ELYSIA'S POV Muli kong tinitigan ang larawan na ipinakita sa akin ni Nico. Iniisip ko na baka AI lamang iyon o di kaya ay gawa-gawa lang ng mga kaaway ni Aldo dahil sa pagkakaalam ko ay may mga taong humahabol na talaga sa kanya noon pa man bago pa maging sila ni Gaway. Hindi naman ako mahilig mangialam ng problema ng ibang tao kaya nang sabihin ni Gaway na nanliligaw sa kanya ang Italyanong si Aldo ay hindi na ako tumutol pa lalo na nang makita kong muli na namang sumaya ang aking pinsan at tila naging masigla. Simula ba naman ng ipanganak ang dalawang bata at tumayo itong mga magulang nito ay wala na itong in-entertain na kahit isang manliligaw kahit na marami namang nagkakagusto rito, mapa-Pilipinas man o Espanya. Sa halos apat na taon ay itinuon niya ang kanyang buong atensyon sa mg

