Isang linggo na ang nakalipas subalit hindi pa rin naibabalik si Marco. Gumawa ng paraan sina Nico at Elysia upang pagbigyan ang kahilingan ni Onyx na bigyan ng pagkakataon ng mga ito si Tadeo na makasama ang kanyang anak na si Marco pero tila mas lalong sumisidhi ang kaba at galit ni Gaway dahil sa tagal ng pagkakawalay sa kanyang pamangkin na itinuring niya na ring anak. “Ely. Hindi na ako makakapaghintay pa ng isa pang araw. Gusto ko na mabawi ang anak ko,” sabi ni Gaway sa kanyang pinsan. “‘Way, sinabi ko na ito kay Dela Cuadra. Kinakausap na nito si Tadeo para maibalik ang bata. Kahit ako man ay nag-aalala sa bata,” sagot ni Elysia. Kita niya ang labis na pagkabalisa ng kanyang pinsan at alam niyang kapag nakipagtalo pa siya rito ay baka magwala pa ito o baka isipin nito na kina

