ELYSIA’S POV Parang may sumanib sa akin na kung anong bagay kung kaya naibigay ko kay Gaway ang isa sa tatlong balot ng chocolates na ibinigay sa akin ng naging kliyente ko. Hindi naman talaga galing sa Dubai ang tsokolateng iyon, sa katunayan ay sa bahaging Europa lang din galing ang chocolates na iyon. Masyadong naging naughty ang client kong si Ms. Ygret dahil sa kaibigan ko na ito. Nalaman kasi ni Ms. Ygret ang nangyari dati sa amin ni Nico at ang tungkol sa ex girlfriend ni Nico na kinaiinisan niya rin pala dahil naging nobya ito di umano ng kanyang unico hijo at alam na nito ang karakas ng babae. Anito, kailangan ko rin daw maging naughty paminsan-minsan. Mag-isip ng mga bagay na out of the box upang magkaroon ng spice ang aming pagsasama ni Nico upang mas lalo itong maging excite

