ELYSIA'S POV Bigla akong nakaramdam ng kaba habang tinitingnan ang mensaheng ipinadala ni Nico. Hindi ako makapaniwala na agad itong mag-rereply sa aking pag-send ng sexy pictures. Mukhang effective ang naging ang turo sa akin ni Gaway. Bumaba ako sa sala upang siguraduhin na maayos ang pagkakaayos ng lamesa kung saan may Isang plorera, wine, plato para sa aming dalawa at dalawang plato kung saan nakalagay ang Karne at kanin. Naglagay din ako Ng magandang baso upang maging kaaya-aya ang pagkakaayos. Ang sinabi nitong ten minutes ay hindi nangyari dahil halos paliparin nito ang kanyang sasakyan para lang makarating Ng mas mabilis nang higit pa sa sinabi nito at nakarating sa loob lamang ng seven minutes. Napatingin ako sa bandang pinto nang makarinig ng ugong ng sasakyan mula sa labas

