"Elysia, please tulungan mo kami." humahagulgol na Sabi ni Gaway sa kabilang linya.
"Bakit? Anong nangyari kay Miriam?" nag-aalalang tanong ko.
"P-Pwede bang dito ko na lang sabihin sa iyo? Hindi ko pa kasi alam kung ano ang nangyari, basta naabutan ko na lang si Miriam na walang malay, tinitingnan pa siya ng doktor sa loob," nanginginig ang boses nito.
"Papunta na ako, nasaan ba kayo ngayon?"tanong ko ritong muli.
"Nasa Montealba Hospital kami."
"Sige, tahan na. Pupunta na lang ako riyan, baka matagalan ako dahil mahaba ang biyahe."
"Naiintindihan ko. Kailangan lang namin ng kasama, Ely," patuloy ito sa pag-iyak.
Pagkapatay ko ng tawag ay nagmamadali akong tumakbo patungong main door nang bigla akong tawagin ni Roxy.
"Ely! Nakausap mo na si Sir?" sigaw na tawag sa akin nito. Doon lang pumasok sa aking isip na nakalimutan ko ang dapat kong gawin na dapat ay kakausapin ko nga pala ang manager tungkol sa resignation letter ko raw na hindi naman ako ang may gawa.
Natigilan ako at saka sandaling nag-isip.
Muli na namang bumalik sa akin ang kakaibang sakit ng dibdib na hindi ko pa nararanasan sa iba kong nakarelasyon.
Siguro, tadhana na ang pumipigil na magpatuloy pa ako sa pagtatrabaho rito.
"Ano? Nakausap mo na?" ulit nitong tanong na lumapit sa akin.
"Hindi na. Okay na iyan, hindi ko na kakausapin si Sir."
"Ha? Bakit?"
"May nangyari kasi sa pamilya ko, kailangan ko silang puntahan," sabi ko.
"Ganoon ba? So, resign ka na talaga?" malungkot na tanong nito. Pilit ang ngiting napatingin ako sa kanya.
"Ganoon talaga. Baka sign na iyon, hahaha. Sige na, babalik na lang ako ulit para kunin yung sahod ko. Kailangan ko na umalis," paalam ko rito saka lumabas ng hotel. Nagtungo ako pabalik ng Condo ni Xavier para kuhanin ang aking mga damit.
Halo-halong emosyon ang nararamdaman habang nakaupo sa tabi ng bintana ng bus, pinagmamasdan ang kaparangan at bulubundukin na aming nadaraanan.
Tatlong araw na kaming hindi nagkikita ni Xavier at hindi rin ito nagpupunta sa condo nito kung saan ako namamalagi dahil sa gusto nito. Ayaw ko sanang maniwala sa sinasabi ni Roxy pero habang papunta ako pabalik kanina sa kanyang condo ay may umuudyok sa akin na silipin ang aking social media. Sinulat sa search engine ang kanyang pangalan maging ang girlfriend nito kuno, sa iglap ay nawala ang natitirang pag-asa na mayroon ako. Isang larawan nito ang aking nakita habang may kayakap na isang napakagandang babae na nakaupo sa wheelchair. Parang isang libong punyal ang sabay-sabay na tumarak sa aking dibdib.
Sa sobrang sakit ay parang nakalimutan na ng aking utak na iproseso na kailangan ko pa lang umiyak.
Muli akong dumaan sa kanyang Condo upang kunin ang iba ko pang gamit na natitira saka ako dumiretso ng bus station. Akala ko ay magiging masaya ako sa kanya? Kung may girlfriend na siya, bakit kailangan niya pa akong lokohin? Bakit kailangan niya pa akong suyuin at ligawan? Kaya ba hindi Niya magawang matulog sa condo ng magdamag kasama ko ay dito? Kaya ba hindi niya mabanggit na mahal niya ako dahil may ibang babae na siyang pinaglalaanan ng mga salitang iyon?
Isinuko ko ang aking sarili para sa kanya.
Sumugal ako at nagtiwala kahit alam kong hindi dapat dahil ang akala ko ay mahal niya ako.
Nagtiwala ako sa kanya dahil sa kanyang pagreregalo at kilos na para bang mahal na mahal niya ako, iyon pala ay maiba talaga itong mahal.
Sino ba naman ako para ipagpalit ang girlfriend Niya na kahit na mukhang may sakit sa larawan ay napakaganda nito. Maihahalintulad ito sa Isang dalagang mayumi.
Bago magtanghalian ay nakarating na ako sa aming baryo. Ibinaba ko lang ang aking gamit saka dumiretso sa Montealba Hospital kung saan naka-confine si Miriam. Dala ang Isang paper bag ng Isang fast food chain ay pumasok ako sa loob ng kwarto kung saan payapa pa ring natutulog si Miriam. Pareho pang nakapang catering service ang mga ito kaya.
Kumatok ako ng tatlong beses upang pukawin ang atensyon ni Gaway.
