ANG TOTOONG KRIMINAL

2132 Words

 CHAPTER 43   "Gusto mong makita ha? Sige, bago tayo magsasamang mamatay ay maipakita ko muna sa inyo ang kahihinatnan nating lahat. Sige na Eman, mauna ka." Ibang Francis ang narinig ko. Malayo sa Francis na kanina lang ay naglalabas ng kaniyang hinaing.   "Saan?" tanong niya.   Muli akong naghahanap ng pagkakataon para makatakas kami ni E-jay. Alam kong iyon din ang tumatakbo sa isip ni E-jay ngayon. Inapuhap ko ang kutsilyo sa aking baywang. Nandoon pa iyon.   "Diyan sa pintuang iyan palabas sa kusina. Doon sa may balon. Huwag na huwag kang gagawa ng hindi ko magugustuhan."   Sinunod ni E-jay ang gusto niya. Panay pa din ang lingon niya sa akin. Natatakot na makalabit ni Francis ang gatilyo ng baril. Wala kaming ibang gawin kundi ang sumunod sa lahat ng gusto niya. Kailangan k

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD