Kinabukasan ay ibinalik sa akin ni Xavier ang susi ng condo.
Hindi man kami nagtatagal sa lugar na iyon ay ito ang nagsilbi naming tagpuan, malayo sa kritisismo ng ibang tao.
Sa lugar na iyon ay muling sumibol ang aking pagmamahal at pakiramdam ko ay mas lalo pang yumabong.
Kada uwian ay doon ako dumideretso upang hintayin ito, may mga pagkakataon na tumatawag ako kay Gaway habang nasa opisina at sinasabi na malalate ako ng uwi o di kaya ay may kailangan akong tapusin at hindi ako makakatawag sa kanya sa araw na iyon kagaya na lang ngayon.
Araw ng Byernes,
Kung tutuusin ay wala kaming pasok ng sabado at linggo gaya ng utos ni Xavier pero ang pagkakaalam ni Gaway ay may pasok pa rin ako ng sabado.
“Way, baka hindi na ako makatawag sa iyo mamaya ha. May tatapusin kasi kaming trabaho na kailangan sa Lunes. Nag-send na rin ako ng pandagdag sa pampa-check up ng dalawang bata,” pagsisinungaling ko kay Gaway habang kausap ko ito sa cellphone.
“Huwag mo kaming alalahanin, Ely basta ang payo ko sa iyo ay huwag mong kalimutan kung sakaling mag-krus ang landas ninyong dalawa ng lalaking iyon. Maliit lang ang Manila kaya mag-ingat ka para hindi ka magaya sa amin ni Miriam. Sige na, baka mahuli ka pa,” paalala sa akin ni Gaway bago nito patayin ang tawag. Tila nginatngat ako ng konsensya dahil sa aking pagsisinungaling dito.
Agad kong iwinaksi ang agam-agam na nasa aking isipan at saka nag-ayos na sa pagpasok.
Gaya ng aking nakagawian, pagpasok ko pa lang ay inayos ko ang aking lamesa pagkatapos ay nagtungo ako sa opisina ni Xavier kung saan nakaupo na sa labas si Ms. Glenda.
“Good morning po, Ms. Glenda. Pwede na po ba akong maglinis sa loob?” tanong ko muna bago ako pumasok dahil iyon ang aking nakaugalian bago pumasok sa opisina ni Xavier.
“Pumasok ka na. Wala pa diyan si Sir kaya bilisan mo na,” anito na hindi tumitingin sa akin. Pumasok ako sa loob ng opisina at inumpisahan na ang maglinis ng loob, ilang sandali pa ay pumasok na rin si Xavier kasunod si Ms. Glenda na may dalang mga folders.
Pasimpleng naghinang ang aming tingin.
Tingin na makahulugan at tanging kaming dalawa lang ang nakakaalam.
Pagkaupo nito ay ipinakita na kaagad ni Ms. Glenda ang mga papel na pipirmahan ni Xavier.
“Could you please give me a copy of the minutes from my meeting with Mr. Shin, as well as the minutes of our meeting with Mr. Carter. Also, pakitingnan na rin ang papel na ito at ibalik mo sa marketing department, please inform Mr. Loyzaga of Customer Service Department dahil nakakarinig ako ng mga complaints,” sunod- sunod na utos nito kay Miss Glenda na hindi ko alam kung nasundan nito, halata sa kanyang mukha ang pagkaaligaga dahil sa dami.
“Copy, Sir,” sabi lang ni Miss Glenda bago lumabas ng opisina.
“Oh, I forgot to tell her something,” sabi pa ni Xavier. Tumayo ito sa kanyang kinauupuan at nagpunta sa labas ng kanyang opisina patungo kay Miss Glenda dala ang isa pang folder.
Itinuon ko ang aking atensyon sa pagpupunas ng estante kung saan nakalagay ang mga display nito.
“Kaya naman pala mainit ang ulo ni Miss Glenda palagi dahil sa dami ng utos ni Xavier,” wala sa sariling nasabi ko habang nagpupunas. Nasa pinakaibabang bahagi na ako at kinailangan kong lumuhod upang mapunasan ng maigi ang estante hanggang sa pinadulo nang maramdaman ang matigas na bagay na kumikiskis sa aking pang-upo.
Napalinga ako sa aking likod sunod ay ibinaling sa direksyon ng pinto.
“She’s too busy doing all the stuff I asked her kaya wala na siyang oras para bumalik dito,” bulong ni Xavier habang itinataas ang aking suot na palda saka hinaplos ang aking bilugang pang-upo.
