GAWAY’S POV Hindi ko alam kung bakit ito umiiyak. Dapat nga ay ako ang lumuluha at nagwawala ngayon dahil sa kanyang ginawa pero bakit parang nabaliktad ang sitwasyon na para bang siya pa ang na- argabyado. “Eherm, pwede na ba tayong mag-usap ngayon?” tawag- pansin ko rito. Pasimple nitong pinahid ang kanyang mga luha at saka lumagok sa gin na kanyang hawak. “Mukhang mas kalmado ka na ngayon kaysa kanina,” puna nito. Umusog ito ng kaunti maging ang bote ng gin at baso saka ako binigyan ng espasyo para makaupo. Parang may dumaang anghel sa aming pagitan, kaiba sa labis na tensyon na naganap kanina. “Pwede ba akong makahingi?” tanong ko nang magsasalin na naman ito ng gin sa baso. Hindi ito nagsalita at sa halip ay ibinigay sa akin ang kanyang sinalin nang hindi man lang tumitingin

