Chapter 22

1171 Words
Mula sa mahigit isang linggong pananatili sa US kasama ang kanyang bagong maybahay na si Juliette ay nagpasya na itong bumalik ng Pilipinas uoang asikasuhin ang kanyang negosyo habang ang kanyang asawa naman na si Juliette ay nanatili sa US para ipagpatuloy ang gamutan nito upang tuluyan na itong makapaglakad ng maayos. Ekspresyon ni Xavier nang malamang wala na si Elysia. Sinubukan niya itong tawagan ngunit napakunot ang kanyang noo nang hindi niya ito makontak. Nagtungo rin ito sa Finance Department upang silipin ang dalaga. Ang akala niya ay umabsent lamang ito kung kaya dumaan siya sa Condo. Wala niisang hibla ng buhok ang makikita sa loob ng unit. Sumapit ang ikalawang araw ay hindi niya pa rin ito makontak. "Sir, Pinapabigay po ni Ms. Nyavara. Tapos niya na raw pong linisin ang unit niyo," sabi sa kanya ng kanyang sekretarya nang akmang lalagpasan Niya ito upang muling pumunta sa Finance Department. Napakunot ang kanyang noo nang iabot sa kanya ang susi ng kanyang unit kung saan sila nagkikita ni Elysia. "Tawagin mo si Glenda ngayon din and give me the contract of Ms. Nyavara, I want it now!" utos nito sa kanyang sekretarya saka nagmamadaling pumasok pabalik sa kanyang opisina. Mula sa kanyang drawer ay inilabas niya ang resume na ipinasa ni Elysia nang ito ay nag-aapply. It was all his plan. Marami siyang pera pero dahil sa dami ng pulo at baryo ng bansa ay hindi niya kaagad nahanap si Elysia nang nawala ito halos isang taon ang nakalipas. He thought she is one of those woman he can used and play with but there's something with her na hindi niya makalimutan. He accidently saw her application form into a job hunting site at doon ay nagkaroon siya ng ideya. He called the main office of that job hunting site na nasa ibang bansa pa para lang malaman kung anong mga kompanya ang kanyang naapplayan at syempre malaking halaga ang kanyang inilabas. Lahat ng kanyang inapplyan ay kanyang hinarang, at parang tumutulong sa kanya ang langit sa kanyang plano nang ito na mismo ang nag-apply sa isa sa m kanyang mga kompanya at sa mismong main company pa nito. It's been almost a year but he still can’t forget her, even now that he’s married to his childhood sweetheart, Juliette who saved him from an accident two years ago. Maayos pa ang kanilang huling pagkikita pero sa kaniyang pagbalik ay hindi niya na ito makontak at hindi na rin niya ito makita na parang naulit na naman ang nakaraan. Unang pumasok ang kanyang sekretarya dala ang papel na kanyang pinapakuha. She can’t stay away from me. Pinasadahan niya ng tingin ang papel at binasa ang nakasulat sa gitnang bahagi noon na siya mismo ang gumawa. Ilang sandali pa ay dumating na rin ang Head ng Finance Department na si Glenda Remegio. “Pinapatawag niyo raw po ako, Sir,” anang babae. “Where’s Ms. Nyavara?” “Sir, nag-resign na po siya kahapon,” sagot nito. Napatalim ang kanyang tingin sa babae dahil sa sinabi nito. “And you accept her resignation?” ang himig ng boses ni Xavier ay mababakasan ng pagkayamot na naging dahilan upang makaramdam ng takot at kaba ang kanyang empleyado. “Y-Yes Sir, wala naman po akong nakitang problema sa kanyang kontrata,” sagot nito. “Did you read the contract or not? That was the stupidest thing you did, Glenda! Simpleng kontrata lang hindi mo pa nabasa ng maayos?” bulyaw ni Xavier. Walang magawa ang babae kung hindi ang yumuko, mag-sorry at tanggapin ang sermon at galit na ibinibigay sa kanya ng kanyang boss. “I want you to find Ms. Nyavara, bring her back here tomorrow because if you don't, ikaw ang tatanggalin ko,” banta ni Xavier saka ibinigay ang kopya ng kontrata kay Glenda bago ito tuluyang umalis. Nang sumunod na araw, maagang pumasok si Xavier naghihintay, nag-aabang sa pagbalik ni Elysia. Habang hinihintay ang pagbaba ng elevator ay hindi sinasadyang narinig niya ang mga naging usapan ng ilan sa kanyang mga trabahador. “Bakla, nakalimutan kong sabihin sa iyo kahapon hindi kasi kita nakita, hindi rin pumasok si Ely may itatanong sana ako sa kanya,” dinig niyang sabi ng isa sa mga ito. “Girl, hindi mo ba alam? Nag-resign na si Ely.” “Talaga? Sayang naman, gusto ko pa naman tanungin kung sino yung hottie na kasama niya noong isang gabi.” “Sino, si Elysia? May kasamang pogi?” “Oo bakla at ang pogi ng kasama niya. Parang italian model,” tumili pa ang gay employee na parang kinikilig ngunit kaagad na napaayos ng tindig nang makita ng mga ito si Xavier na seryoso ang tingin. Nagdilim ang paningin ni Xavier dahil sa kanyang narinig. He can’t even imagine Elysia with someone else. Sa bawat segundo, minuto at oras na dumaan ay tila hindi siya mapakali hanggang sa sumapit ang alas-onse ng tanghali at tumawag ang guwardiyang nagbabantay sa ibaba upang sabihing naroroon na sa loob ng gusaling iyon si Elysia. Inayos niya ang kanyang sarili, hinintay ang pagbukas ng pinto habang ang kanyang inis at galit na kaninang umaga pa niya nararamdaman ay tila sasabog na. Ilang minuto pa ay bumukas na ang pinto at iniluwa nito si Glenda kasunod ang babaeng kanyang hinihintay. "Ano pa ang kailangan mo sa akin? Nag-resign na ako. Ayaw ko na kaya hayaan mo na ako, " anito nang makalabas si Glenda at maisarado ang pinto. "You can't stay away from me, Sia. You're mine," nanggagalaiting sabi ni Xavier habang tila naririnig niya pa rin ang naging pag-uusap ng kanyang mga empleyado na kung saan nakita nila di umano si Elysia na may kasamang ibang lalaki. Ibinigay niya sa kamay nito ang kontrata saka bumalik sa kanyang lamesa, binigyan niya ng pagkakataon na mabasa ng dalaga ang nakasulat sa kontrata. “Are you aware that the contract you signed will last for two years? O hindi mo binasa ng maigi ang nakasulat?” tanong ni Xavier rito habang nakasandal sa kanyang lamesa at naka-krus ang mga braso sa tapat ng kanyang dibdib. “No. No, hindi ito ang nakasulat sa kontrata ko. Malinaw na anim na buwan lang ang nakasulat doon,” bakas ang pagkalito sa mukha ni Elysia habang binabasa ang unahan ng kontrata. “Here, let me help you. Turn it into page 3, nilagyan ko na rin ng highlights para madali mong makita,” sagot ni Xavier. Nagmamadaling inilipat ni Elysia ang papel sa sinabi ng lalaki at nanginginig ang kamay nito nang mabasa ang nakasulat. After six months of probation, if the work is satisfactory, his/her stay with the company will be extended by one year and six months, totaling 18 months. During those months, she will not be allowed to resign or be absent without leave. She could be fined four million pesos if she tries to break the contract. “You won't escape me this time, Elysia. You will follow everything I want, whether you like it or not.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD