chapter 8

1981 Words
Palabas na ako ng bahay ng makita ko ang susi ng motor ko,buti na lang ibinalik na ni Cedric dahil kailangan ko ito mamayang gabi sa misson ko. pagkasarado ko ng bahay paalis na ako sakay ng motor ko ng bumungad si Alvin sa harapan ko. "Mag usap tayo please sa huling pagkakataon". malungkot na turan nito. "Gusto mo talaga akong durugin bago ka umalis Alvin"?tanung ko. "Gusto kong umalis na maayos tayo baby".saad nito sabay hawak sa kamay ko. "Kahit alam mo sa sarili mo na hindi"?saad ko at sumabay na naman ang pesteng luha ko. Mahigpit akong niyakap ni Alvin tahimik kami pariho walang may gusto na magsalita patuloy lang sa pagtulo ang mga luha ko at ramdam ko rin na umiiyak si Alvin.ilang minuto kami na ganoon lang. "I love you so much baby".tanging nasambit nito at bumitaw na sya ng yakap.pariho kaming luhaan at nasasaktan sa pag alis nya. "Mahal na mahal kita alam mo yan Alvin pero anu pang magagawa ng pagmamahal ko nakapag pasya kana,kung kaligayahan mong makitang nadudurog ang puso ko bago ka umalis nagtagumpay ka hangad ko ang tagumpay sa lahat ng gagawin mo at sana buhay pa ako sa pagbabalik mo".luhaang turan ko. "Here".may inabot syang susi sa akin. "Para saan ang mga susi na ito"?tanung ko. "Susi ng bahay, alagaan mo ang comport place natin".turan nito. "No"sagot ko at hindi ko tinanggap ang susi.gulat syang tumingin sa akin. "Ayaw kong umasa at wag mo akong paasahin Perez".matigas kong saad. "Baby please mamayang gabi na ang flight ko pwede bang mag usap naman tayo ng maayos".saad nito. "Maayos naman tayo ah,Hindi ako kumuntra sa desisyon mo kahit hindi ko gusto wag na wag mo lang ipilit sa akin ang bahay mo dahil hinding hindi ko tatanggapin yan,"saad ko. "Okay,ingatan mo lagi ang sarili mo babalik ako".saad nito sabay talikod sa akin. "Uulitin ko Perez, two years from now,kahit napakasakit magmomove ako". Luhaan din itong lumingon sa akin at ilang sandali kaming nakatitig sa isat isa bago ito tuluyang sumakay ng kotse,nakatanaw lang ako sa kanya hanggang sa tuluyan ng nawala sa paningin ko ang kotseng sinasakyan nya. Binalot ako ng matinding lungkot ilang minuto pa lang syang nakaalis pakiramdam ko isang taon na. hindi ko tuloy alam kung anu ang gagawin ko Hindi ko mapigilan ang pagtulo ng luha,halos hindi ako makahinga kaya napaupo ako sa gilid ng kalsada sa labas ng gate ng bahay namin.para naman wala ng bukas kung tumulo ang luha ko.kaya hindi ko na napansin si kuya mike na nakatayo sa harapan ko. "Dani,anung nangyayari sayo"?nag aalalangtanung ni kuya mike. Bigla akong napatayo at nagpunas ng luha,pinigilan ko rin ang mapahikbi. "Wala kuya mike napuwing lang ako".saad ko at nagmamadali kong sinuot ang helmet ko. "Dani".tawag ulit ni kuya mike sa akin. Paglingon ko kay kuya mike saka naman umalpas ang hikbi na pinipigilan ko. "Napuwing ka lang ba talaga"?tanung ulit ni kuya mike na may pag aalala pa rin sa boses nito. "Yeah ayos na ako kuya,mauna na ako sayo".sabi ko at pinaharurot ko na ang motor ko. Hindi ko alam kung saan ako pupunta ngayon, tanging si Alvin at Cedric lang ang kaibigan ko dito sa lugar namin na pwede kong puntahan.at kahit sa ibang lugar wala rin akong kaibigan.wala na rin si Alvin umalis na si Cedric naman hindi ko pwedeng abalahin dahil iniimbistigahan nito kung anu ang connection ni coronel Santos kay congressman duliente. Nasa highway na ako at hindi ko alam kung saan ako pupunta ng mag ring ang phone ko kaya tinigil ko sa tabi ang motor si Cedric ang tumatawag. "Ced.update? bungad ko. "Nasaan ka"? "Nasa highway na pupunta akong safe house bakit"? "Lagpas kana Dani tsaka hindi dadaan ng highway ang papunta sa safe house,hintayin mo ako Jan wag kang aalis".saad ni Cedric at pinatayan akong cellphone. at napansin ko nga na masyado na akong malayo kung sa safe house ako pupunta.Nag hintay na lang ako at maya maya si tatang naman ang tumatawag sa akin. "Tang may problema po ba"? Tanung ko. "Anak sabi ng