ELYSIA’S POV Inabot ng mahigit sa labinlimang oras ang naging biyahe namin bago makarating sa isang pribadong lugar at hindi sa mismong airport ng Barcelona. Kung titingnan ay para itong airport na kung saan ay may mga nakahilerang iba’t ibang aircraft. “This is our private airstrip, it’s much safer here dahil iilan lang ang naririto and all of them are our men kung kaya rest assure na magiging safe kayo rito” sabi ni Nico habang pababa ng rivate plane nito. Nang makakababa ay sinalubong ako kaagad ng napakalamig na hangin kahit na medyo tirik ang araw. Hindi ko mapigilang mamangha sa dami ng mga sasakyang panghimpapawid na naroroon kagaya na lamang ng helicopter, ilan pang private plane na mas maliit kumpara sa mga eroplanong sinasakyan ng mara at may mga mas malalaking mga eroplano