“Hindi ba pwedeng mamaya na lang? Magkikita naman tayo mamaya?” tanong ko rito.
“Iba ang para mamaya and another thing, I didn't eat breakfast,” anito habang ibinababa ang suot kong underwear.
Hindi na ako nakaangal pa dahil kahit ako man ay nasasabik sa tuwing kami ay nagkikita.
I gasped when I felt his tongue brush against my cl*t. His tongue moved in a circular motion as it gently ascended. I felt a mixture of pleasure and excitement during those hours.A few moments later, I felt the thrust of his hardness into my flower, which caused me to arch my body. His movements were slow until they gradually intensified, burying his length deeper and deeper. He didn't stop until we both reached our limits.
Para akong naubusan ng lakas kahit pa iisang posisyon lang ang aming ginawa. Binigyan niya ako ng tissue upang malinisan ang nagkalat na katas nito sa aking loob, maging ang mga tumulo sa sahig habang ito ay naglilinis din ng kanyang sarili.
“Let's continue later,” anito na kinintalan ako ng halik sa labi.
Sa loob ng ilang araw, linggo hanggang sa umabot ng dalawang buwan at nakabalik na sa trabaho ang dati nitong sekretarya ay wala pa ring nakapansin ng aming lihim na relasyon.
Sa tuwing sasapit ang lunch time ay nagkikita kami sa kanyang opisina, parking lot o di kaya sa utility room at pagdating ng hapon ay dumadaan muna ako sa condo nito para magkaroon kami ng sandaling oras na magkasama.
Napakasaya ko sa tuwing kasama ko siya. Ipinaparamdam niya na mahal niya ako at espesyal ako sa buhay niya. Pinapadalhan niya ako ng bulaklak sa opisina na kahit walang pangalang nakasulat ay alam kong mula sa kanya. Walang pagkakataon na hindi kami naging masaya sa tuwing magkasama pero may isang bagay ang hinahangad at inaasam ko.
Sana ay maiharap niya ako sa maraming tao at ipagmalaki na mahal niya ako.
Habang magkasama kami sa loob ng kanyang unit, magkatabing nakahiga sa malambot na kama at kapwa walang suot ay hindi ko napigilang sabihin ang isang bagay na gumugulo sa aking isip.
“Xav, hindi ba pwedeng maging opisyal ang relasyon natin? Alam mo na, para hindi na natin itago pa ang pagkikita natin,” sabi ko rito.
Noong una, sa tuwing patago kaming nagkikita ay na-eexcite ako pero habang tumatagal ay parang nahihirapan na ako lalo na sa tuwing ma-lalate akong pumasok. Na-ooverbreak ako, nahihirapan na rin ako magpalusot sa mga katrabaho ko at may kanya-kanyang suspetsa na ang mga ito kung sino ang aking kinikita sa tuwing nawawala ako.
Napakahirap, nakakasakal pero para lang makasama siya ay hinahayaan ko na.
Minsan, naiisip ko ay daig ko pa ang isang kabit kung ako’y kanyang itago pero nawawala kaagad iyon dahil sa mga rosas na kanyang pinapadala sa akin.
“It’s not easy to do it, Sia. You know the difference in our lifestyles pero huwag kang mag-aalala, time will came na mailalabas kita at maipapakilala sa iba,” pangako nito sa akin saka ako hinalikan sa labi. Kahit may agam-agam ay pinanghawakan ko ang kanyang sinabi.
“I have to go. Just call me kung may gusto kang bilhin, I’ll send some money on your account. Pamper yourself,” sabi nito na agad na napatayo nang mabasa ang kung anuman ang nakasulat sa kanyang cellphone. Mabilis ang naging kilos nito at nagbihis kaagad saka ako hinalikan sa labi at tuluyan akong iniwang mag-isa.
Ilang sandali pa ay naramdaman ko ang pagtunog ng aking cellphone, nakita ang notification ng isang bangko kung saan nag-transfer ng napakalaking halaga si Xavier. Kung bibilangin ang zero ay halos maduling ka na sa dami.
Masaya ako dahil sa perang ibinibigay nito, hindi lang naman iyon ang unang beses na nagbigay siya sa akin ng pera at kung tutuusin ay milyonarya na akong maituturing sa dalas ng bigay niya sa akin pero mas dama ko ang lungkot sa aking puso dahil may oras lamang ang aming pagkikita.