ELYSIA’S POV “Tangina!” malakas kong mura nang mapanood ang video clip na isinend sa akin ng isang dummy account. “Hoy, ang lutong noon ah,” saway sa akin ni Gaway. “Ikaw ba naman ang hindi mapapamura sa napanood ko,” inis na sagot ko rito saka isinend sa kanya ang mga pictures at video. Sa video ay makikitang masayang sumasayaw si Nico na parang nakalimutan nito ang aming anibersaryo habang nasa tabi nito si Carla na lapit ng lapit sa aking asawa. Halos apat na minuto ang clip na iyon at kita kung paano maglibang ang aking asawa. Nakikipag-usap lamang ito sa mga kaibigan nitong lalaki maging kay Anton at hindi pinapansin si Carla pero mukhang kasing tigas ng espalto ang mukha ng brazilian na iyon dahil kahit na umiiwas na si Nico ay lapit pa rin ito ng lapit at mukhang sinasadya nito