"Elysia,"tawag nito sa akin.
"Anong nangyari kay Miriam? Kumain ka na ba?" tanong ko sa kanya habang inilalapag sa maliit na lamesa ang aking dala. Hinawakan Niya ako sa kamay at dinala palabas ng muli sa kwarto.
"Bakit?" tanong ko ulit. Naibagsak nito ang sarili sa upuan na naroon. Isang hilera iyon ng upuan na gawa sa yero at bakal na sinadya upang upuan ng mga magbabantay.
"Nagtangkang tapusin ni Miriam ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pag-inom ng maraming gamot. Halos kakauwi lang namin sa bahay galing sa catering service, ni hindi pa nga kami nakakapagbihis ng maabutan ko ito itong nakahiga sa sahig at nagkalat ang mga tabletas at isang nakabukas na bote ng gamot," nangingilid ang luha nito habang nagkukwento.
"Ha? Nagpapatiwakal si Miriam pero bakit?" naguguluhan tanong ko kay Gaway.
"Hindi ko rin alam. Hindi ko nga pansin na may dinadala itong problema dahil normal lang itong kumilos kagaya ng dati," ppaliwanag ni Gaway.
"Nasuri na ba siya ng doktor? Ano raw ang sabi?"
"mabuti na lang daw at naitakbo kaagad sa hospital si Miriam dahil marami itong nainom na gamot na muntik ng mauwi sa overdose, alam mo kung ano pa ang sinabi ng doktor?" putol na kwento nito.
Tumingin muna ako sa kanya at walang kahit isang salita ang lumabas sa aking bibig.
"Buntis si Miriam." Napahilamos ito sa mukha pagkatapos nitong sabihin iyon sa akin.
"Buntis si miriam? Teka, akala ko ba ikaw ang buntis?" Mas lalo itong napaiyak dahil sa aking tanong.
"Buntis din ako,Ely. Hindi ba sinabi ko sa iyo ang tungkol sa bagay na iyon pero hindi alam ni Miriam. Nasabi ko na lang sa kanya noong nakaraang araw,"
"Tapos? Nasaan ang ama ng iyong ipinagdadala? sino ang nakabuntis sa kakambal mo?" sunod-sunod kong tanong.
"Tama si Miriam, Elysia. Hindi ako dapat nag-e-entertain ng mga lalaking nasa itaas." Hagulgol nito. Napayakap ako rito upang pigilan ito sa pag-iyak dahil baka makaapekto iyon sa kanyang ipinagdadala.
"Shhh. Tama na Gaway. baka makasama sa iyo at sa batang ipinagdadala mo." patuloy ako sa paghagod sa kanyang likod.
"Elysia, bakit hindi niya sinabi sa akin? Bakit hindi niya sinasabi sa akin kung ano ang mga nangyari sa kanya? Hindi niya ba ako mapagkatiwalaan?" puno ng hinanakit ang kanyang bawat salitang binibitiwan.
"Tama na Gaway. Hindi makakatulong kung sisisihin mo siya. Alam mo naman nung ugali ni Miriam," sabi ko rito.
May ugaling malihim si Miriam. simula ng namamatay ang aming mga magulang ay naging parang mailap na ito. Kahit na kambal sila ay mas panganay si Miriam ng ilang segundo kaysa kay Gaway kung kaya inako nito ang pagiging magulang sa kanyang kapatid.
Silang dalawa na lang ang natitira kong pamilya kung kaya kahit anong mangyari sa kanila ay naroon ako para suportahan sila.
Sandali kang pinakalma si Gaway bago kami huling pumasok sa kwarto ni Miriam. Naabutan namin itong nakamulat ang mata at para bang nananaginip. Hindi ito nagsasalita hindi rin ito kumikilos at nakatingin lang sa kisame, agad namin siyang dinaluhan.
Pagkarinig nito ng aming mga boses ay bigla na lamang itong napaluha. Mula sa mahina ay palakas ng palakas ang kanyang pag-iyak hanggang sa tuloy na itong mapahagulgol ng malakas.
"Bakit hindi mo sinabi?" umiiyak na rin na sabi ni Gaway sa kanyang kakambal habang niyayakap ito.
"Nahihiya ako. Palagi ko kayong pinagsasabihan na mag-iingat pero tignan niyo ako ngayon isang disgrasyadong babae nabuntis ng isang lalaking minsan ko lang nakilala at hindi na nagpakita," Sabi nito.
Para akong tinamaan sa sinabi ni Miriam. sa pagkakataon na ito, tuluyan ko na rin na ilabas ang luha na aking pinipigilan kanina pa. Pare-pareho lang pala ang nangyari sa amin. Nadala sa matatamis na salita, inakit, pinangakuan pera sa huli ay iiwanan.
Napayakap na rin ako sa kanilamg dalawa at dinamayan ang isa't isa dahil sa kasawiang pare-pareho naming nadama ng dahil sa pag-ibig sa maling tao.