ELYSIA’S POV
Pilit kong pinakalma ang aking sarili. Marahan at lihim kong kinurot ang aking hita upang magising sa makamandag nitong titig.
Napakaganda naman kasi nitong lalaki.
Sino ba kasing mag-aakala na magkakainteres sa akin ang apo ng Diyos na si Apollo. Kahit sino naman ay magtataka at mapapataas ang kilay. May ganda rin naman ako pero naman pang Miss Universe ang atake, ang ganda ko ay pang baryo lang. Kahit na maraming nagsasabing maganda ako, para sa akin ay isa lamang akong simpleng dalaga na may tipikal na katangian ng isang ordinaryong tao.
“Ano, magtititigan na lang ba tayo rito?” lakas loob kong sabi rito nang ilang sandali pa ay hindi man lang ito kumilos o kumurap habang nakatitig sa akin.
Ilang segundo pa ay kumilos na ito.
Tinanggal nito ang kanyang suot na seatbelt, buong lakas niya akong kinabig palapit sa kanya at pinagdikit ang aming mga labi. Sa labis na pagkabigla ay hindi ako kaagad nakakilos. Sinubukan ko siyang itulak nang makahanap ako ng lakas ngunit sadyang mas malakas ito pati na rin ang temptasyon na dulot ng kanyang malambot na labi. Nanuot sa aking ilong ang kanyang mamahaling pabango habang nakahawak sa aking batok na parang ayaw na ihiwalay ang kanyang labi sa akin. Unti-unti na rin akong nadadala, ang aking mga brasong nakatukod sa kanyang dibdib na kanina ay gamit ko upang itulak ito ay ngayong parang nauubusan ng lakas at marahan ko ring nadadama ang kanyang dibdib.
Ilang minuto na pinagsaluhan namin ang isang matamis na halik sa loob ng kanyang kotse. Nagkalas lamang ang aming mga labi nang kapwa kami kinapos na ng hininga.
Ang halik na iyon ay sapat na upang masagot ang mga katanungan na gumugulo sa aking isipan.
Sa pagkakataon na ito ay susugal na ako.
Sa buong araw ay magkasama kaming dalawa. Dinala niya ako sa isa sa kanyang mga condo at wala kaming ginawa roon kung hindi magkwentuhan. Bago magtanghalian ay hinayaan niya akong makatulog doon hanggang sa sumapit ang hapon kung saan kailangan kong umuwi ng bahay upang makapagbihis habang ito naman ay may inasikaso sa kanyang negosyo.
Sa mga sandaling kasama ko siya ay naramdaman kong espesyal ako at hindi ko iniisip na may malaking puwang ang nakapagitan sa aming dalawa. Para akong nasa alapaap habang magkausap kami, isang teenager na nahihiya sa kanyang crush. Para ngang ayaw ko ng matapos ang oras na kasama ko ito.
Nang sumunod na araw ay nakatanggap ako ng tawag mula kay Xavier. Hindi ko alam kung paano niya nakuha ang aking number pero nang maalalang mayaman pala ito ay hindi na ako nagtaka.
“I can't go there because I have something to do,” anito sa kabilang linya.
“Naku, ayos lang. Alam ko naman na busy ka. Sige na, mamaya na lang. Bye,” paalam ko rito. Gusto ko sanang pahabulan ito ng salitang ‘I love you’ kaya lang bigla akong nahiya dahil hindi pa naman ito nagsabi sa akin ng I love You.
Nagtagal ang aming mala-MU na relasyon ng halos limang buwan.
MU, dahil sa loob ng mga araw na magkasama kami ay hindi nito sinasabi ang pinakahihintay kong salita ganoon pa man ay masaya ako na kasama siya. Mas madalas na rin akong nagpupunta sa kanyang condo gaya ng gusto nito dahil sa bukod sa mas malinis, maayos, komportable ay nagkikita rin kami dito.
Sa kanyang condo ay para kaming mag-asawa.
Sa kabila ng aking trabaho sa hotel ay inaasikaso ko ito.
“How’s your day?” tanong nito pagkatapos naming kumain at kapwa na kami nakahiga sa kama.
“Okay lang. Ikaw ba?” nakayakap na tanong ko rito.
“Nothing’s new,” sagot nito.
Humarap ito sa akin at kinintalan ng halik ang aking mga labi na kaagad ko namang ginantihan. Nakakasabik at nakakaadik ang kanyang halik. Habang patuloy sa pagkilos ang kanyang labi ay naging abala naman ang kanyang kamay at nag-umpisang ipasok sa aking maluwag na tshirt saka minasa ng marahan ang aking dibdib. Napakapit ako sa kanyang leeg habang sinusuklay ang kanyang napakalambot na buhok. Mas lalong naging malalim ang kanyang paghalik sa akin at nakikipaglaban naman ako sa kanya lalo na sa tuwing kakagatin nito ang aking labi ay binabawian ko naman ito ng pagsipsip sa kanyang dila.
