CHAPTER 42 Nabitiwan ko ang susi sa paanan ni E-jay. Sinikap kong hinarap kung sino ang pumalong iyon sa likod ko. Kahit hilong-hilo na ako ay pilit ko paring kinilala. Nanlilisik ang kaniyang mga mata. Hawak niya ang dos por dos na kahoy na siyang ipinalo niya sa akin. Umiikot na ang paningin ko. Hindi ako maaring magkamali sa aking nakita kahit padilim na padilim na ang aking paligid. Hindi ko na nakayanan ang lahat. Bumagsak ako kasabay ng tuluyang pagdilim ng paligid at ang paghina ng aking pandinig. Sandaling katahimikan at kadiliman. Sa pagkakahilo kong iyon at sa padilim kong paningin ay biglang pumasok sa balintataw ko si Vhince. Nakikiusap ang mukha niya. Hinawakan niya ang kamay ko saka niya hinaplos ang aking noo. "Carl, huwag kang bumigay. Huwag kang susuko. Lumab

