ELYSIA’S POV Ang akala kong nagtagumpay na ako sa aking planong mapalapit sila at kung ang inaakala namin na magiging happy ending na para kina Tadeo at Gaway ay nasa hinaharap na namin, mukhang nagkamali yata ako. Ang kaninang maaliwalas na mukha ni Gaway tanda ng saya at kakuntentuhan na kanyang tinatamasa ngayon ay bigla na lang nawala. Animo parang tinakasan ito ng lakas at ang lahat ng dugong dumadaloy patungo sa kanyang mukha ay huminto dahil sa biglaang pagkaputla. “Way, okay ka lang? Anong nangyari sa iyo?” takang tanong ko nang makita itong tila napako at walang kurap na nakatitig sa pintuan ng cafe. “S-si, Si Felix,” mahinang anas nito sa pangalan ng kanyang dating nobyo. Felix? Felix Hierro? Ang dati niyang kasintahan na nang-iwan sa kanya? Hindi ko nakilala ang dati