Pakiramdam ko ay nagiging mas agresibo ako kapag kasama ko siya dahil habang hindi nagkakalas ang aming mga labi ay pumatong ako sa kanyang ibabaw at minasahe ang kanyang sabik na sandata na aking naupuan. Umupo ito at sumandal sa headrest nang maghiwalay ang aming mga labi. Hinubad nito ang suot kong tshirt at walang kahirap hirap na natanggal ang kawit ng aking bra. Sunod naman ay magkasabay naming tinanggal ang aming mga pang-ibaba. Muli akong pumatong sa kanyang ibabaw at dahan- dahang ipinasok ang kanyang sandata sa aking hiyas.
“U**gg**hh,” kakaibang kiliti at sarap ang aking nararamdaman sa tuwing magkaniig kami. Parang napupunta ako sa ibang dimensyon. Ang aking paggalaw na mula sa mabagal ay mas lalo kong pinabilis dahil mas nasasarapan ako sa tuwing binibilisan ko ang aking pagtaas-baba. Sinakop nito ang aking magkabilang dibdib at dinala sa kanyang bibig. Wala itong tigil sa pagmasa at salitang pagkagat at dila sa aking mga tuktok. Ang kanyang ginagawa ay parang nagpadagdag sa pagtaas ng aking libido.
Sa tuwing magkasama kami ay hindi na ako nagdadalawang isip na isuko ang aking sarili sa kanya dahil alam kong mahal niya ako at mahal ko rin siya. Kahit hindi sabihin ay ramdam ko naman na mahal niya ako, ramdam ko naman sa kanyang mga kilos dahil sa bawat araw na kami ay nagkikita ay may pasalubong siya sa akin at bulaklak, hindi ko man hilingin.
Ang buong akala ko ay ako na si Cinderella at siya na ang aking Prince Charming. Ang akala ko ay puro saya na ang lahat pero hindi ko inaasahan ang susunod na mangyayari.
“Oh, Ely. Duty ka?” takang tanong sa akin ng katrabaho ko na si Roxy na madalas kong kasama sa front desk.
“Oo, bakit? May problema ba?” takang tanong ko rito.
“Sabi kasi ni Sir, nag-resign ka na.”
“Ha?” naguguluhang tanong ko.
Wala naman akong naalala na nagpasa ako ng resignation letter kahapon. Wala naman nababanggit sa akin si Xavier. Ah, si Xavier. Halos tatlong araw na nga pala itong hindi nagpapakita sa akin at ni tawag o message ay wala akong natanggap mula rito.
“Kausapin ko si Sir. Baka mali lang yung information na pumasok sa kanya,” sabi ko na lang kay Roxy.
“Uy, Ely. Sandali lang, may itatanong sana ako sa iyo,” habol na tawag nito sa akin.
“Ano iyon?”
“Kayo ba ni Sir Xavier? Yung lalaking ubod ng yaman na laging nagpapadala sa iyo ng regalo?” tanong nito sa akin.
“Ha, eh ano. Hindi naman naging kami noon. Nakita mo ba? Di ba wala,” pagsisinungaling ko.
“Mabuti na lang pala hindi ka nakinig sa amin.” anito
“Ha? Anong ibig mong sabihin?” naguguluhan kong tanong.
“Si Sir Xavier pala, may girlfriend. Yung naaksidente, ang balita ko ay magpapakasal na dapat sila kaya lang nga naaksidente yung bride niya. Hindi ko lang alam kung matutuloy na lalo ang sabi ng nakakwentuhan ko na guest pauwi na raw ng Pilipinas ang babae at mukhang pagaling na.”
Parang isang bombang sumabog sa aking tainga ang balitang aking nakita.
Si Xavier, may fiance at magpapakasal na sila?
Ano pala ako sa buhay niya?
"Ely, okay ka lang ba?" tanong ni Roxy nang mapansin nito na hindi ako nakareact kaagad sa kanyang sinabi.
"O-Oo. Okay lang ako, feeling ko kasi magkaka-mens na ako. Biglang sumakit ang puson ko," pagdadahilan ko upang maitago ang sakit na aking nararamdaman.
"Ano, pupunta ka ba ng office? Puntahan mo na si Sir, paalis na yan." sabi nito saka tumalikod. Nagdadalawang-isip ako tuloy kung papasok pa ako o hahayaan na lang ang aking resignation paper na hindi ko alam kung sino ang nagbigay.
Kakatok na sana ako sa pinto upang kausapin ang manager ng hotel nang biglang tumunog ang aking cellphone.
"Hello, Ely. Tulungan mo kami, si Miriam," umiiyak na sabi ni Gaway na nasa kabilang linya.