CHAPTER 34 "Sige, 'Pa. Mamaya na lang ho uli." Pagkukunyarian kong si Papa ang kausap ko. Pinutol ko ang usapan namin ni E-jay. Tumingin siya sa akin. Salubong ang kilay. "Huwag mo akong gawing tanga, Carl. Si Eman ang kausap mo hindi ba?" "Narinig mo naman di ba? 'Pa ang sinabi ko." "Kanina pa ako sa tabi mo. Akala ko ba galit ka na sa kaniya. Akala ko ba puputulin mo na ang lahat g ugnayan ninyo? Pinaglalaruan ba ninyo ako? Pinagkakaisahan?" may galit ang kaniyang boses. "Sorry. Okey si E-jay nga pero hindi namin gagawin ang hinala mo. Hindi ka naming pinaglalaruan at pinagkakaisahan, Francis. Tinawagan ko siya para lang alamin kung wala siyang kinalaman sa pamamaril kanina. And sorr

