Chapter 87

1656 Words

GAWAY’S POV Nang mga sumunod na araw ay tila mas naging masaya pa ang pakiramdam ko. Kakaibang saya na hindi ko naramdaman noong naging kami ni Aldo. Sa umaga ay magkasama namin inihahatid ni Tadeo ang mga bata sa playschool pagkatapos ay sumasama ito sa cafe upang mag-serve. Kapag may pagkakataon ay tinuturuan ko rin ito kung paano gumawa ng kape. Napakabalanse ng lahat, sa mga sandaling iyon ay naisip kong mukhang tama naman ang aking naging pasya na bigyan ng pagkakataon si Tadeo. Kapag sinusundo niya naman ang mga bata ng tanghali ay saka naman ako nakakatanggap ng tawag mula kay Elysia. Nagpaparamdam lang ito upang mangamusta hindi sa mga bata kung hindi sa estado ng relasyon namin ni Tadeo, kagaya na lang ngayon. “Oh ano? Wala pa ring ganap?” tanong nito sa akin habang ka-video ca

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD