GAWAY’S POV Nakaramdam ako ng kaunting hiya dahil sa tudyo ng aking pinsan, pinamulahan ako ng mukha at halos hindi makatingin ng diretso sa kanya. Hindi ko rin naman inaasahan na darating ito Ngayon at sa pagkakataon na ito ay dalawang maleta na ang dala nito. "Don't worry, hindi kita i-jujudge. Masaya lang ako na nakikita kang nakangiti," sabi nito at isang mapag-intinding ngiti ang ibinigay nito sa akin. Napangiti na rin ako dahil sa kanyang sinabi. Akala ko kasi ay pagsasabihan niya ako kagaya ng ginagawa sa akin noon ni Miriam. Ilang linggo pa lang ang nakakalipas buhat nang makipaghiwalay sa akin si Aldo dahil anito ay hindi nito matanggap na mayroon na akong dalawang anak. Akala ko nga noon ay si Aldo na ang para sa akin dahil taliwas sa kanyang sinabi ang kanyang ipinakita. Mab

