ELYSIA'S POV Nanlalabo ang matang napatingin ako kay Nico. "Where have you been? I've been waiting for you but you never came back. I tried to follow you but you're not there," hinihingal na sabi nito. Talaga ba? Mukhang hindi niya nga napansin na antagal ko ng wala eh. Antagal ko ng tumambay sa banyo at tyinagang pakinggan ang nakakarinding mga malalaswang pag-ungol ng mga hayok sa laman na kabataan, nakatambay pa ako sa bar counter at nakainom ng ilang baso ng tequila. Nagawa ko pa ngang makapagmuni-muni at manoon ng hidden show sa madilim na bahagi ng parkeng ito tapos sasabihin niyang hinintay niya ako? Pinapatawa niya ba ako? Tinitigan ko lang ito saka inaantok na nagsalita. "Let's go to our hotel room. Nahihilo na ako," sagot ko rito at akma ulit papasok ngunit pinigil niya