kuya mike mo tawagan kita nag aalala sya sayo Dani"?nag aalalang boses ni tatang. "Ayos lang ako tang walang problema".saad kong pilit kinakalma ang boses. "Anak nag aalala ako sayo umuwi kana please magkita tayo sa bahay pauwi na rin ako".turan ni tatang. "Tang".at hindi kona napigilan pa ang umiyak kay tatang. "umuwi kana anak please baka kung anu pa mangyari sayo".pag aalala pa ni tatang. "Ayos lang ako tang,wag kana mag alala uuwi rin po ako hayaan nyo muna ako ngayon". " Cge anak basta mag iingat ka". "Okay tang".at pinatay kona ang tawag.nanghihina akong umupo sa gilid ng highway nakatumba na rin ang motor ko at hinayaan kona.sa kakaiyak ko hindi ko na napansin ang lalaking lumapit sa akin kaya nagulat ako ng magsalita ito sa may likuran ko. "Ayos ka lang ba ma'am?sumimplang ka ba or naaksedinte"?sunod sunod na tanung sa akin ng lalaki. "A-ayos lang ako w-walang problema".saad ko. "Pasinsya na ma'am sa abala akala ko kasi naaksedinte ka"saad ng lalaki. "Salamat concerned sir pero okay lang ako". Tumango lang ito at sumakay na sa kanyang kotse. Pinakalma ko ang aking sarili bago pa dumating si Cedric para wala ng maraming tanung sa akin, sinuot ko ang shades ko para hindi makita ni Cedric ang namamaga kong mata. Itinayo ko na rin ang motor ko para sana umalis na ng may humarang na kotse sa harapan ko hinintay kong lumabas ng sasakyan kung sinuman ang sakay nito. "Nakakagulat ka naman ikaw lang pala"saad ko pagkakita ko kay Rachel ang b***h na kapatid ni kapitan. "Hi". nakangiting saad nito. "May kailangan ka"?tanung ko. "Nothing,I just wanna say let's be friends if possible"? saad nito at nakangiting lumapit sa akin. "At anung kapalit"? Tanung ko habang titig na titig ako kay Rachel. "Nothing,just to be your friend".nakangiti ito sabay lahad ng kamay. "Okay".at nakangiti kong tinanggap ang kamay nya. Nagsisisigaw ito at nagtatalon pa sa subrang tuwa.totoong saya ang nakikita ko sa mukha nya lalo na ng yakapin nya ako nanlalamig pa ang kamay nya "Kinabahan talaga ako ng bongga i thought you might not accept my friend request".maluha luha pang saad ni Rachel. "Siguro wala kang kaibigan kaya ganyan ang reaksyon mo noh".pagtataray ko. "Well,Tama ka naman wala akong kaibigan kahit isa,so give me your number".saad nito at sya pa ang dumukot ng phone sa bulsa ng pants ko. "Ibang klase ka rin eh noh".saad ko sabay hablot ng phone ko sa kamay nya. "Hey!!! Friends na tayo di ba"?.pagtataray nito. "Friends lang hindi tayo close kaya umayos ka tatamaan ka sa akin".pananakot ko.pero ang gaga nakangiti pa rin sa akin. "Okay just give me your number for our closeness purposes".natatawang saad nito at natawa na rin ako. Binigay ko ang number ko at binigay nya din ang kanyang number. Pero hindi ko sinave ang kanyang number dahil parang naaalibadbaran ako sa kanya. "Umalis kana"pagtataray ko pa sa kanya. "Hatid na kita"nakangiting saad pa ni Rachel. "Tingin mo sa akin toddler na kailangan mong ihatid!"nakataas kilay kong saad. " Okay fine whatever"!.Pairap na saad nito sabay talikod sa akin. "Kung gusto mo naman ikaw na lang ang ihatid ko ugaling toddler ka pa naman".saad ko sabay tawa ng malakas. "Okay,manong mauna kana".saad nito sa kasamang driver. Nakangiti itong lumapit sa akin bitbit ang maliit na sling bag.pinaningkitan ko ito ng mata ngunit nakangiti lang ito akmang aangkas sa likuran ko ng pigilan ko ito. "Wala kang helmet tanga"!sigaw ko. "Makatanga ka naman,pwede mo naman sabihin in a nice way". anitong nakalabi pa. "Sorry but i am not a nice person". pagtataray ko. "Fine! anito sabay tirik ng kanyang mata. Binigay ko sa kanya ang extra helmet na nakalagay lagi sa motor ko.ngunit bago pa nya masuot ay dumating na si Cedric.sakay din ng kanyang motor. Mataman itong nakatingin sa akin Maya maya ay bumaba ito ng kanyang motor at lumapit sa amin. "Hi".saad nito ngunit kay Rachel nakatingin. "H-hello"tugon ni Rachel sabay hawak sa braso ko. "Bitaw!" saad ko at