ELYSIA'S POV Kinabukasan ay hindi tumuloy si Gaway sa pagbalik sa Barcelona at sa halip ay nadagdagan ang araw ng aming bonding moment. Hindi rin ako pumasok sa trabaho at naglaan ako ng oras para makapag-usap pa kami. Itinuloy namin ang aming kwentuhan kagabi dahil naudlot iyon dahil sa kalasingan. Bago magtanghalian ay niyaya niya akong magpa-salon at mag-shopping. Una kaming nagpamasahe, nagpa-facial, nagpa- manicure at pedicure.Hindi naman ako mahilig sa makukulay at mahahabang kuko pero dahil kay Gaway ay wala na akong nagawa kung hindi magpa-gel polish. Pati kung anong style ng gupit at kung anong kulay ng buhok ay siya na rin ang nag-decide sa akin. “Ano ka ba, Ely. Dapat hindi lang puro looks and body dapat marunong ka rin mag-alaga ng sarili mo. Kailangan mo rin alagaan ang ski

