ELYSIA'S POV
Pareho kaming nagmadaling magbihis, kahit na naka-lock naman ang pinto ay mas maigi ng hindi kami maabutan sa hindi kaaya-ayang sitwasyon kung sakaling dumating kaagad si Miss Glenda. Inayos ko ang aking sarili at sinubukang iunat ang aking nakusot na damit, mabuti na lang at nakasuot ako ng itim na blazer kung kaya naitago ko ang pagkakusot nito sa ilalim upang hindi mahalata. Habang ito naman ay tuluyang hinubad ang suot nitong damit at kumuha ng bago mula sa isang maliit na closet sa opisina nito.
Nauna itong lumabas at bumalik ng lamesa nito habang ako naman ay ipinainit na muli ang medyo lumamig ng kape saka ko iyon tinimplahan ng naaayon sa panlasa ni Xavier.
Nadatnan ko itong naging abala sa pagbabasa sa isang papel na kanyang hawak. Hindi na mababakasan ng kahit anong init ng ulo at kahit papaano ay naging maaliwalas na muli ang kanyang mukha dahil na rin siguro nailabas niya ang init ng kanyang ulo sa akin kanina, at sa ibang paraan syempre. Magaslaw ang kanyang naging paggalaw kanina pero ito ang tipo ng paggalaw na hindi ka masasaktan.
Nilapag ko ang kape sa kanyang lamesa. Pinalapit niya ako sa kanya saka pinaupo sa kanyang kandungan na agad ko namang sinunod.
"Bakit hindi ka pumunta sa condo? Ayaw mo ba doon? I can buy a new one if you like," tanong nito. Mula sa aking bulsa ay ibinalik ko rito ang susi ng condo nito. Bakas sa mukha nito ang pagkagulat ngunit nawala rin kaagad matapos kong magpaliwanag. Ikinwento ko sa kanya ang lahat ng nangyari maging ang pagkamatay ng aking pinsan na si Miriam at ang dahilan kung bakit hindi ako pwedeng lumipat dito. Wala akong inilihim sa kanya dahil may tiwala ako sa kanya. Nasabi ko rin sa kanya na nakwento ko kay Gaway ang tungkol sa aming relasyon na halos kaparehas ng nangyari sa kanilang magkapatid ang pinagkaiba lang ay hindi ako nabuntis hindi kagaya nilang magkapatid.
Napabuntong hininga ito habang titig na titig sa akin tila ba nag-iisip. Kinuha nito ang kape na aking tinimpla at saka sumimsim. Mukhang nakadagdag ang kape sa pag-aliwalas ng kanyang mukha.
"If that's what you want. But there's a problem, how can we see each other?" tanong nito. Alam ko na hindi ito pwedeng basta-basta magpunta sa mga matataong lugar gaya ng sa Quiapo, Circle, Luneta at mas lalo na kung saan ako nakatira.
Hindi ko na naitago pa ang ngiti sa aking mga labi dahil sa sobrang kilig sa isiping nag-aalala ito kung paano kami magkikita.
“Pwede naman tayo rito, magkita,” nakangiting sabi ko rito. Inayos ko ang aking pagkakaupo at humarap ako sa kanya. Ikinawit ko ang aking mga braso sa kanyang leeg at marahang gumalaw sa kanyang ibabaw. Unti-unti ay muli ko na namang naramdaman ang pagtigas ng kanyang sandata na nasa pagitan ng kanyang hita.
Napangiti ako nang makita ang sunod- sunod na paglunok nito habang patuloy na gumagalaw sa kanyang ibabaw.
Tila nadala ito sa aking ginawa at muli niyang sinakop ang aking mga labi. Habang muling tinatanggal ang sinturon ng kanyang pantalon. Sandali niya akong pinatayo upang bahagyang maibaba ang kanyang pantalon bago niya ako muling pinaupo sa kanyang kandungan. Itinaas ko lang ang aking suot na palda hanggang sa aking baywang habang ang suot kong underwear ay tinanggal ko na rin kanina at inilagay ko sa aking bulsa.
He held his hard manhood while helping me get it into my jewel. I grind on his top like a pro while kissing him torridly. He wrapped his arms around my waist while grasping my bu*t cheeks with intense lust.
Habang nasa loob ng kanyang opisina ay parang kami lang ang tao sa mundo, ang paghabol namin sa aming paghinga kasabay ng mga halinghing ang habang nakatitig sa isa’t isa ang siyang nagpapadagdag ng apoy sa aming nag-aalab na mga katawan.
Pagkatapos ng aming mainit na pagniniig ay agad na rin akong umalis sa kanyang opisina upang hindi na ako maabutan pa ni Miss Glenda.
Pagbalik ko sa aking cubicle ay nilapitan ako ng isa sa aking mga katrabaho na si Carol.
“Psst, Ely. Kamusta?” tanong nito sa akin nang makalapit.
“O-okay lang naman,” pagsisinungaling ko.
“Talaga? Hindi ba ikaw ang nakatoka sa kape ni Sir Xavier ngayon?”
“Ha? Ah, Oo,” sagot ko na pilit na pinapakaswal ang aking boses.
“So, ano? Kwento mo nga, nagustuhan ba ni Sir ang kape na gawa mo? Nakailang subok ka ng gawa?” sunod-sunod na tanong nito sa akin.
“N- Nakailang subok din ako kasi hindi niya nagustuhan ang timpla ko pero nitong huli mukhang nagustuhan niya naman,” pagsisinungaling ko.
“Talaga? Mabuti naman. Naku, kung alam mo lang. Nung isang araw ako ang hinila ni Ma’am G na magtimpla ng kape ni Sir, nakailang gawa ako pero wala. Uminit lang ang ulo niya. Pero ang galing mo no, nakuha mo ang gusto ni Sir” sabi ni Carol.
“Ano kasi, tumutulong ako sa coffee shop ng kaibigan ko dati kaya kahit papaano may ideya ako kung paano magtimpla ng kape, yun nga lang hindi ko nakuha kaagad ang gusto niyang timpla,” pagsisinungaling ko.
“Ahh, kaya pala. Ang tagal mo sa itaas. Kung sa bagay kahit ako rin noon, antagal ko sa itaas. Sige na, magtrabaho na tayo at baka maabutan tayo ni Ms. G na nagkukwentuhan ay ibunton niya sa atin ang init ng ulo niya,” sabi nito saka lumayo.
Nang makaalis ito ay hindi ko napigilang mapangiti dahil sa higit pa sa kape ang inihanda ko para kay Xavier.
Kinabukasan ay ibinalik sa akin ni Xavier ang susi ng condo.
Hindi man kami nagtatagal sa lugar na iyon ay ito ang nagsilbi naming tagpuan, malayo sa kritisismo ng ibang tao.
Sa lugar na iyon ay muling sumibol ang aking pagmamahal at pakiramdam ko ay mas lalo pang yumabong.
Kada uwian ay doon ako dumideretso upang hintayin ito, may mga pagkakataon na tumatawag ako kay Gaway habang nasa opisina at sinasabi na malalate ako ng uwi o di kaya ay may kailangan akong tapusin at hindi ako makakatawag sa kanya sa araw na iyon kagaya na lang ngayon.