ELYSIA’S POV Halos hindi ako mapakali habang hinihintay ang tawag ni Gaway sa akin. Simula nang umalis siya kaninang tanghali ay wala man lang akong natanggap na kahit isang chat, message o tawag mula sa kanya. Labis na akong nag-aalala para sa kanilang mag-ina lalo na at papadilim na. “Ano, hindi pa rin ba siya tumatawag?” tanong ni Nico sa akin pagkatapos naming maghapunan. “Hindi pa nga eh,” sagot ko at muling tiningnan ang aking cellphone upang hintayin ang tawag nito. “Subukan mo kayang tumawag,” suhesyon sa akin ng aking asawa. “Sinubukan ko na kanina pero wala eh. Out of coverage area lagi.” “Try mo ulit ngayon.” Habang nag-uusap kami ni Nico ay biglang lumapit sa amin si Minerva. Nasa likod nito si Mira na namumula ang ilong maging ang mata. “Ely. Matagal pa ba si Gaway

