GAWAY’S POV Sa ilang sandali na aking pag-iisa sa lugar na ilang, sa gitna ng kaparangan at sa gitna ng kung saan na hindi ko alam ay nakahanap ako ng sandaling kapayapaan. Nakatulong ang malamig na simoy ng hangin na yumayakap sa aking katawan. Sa sobrang stress at nadala ng bugso ng aking damdamin ay hindi ko na nakontrol ang aking sariling emosyon. Hindi na ako nakakapag-isip ng maayos at ang lahat ay idinadaan ko sa sigaw at galit. I was depressed before, natural lamang iyon lalo na dumaan ako sa iba’t ibang masamang karanasan sa buhay pero hindi naman masosolusyunan noon ang problema ko ngayon. Kailangan kong magpakahinahon, makausap ng maayos si Tadeo upang sa ganoon ay hayaan niya akong makuha si Marco. Matiyaga akong naghintay sa labas habang patuloy sa paghithit ng sigarily

