo ang mga luha ko.
"gawin mo bago pa magbago ang isip ko at mapatay kita ngayon mismo".saad ko sabay salampak ng upo sa sopa.
inutusan nya ang kanyang mga kasama na dalhin sa hospital sina Ronnie at sunny.
pagkaalis ng dalawang tauhan nya kasama sina Ronnie at sunny para dalhin sa hospital ay umakyat ako sa kwarto ni Rachel at kinatok ko ito sa banyo.
bumukas naman agad at nanginginig itong yumakap sa akin.
"susi ng posas Dani"saad ni Cedric ng bigla itong pumasok sa kwarto.
"yung dalawa kong tauhan nasa terrace nakaposas pa"saad pa nito.
dahil sa pag aalala ko kay Rachel kaya hindi na ako nagdalawang isip at binigay ko na ang susi ng posas kay Cedric.
ng bumaba kami ni Rachel sa sala ay wala na ang mga tauhan ni Cedric.ito na lang ang naghihintay sa amin.
"paano si Rachel ngayon,alam mo bang hindi pa sya nakaka recover sa trumang ginawa ni kuya Lito tapos ngayon ikaw na naman"naiiyak na saad ko dahil sa awa ko kay Rachel na hindi matigil sa panginginig.
"im sorry Dani,pero ginawa ko ito para maging ligtas tayong lahat"saad ni Cedric sa mahinang boses.
"ligtas?talaga?paano at saan?sunod sunod na tanong ko habang tuloy tuloy sa pagluha ang mga mata ko.
"kailangan mong sumama sa akin para malaman mo ang katutuhanan"saad pa nito.
"at paano si Rachel iiwan ko sa ganitong kalagayan,?hindi pa ako nababaliw Cedric kilala mo ako".inis na saad ko
"si general Alano na ang bahala sa kanila Dani"ani Cedric sabay hila ng kamay ko.
"hindi ako sasama Cedric!magkamatayan na pero hindi ko iiwanan si Rachel!"singhal ko sabay hablot sa kamay ko at bunot ng baril.
"Dani please magtiwala ka sa akin nan....."
"tiwala! talaga Cedric sa tingin mo magtitiwala pa ako sayo"singhal ko pa sabay tutok ng baril ko sa kanya.
napapikit ito ng mariin at galit na humarap sa akin.
"sa tingin mo Dani gusto ko ang ginagawa ko? ni ang manutok ng baril sa inosinting tao nadudurog ang puso ko sayo pa ba na best friend ko,na karugtong na ng bituka ko,na ilang beses ng sumalo ng bala na dapat ay para sa akin,na ilang beses ng humarap sa kamatayan ng dahil sa akin,sa tingin mo hindi ako tapat sayo bilang best friend mo?mahal kita Dani bilang dating kalaro,kaklase,kaibigan, best friend,higit sa lahat mahal kita bilang kapatid ko.kung paano ko protektahan ang sarili kong pamilya ganoon ko din poprotektahan ang pamilya mo at ikaw.kahit ngayon lang Dani magtiwala ka sa akin magtulungan tayo".umiiyak na paliwanag ni Cedric.
"at sa tingin mo rin Cedric kaya kong ibigay sa sayo ang tiwala ko sa ginawa mo"tanong ko kasabay ng pagtulo ng luha ko.
"im hoping Dani,dahil alam ko na pareho ang pinaglalaban natin,at ikaw lang din ang makakatulong sa akin para hindi na madamay pa ang mga taong mahal natin lalong lalo na ang pamilyang minahal natin".saad nitong umiiyak din.
"anung ibig mong sabihin Cedric"? manghang tanong ko.
"isa ako sa tatlong anak ni Ramon Dulliente na mamumuno sa organization nya"malungkot nitong saad.
"ka-ka-kkkapatid kita"?hirap na tanong ko.
luhaan itong tumango sabay abot ng envelope sa akin,kung saan nakalagay ang katunayan na nagsasabing anak din sya ni Ramon Dulliente.
" tulungan mo ako Dani na pabagsakin ang organization nya,ayaw kong maging katulad nya.
ayaw ko syang maging ama pero wala naman akong choice dahil sinasampal na ako ng katutuhan.
alam ko rin na pilit ka nyang kinukuha lalo na ang serbisyo mo.
hawak nya ang nanay ko Dani kaya wala akong choice kundi ang dalhin ka sa kanya, I'm sorry Dani nagawa ko lang ito dahil sa nanay ko".saad ni Cedric habang patuloy sa pag iyak.
"kailan pa"?tanong ko.
"matagal na akong nag iimbistiga pero recently ko lang na confirm kay Patrick".sagot ni Cedric.
"anung alam ni Patrick sa atin"muling tanong ko.
"lahat alam nya dahil isa sya sa trusted na tauhan ng kuya mo. hawak din nila ang mag ina ni Patrick kaya malugod syang sumusunod sa mga utos nila."saad nito.
"sana ako na lang,at sana hindi mo dinamay ang mga taong walang kinalaman dito Cedric lalong lalo na sina Rachel at Ronnie.
siguraduhin mo ang kaligtasan nila saka tayo mag usap at magplano"saad ko at tinalikuran ko na siya.
gulong gulo ang isip ko,iniwan ko si Rachel kay Cedric matapos kong sabihin ang gusto ko para sa magkapatid .
kahit paano nagtitiwala akong hindi nya pababayaan si Rachel.
sakay ng motor mabilis akong nakarating sa safe house at sinalubong ako ni kuya mike at tatang.
na kahit papaano ay nakita kong napanatag sila ng makita ako.