pinanlakihan ng mata si Rachel. "Eh.kilala mo ba sya".kinakabahang at mahinang boses na tanung ni Rachel sa akin. "Hindi". natatawa kong sagot. Kaya nagmamadaling sumakay sa motor ko si Rachel,kahit hindi pa naisusuot ang kanyang helmet. "Bilisan mo na alis na tayo baka kidnaper Yan" natatarantang turan ni Rachel. Nagkatinginan kami ni Cedric at sabay na humagalpak ng tawa, muntik pa kaming tumilapon sa motor dahil sa kakatawa ko.mabilis naman na kumilos si Cedric para tulungan akong hindi bumagsak ang motor ko. "So magkakilala kayo?".tanung ni Rachel pagkababa ng motor. "Yes,best friend ko since high school si Cedric. Cedric si Rachel ang brattinelang kapatid ni kapitan tsonggo". natatawang saad ko. "Pasinsya kana natakot ba kita?"hinging paumanhin ni Cedric. Hindi kumibo si Rachel tinaasan nya lang ng kilay si Cedric. "Cedric Mendoza" pagpapakilala ni Cedric sabay lahad ng kamay.pero hindi ito tinanggap ni Rachel. naglakad ito palapit sa akin at niyaya na akong umalis. "Makipagkilala ka muna mukhang type ka pa naman ng best friend ko"saad ko sabay kindat "Hindi ko sya type kaya umalis na tayo". pagtataray nito. "Ok sakay na"saad ko.umangkas naman ito sa likuran ko pero natatawa ako sa higpit ng kapit nito mukhang first time sumakay ng motor. "Let's go Cedric".saad ko. "Convoy ako ingat may angkas ka".paalala ni Cedric. Nag thumps up lang ako at pinasibad ko na ang motor ko.lalong humigpit ang pagkakayakap ni Rachel sa beywang ko at sumisigaw pa ito.kaya lalo kong binilisan ang pagpapatakbo ng motor ko.halos hindi kami abutan ni Cedric sa subrang bilis ng pagpapatakbo ko hanggang sa maramdaman kong lumuluwag ang yakap ni Rachel sa beywang ko.hininaan ko ang takbo hanggang sa ihinto ko sa tabi ng biglang dumukwang si Rachel at nagsuka ng nagsuka.hinang hina na rin ito kaya tinulungan ko munang makababa ng motor.nabigla ako ng makababa kami ng motor ng yakapin nya ako ng mahigpit. "Don't do that mamamatay talaga ako".saad nito at naiiyak na rin. Hindi ako nakaimik,nakikita kong subrang natakot sya kaya niyakap ko na din. "I'm sorry".saad ko. "It's okay but i am not okay".umiiyak na saad ni Rachel. Hinagod ko ang likod nya para kumalma pero umiiyak pa rin sya. "What happened Dani"?tarantang tanung ni Cedric. "Wala naman nangyari natakot lang si Rachel,nahilo at nagsuka".saad ko "I told you,ako na maghahatid sa kanya Dani".saad ni Cedric. "No I'm okay with Dani".saad ni Rachel sabay hawak sa braso ko. Natatawa na lang ako sa inaasal ni Rachel,takot na takot ito kay Cedric. "Okay na ced ako ng bahala dito magkita na lang tayo pagkahatid rito sa brattinelang ito".natatawa kong turan. Kinurot lang ako ni Rachel sa beywang bago ito mahigpit na yumakap sa akin. pagkahatid ko kay Rachel sa kanilang bahay ay pumunta agad ako sa safe house para makapag handa sa mission namin.naabutan ko sina Cedric at Patrick na naghahanda ng mga gagamitin namin. "Guys akala ko ba for surveillance pa lang bakit armado na kayo"?. pagtataka ko. "May concrete evidence na laban kay coronel Glenn Santos,at hinihintay na lang namin ang go signal ni general Alano". "May warrant na ba kayo?tanung ko. "Meron na".sagot ni Cedric. "At hindi mo sinabi sa akin"?kunot noong tanung ko "Dani alam kong may pinagdadaanan ka at wala sa trabaho ang utak mo sa ngayon,dilikado ang mission kaya hindi ka muna sasama". "Nagdesisyon ka para sa akin Cedric"?tanung ko ulit. "Dani ha...." "Hindi!,"pagputol ko sa sasabihin pa sana ni Cedric. "Kasama ako at apat tayo sa mission na ito Cedric tapos ang usapan"saad ko na tinutukoy ko sina Patrick,gin Cedric at ako. "pero Dani hindi k ..." "So tatanggalin mo ako sa mission na to Cedric".galit na pagputol ko ulit sa sasabihin ni Cedric. "Try me Cedric baka makalimutan kong best friend kita".galit kong turan. "Fine! pero ako ang partner mo hindi si gin"inis na saad ni Cedric. "Okay".sagot ko na lang para matapos na ang usapan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD