ELYSIA’S POV Maaga talaga akong pumunta ng cafe ni Gaway upang makipagkwentuhan pa sana rito at makamusta kung epektibo ba ang tsokolateng ibinigay ko na para sa akin ay isandaang porsyientong subok ko na. Hindi ko naman na kailangan pang magtanong dahil base sa milagrong aking nasaksihan ay sa tingin kong lubhang napakaepektibo nito. Hinihiling ko lang na sana ay mauna ang kasal bago may mabuo. Isang pilyang ngiti ang nakapaskil sa aking labi habang naghihintay. May isang oras pa bago ang pinaka-oras ng aming pagkikita ng taong tumulong sa akin upang maiwasan ang banta ng pagkasira ng aming relasyon ni Nico. Gaya nga ng paulit-ulit kong sinasabi, malaki ang utang na loob ko sa kanya. Dahil sa kanyang tulong ay naiwasan kong masira ang aming pamilya. Walang kaalam-alam si Nico sa aking

