ELYSIA’S POV Nanatili lamang ng dalawang araw sina Gaway sa Thailand pagkatapos ay lumipad silang muli patungo sa Spain. Habang naririto pa rin sa bansa at naghihintay ng tamang panahon para makaalis ay lihim kong inaayos ang lahat ng aking mga kailangan. Ibabalik ko ang mga titulo ng lupa at lahat ng mga ibinigay nito sa akin pati na ang mga alahas na inilagay ko sa isang vault sa isang bangko upang doon na lang nito makuha. Pagkatapos ay tuwing mag-daday-off o di kaya ay binibigyan ng biglaang leave ay magkasunod ko naman pinuntahan ang Montealba at Sta.Clarita kahit na bahagyang magkalayo ang dalawang lugar, inasikaso ko ang maliit na negosyong iniwan ni Gaway sa Sta. Clarita maging ang paghahabilin ng mga gamit, bahay at lupa namin sa Montealba. Ang maliit na negosyo ay ibinigay na la

