CHAPTER NINE

4031 Words
  DUMIRETSO agad si Joen sa kusina nang dumating sila sa bahay. Bago iyon nagmano muna ito kay Lola Fe na nanonood ng palabas sa telebisyon. Lihim na lang na na napapangiti si Vin dahil at home na at home ang lalaki. Talagang komportable ito sa kanya pati na rin kay Lola Fe. Hinayaan na lang niya ito. Dumiretso siya sa kanyang kwarto at nagpalit ng damit. Naisip niyang muling pahiramin ng damit si Joen kahit hindi ito magsabi. Napansin niya na pawisan ito pero kahit na ganoon mabango pa rin itong amuyin at tingnan. Well, bakit ba niya iyon nasabi? Kanina habang sakay sila ng jeep pauwi sa kanila, nasa unahan niya ito kaya naman langhap na langhap niya ang amoy nito. Kung hindi nga lang siya dinapuan ng hiya baka lumapit siya rito at sininghot-singhot ito. Napangiti na lang siya.               Kumuha siya ng damit na magkakasya kay Joen. Palabas na siya ng kwarto nang mahagip ng paningin niya ang mga pinamili ni Nick at Joen sa kanya. A wide smile formed on his lips as he picked the books that Joen bought for him. Nakakairita man ang kakulitan ng lalaki ay bumabawi naman ito sa mga simpleng paraan nito. Naisip niyang bibili siya ng plastic cover para balutin ang apat na libro. Ayaw niyang ma-baboy iyon. Iingatan niya ang mga libro dahil bigay iyon ni Joen.               Sunod niyang kinuha ang asul na stuffed toy na binigay ni Nick. Sa buong buhay niya ngayon lang siya nakatanggap ng ganitong bagay. Para lang siyang babae kung ituring ni Nick sa pagbili nito sa kanya ng ganitong bagay. He thinks of giving a name to the thing. Nag-isip siya ng magandang pangalan para sa stuffed toy. Dahil si Nick ang nagbigay niyon, siguro ang bagay na pangalan dito ay Chollo. Galing rin iyon sa pangalan ni Nick. Nang ma-satisfied siya sa binigay na pangalan ay inilagay niya ang stuffed toy sa tabi ng unan niya.               He decided to go out. Baka naghihintay na sa kanya si Joen. Dumiretso siya sa kusina pero hindi niya naabutan doon si Joen. Nakapatong sa mesa ang dalawang box ng pizza at hindi pa nagagalaw. May tatlong baso rin na malapit doon. Napakunot-noo siya. Saan kaya nagpunta ang lalaking iyon? Lumabas siya ng kusina at pinuntahan ang lola niya na abala pa rin sa panonood ng programa sa telebisyon habang kumakain ng pizza.               Mali pala siya. Nagalaw na pala iyon dahil kumakain na ang kanyang abuela.               Lumapit siya dito at umupo sa bakanteng sofa.               "`La, saan po si Joen?" tanong niya dito.               "Lumabas," matipid na sagot nito saka sumubo ng pizza.               "Ano daw po ang gagawin niya sa labas?" tanong niya ulit.               "Hindi ko alam. Basta nagpaalam na lalabas daw siya. Hindi naman sinabi kung ano ang gagawin."               "Bakit ba hindi `yon nagpaalam sa `kin?" tanong niya sa sarili. Dahil may kalakasan ang boses nakuha niya ang buong atensyon ng lola niya. Tiningnan siya nito ng mataman.               "Bakit n'yo po ko tinitingnan ng ganyan?" Naiilang na usisa niya.               "Masama ba apo?"               Napangiwi siya. "Hindi naman po pero may kahulugan kasi ang pagtitig n'yo sa `kin ng ganyan. Parang nagkasala ako sa sinabi ko."               "Paanong hindi kita titingnan ng mabuti kung mag-alala ka at magsabi na hindi man lang siya nagpaalam sa `yo, parang obligasyon niya iyon. Bakit boyfriend mo ba siya? May relasyon ba kayo? O may gusto ka sa kanya? May hindi ka ba sinasabi sa `kin?"               "`La naman," reklamo niya. "Masyado naman kayong malisyosa. Siyempre po kaibigan niya ako kaya ako nag-aalala. Malay n'yo, `la, umalis lang basta tapos hindi man lang nagpaalam. Para naman akong baliw n'un kung ganoon nga ang ginawa niya. Saka ilang beses ko po bang uulitin sa inyo na wala kaming relasyon. Ang gwapo-gwapo ni Joen papatol sa `kin?"               "Gwapo ka naman, ah, may hitsura. Habulin ka nga dati at naging escort ka pa sa klase n'yo n'ung high school ka. Maalaga ka noon sa sarili mo. Kapag may nagsisitubuan na pimples sa mukha mo, masyado kang nag-aalala. Banidoso ka rin. Hindi ko alam sa `yo kung bakit bigla-bigla ka na lang na nag-iba. Pinabayaan mo ang sarili mo."               Hindi siya nakasagot. May tama ang lola niya. Actually tama ang lahat ng sinabi nito. Maalaga talaga siya sa sarili noon. Masyado siyang nag-aalala kapag may pimples na tumutubo sa mukha niya. Hindi siya nawawalan ng baby powder. May vanity kit nga siya sa bag palagi pero binago niya ang ganoon na lifestyle dahil sa mga pangyayari sa buhay niya na lubos na nagbibigay sa kanya ng kalungkutan.               He used to be a good looking student in their school during high school. Madalas napapansin siya dahil sa hitsura niya, sa ka-cute-an niya. Minsan nagtanong siya sa mga kaklase niya kung ano ang meron sa kanya at bakit palagi na lang siya sinusundan ng tingin ng ibang mga estudyante sa school nila at sinagot siya na appealing daw siya. Malakas daw ang s*x appeal niya at ang kinis pa niya. Hindi naman daw siya sobrang gwapo, average looking lang siya pero meron sa kanya na nagpapasunod ng tingin ng ibang estudyante. Kahit na narinig niya ang mga ganoon mula sa bibig ng classmate hindi siya nagbago. Oo, inaamin niya na minsan lumaki rin ang ulo niya pero nagbago ang lahat sa kanya pagkatapos niya sa high school.               "Lola, hindi ko po pinabayaan ang sarili ko. Ganoon talaga `pag nagbibinata este nagdadalaga, tinutubuan ng pimples kahit na ayaw natin." Pagpapatawa niya pero hindi naman nito kinagat.               "Ewan ko sa `yo apo. Umalis ka na nga at nanood ako." Ang pagtataboy nito sa kanya na ikinasimangot niya. "Kung nag-aalala ka sa gwapo mong bisita, sundan mo sa labas ng bahay o kaya ay hintayin mo sa labas."               "Sige na nga," aniya saka tumayo at iniwanan ito.               Lumabas siya ng bahay para doon hintayin si Joen. Eksakto namang nakalabas na siya nang makita niya si Joanna kasama ang pinsan nito na si Charles. Si Charles ay isa sa masasabi niya na acquaintance. Hindi sila nito nag-uusap pero nagngingitian sila tuwing nagkikita sila. May hitsura ito. Isa ito sa tinitilian ng mga babae at bakla sa barangay nila. Mas matangkad sa kanya si Charles ng tatlong pulgada. Moreno at maganda ang mata. Kapansin-pansin rin ang dimples nito sa kaliwang pisngi.               Huminto ang mga ito at lumapit sa kanya. Nginitian niya ang dalawa.               "Hello Vin!" Masiglang bati sa kanya ni Joanna.               "Hi Vin." Pagbati sa kanya ni Charles na tila nahihiya.               Napapansin niya na kapag nakikita siya nito ay palaging 'hi' lang ang nasasabi nito. Parang palagi itong nahihiya sa kanya sa hindi niya alam na dahilan.               "Kumusta ka na, Vin?"               "Okay na okay, Joanna. Anong meron at magkasama kayong dalawa? May pupuntahan ba kayo?"               "Wala naman," anito. "Pero may gusto daw kasing makita ang pinsan ko sa street na ito kaya kami naglalakad-lakad. Si--"               Natigil si Joanna sa pagsasalita nang takpan ni Charles ang bunganga ng kaibigan niya.               Natawa na lang siya.               "Sino ba ang ang gusto mong makita, Charles?" He playfully asked. Hindi ito sumagot. Yumuko lang ito.               "Sus, Vin, `wag mo nang tanungin ang lalaking`yan kung sino ang gusto niyang makita. Hindi naman `yan sumasagot, obviously." Ang sabi ni Joanna nang makawala ito sa pinsan nito.               "Tumahimik ka na nga Joanna," saway dito ni Charles.               Binelatan lang ito ng bruha kasunod ng panglalaki ng mata nito. Kulang na lang ay mahimatay ito sa nakita. May nalalaman pa itong pasapo-sapo sa dibdib na tila inaatake ng heart attack.               Tiningnan niya ang tinitingnan nito.               Palapit sa kanila si Joen. May hawak itong dalawang bote ng 1.5 litre na coke sa magkabilang kamay nito. Pawisin talaga ang loko dahil tumutulo na ang pawis nito sa noo. Even with his sweaty look, Joen still look handsome. Para ngang mas gumwapo pa ito dahil doon. Idagdag pa na nasisikatan ito ng araw na palubog at tila demigod kung maglakad palapit sa kanila.               Stop praising him that much, Vin. Kung malalaman lang ni Joen ang nilalaman ng isip mo ngayon, tiyak na lalaki ang ulo niya. May maipagmamalaki nga siya pero `wag mo nang ipagduldulan. Ang saway ng matinong bahagi ng utak niya.               Hindi na siya kumontra pa dahil may punto naman ang inner self niya.               "My God, Vin. I think I'm gonna die. I'm gonna die. Palapit na sa `tin ang irog ko," sabi ni Joanna at niyugyog pa siya.                "Ano ba? Para ka naman baliw." Saway niya rito habang kumakawala sa pagyugyog nito sa kanya.               Natigil lang si Joanna sa ginagawa nito nang makalapit na sa kanila si Joen at magsalita.               "Bumili ako ng panulak, Vin. Wala pala tayong drinks," anito.               "Anyare. Bati na kayong dalawa? Kailan pa? Paano nangyari `yon?" Sunod-sunod na tanong ni Joanna sa kanila. Sa kaniya.               Dahil sa pagtatanong nito, nakuha nito ang atensyon ni Joen. Bumaling dito ang lalaki. Pagkatapos ay sa kanya.               "Sino sila, Vin?" tanong nito.               "Joen, si Joanna kaibigan ko at ang pinsan niya, si Charles," pagpapakilala niya sa dalawa kay Joen.               "Nice meeting you, Joen," anito sabay lahad ng kamay. “Ako `yong kasama ni Vin n’ung gabing magkagulo kayong dalawa. Ako `yong isa sa sinigawan mo.”               Nakita niya ang rekognisyon sa mukha ni Joen sa sinabi ni Joanna. "Nice meeting you. Pasensya na rin sa nangyari," ani Joen pero hindi tinanggap ang pakikipag-kamay ni Joanna. Tiningnan lang nito iyon.               Umiral na naman ang kasupladuhan ng lalaki. Oo nga pala. Nakalimutan niya na medyo homophobic si Joen dahil sa sinabi nitong experience nito sa ibang bakla. Bearable naman ang rason nito kung bakit ayaw nitong makipag-kamay kay Joanna. Siguro, naiisip nito na baka matsansingan ito. Mukha pa namang mananakmal ang kaibigan niya. Lihim na lang siyang natawa sa naisip.               "Nice meeting you din pala," ani Charles na tila napipilitan lamang.               Hindi naman ito pinansin ni Joen sa halip bumaling ito sa kanya. "Papasok na muna ako. I'll just wait for you inside," paalam nito.               Tumango lang siya. Nahihiya siyang bumaling kay Joanna at Charles.               "Pagpasensyahan n'yo na `yon. May topak kasi ang lalaking `yon `pag minsan kaya ganoon."               "My God, Vin! Bakit hindi mo sinasabi sa `kin, sa `min ni Diega na magkaibigan na pala kayong dalawa?" May panunumbat na sabi nito. "Ang daya-daya mo! Sinosolo mo ang biyaya sa mata sa mga katulad namin ni Diega. Ang sama mong kaibigan."               Napangiwi siya sa sinabi nito.               "Hindi ko `yon intensyon, no," pagtatanggol niya sa sarili. "Isang araw pa lang naman kaming magkasama saka mabait naman si Joen at siya ang nakipag-kaibigan sa `kin."               Hindi na niya binanggit na natulog siya sa bahay ni Joen at nakatabi pa niya ito sa higaan nito. Tiyak niya kasing maghuhuramentado ito. Matagal ng crush ni Joanna at Diega si Joen ayon sa mga ito n'ung gabi na nag-away sila ng lalaki.               "Hindi raw," mataray na sabi nito. "Hindi ko matatanggap ang rason mo. To make it up to me, papasukin mo ako," bumaling ito kay Charles na tahimik lang na nakatingin sa kanilang dalawa. "Kami pala ni Charles sa loob ng bahay n'yo. Gusto kong makasama at makita si papa Joen ko." Pagde-demand nito.               "Ayoko nga!" Tanggi niya.               "Selfish!" Akusa ni Joanna sa kanya.               Natawa na lang siya pati si Charles. Bumaling siya sa lalaki. "Adik ang pinsan mo, Charles."               "Sinabi mo pa. Dahil lang sa lalaki, naghuhuramentado. Malala na ang sayad niyan, Vin. Nagtataka nga ako kung paano mo naging kaibigan `yang si Joanna. Matino ka samantalang baliw siya."               "Madaldal ka rin pala," puna niya dito na ikinatahimik ulit nito. Nahiya ulit sa kanya. Natawa na lang siya. "Ipagpatuloy mo lang `yan Charles, magkakasundo tayo."               Charles just smiled.               "Hoy kayong dalawa! `Wag n'yong iibahin ang usapan natin. Vin! Papasukin mo kami Ni Charles sa loob. Ayaw mo bang papasukin kami dahil gusto mo si Joen? Gusto mo siyang solohin." Ang akusa ni Joanna sa kanya.                           Para lang itong timang kung mag-histerya.               "Umayos ka nga Joanna. Wala akong tinatago. Hindi ko gusto si Joen," pagsisinungaling niya. Gustong-gusto. "Hindi ko rin siyang gustong solohin. Para mapatunayan ko `yon sa `yo, `di pumasok ka sa loob."               "Talagang papasok ako," taas noong sabi nito. At tila beauty queen na rumampa papasok sa bahay nila.               Napailing na lang siya. Natatawa naman si Charles sa behavior ng pinsan nito.               "Malandi talaga `yan si Joanna," naiiling na sabi nito.               Magkasabay silang pumasok ni Charles sa loob ng bahay nila. Nauuna naman sa kanila si Joanna na kumekendeng pa habang naglalakad.               Kinumusta muna ni Joanna ang lola niya at ipinakilala naman niya dito si Charles. Pagkatapos ng konting kamustahan sa pagitan ni Joanna at Lola Fe nagpaalam na sila dito na pupunta ng kusina. Agad naman sumang-ayon ang lola niya.               Naabutan nila si Joen na nakaupo sa isang upuan at tila kanina pa siya hinihintay. Makikita sa mukha nito ang pagkabagot.               "Pasensya na kung ngayon lang ako pumasok," agad na sabi niya dito nang makalapit siya.               Joen just gave him a cold stare. "Pasensya na talaga." Ang ulit niya na paumanhin dito.               "Bakit niyaya mo pa sila?" tanong nito sa mahinang boses. Halos pabulong iyon. Ang tinutukoy nito ay ang dalawa na nakatayo sa may hindi kalayuan sa kanila.               "Gusto daw nilang makikain ng pizza," pagsisinungaling niya.               Hindi niya kayang sabihin dito ang totoong rason na inaakusa sa kanya ni Joanna. Medyo totoo kasi iyon at baka kung ano ang maging reaksyon ni Joen kapag nalaman iyon.               "Then give this to them," sabi nito sabay abot sa kanya ng isang kahon ng pizza.               "`Wag na, Joen. Dito na sila kakain. Pasensya ka na talaga sa `kin. Dapat pala nagpaalam muna ako sa `yo."               "Sana naisip mo `yon kanina," anito.               "Pasensya na talaga. Makisama ka na lang muna sa kanila. Katulad mo mga kaibigan ko rin sila."               Joen sighed. "Wala naman akong magagawa. Nandyan na ang mga `yan, eh. Kumain na lang tayo."               Malawak siyang napangiti. "Salamat."               Nilapitan niya ang dalawa at pinaupo. Nagpapasalamat siya dahil nakisama si Joen. Kahit na halatang naiirita na ito kay Joanna nagtitimpi ito. Kahit na ano-anong bagay ang itinatanong ng kaibigan niya kay Joen at simpleng 'yes', 'no', 'oo' at 'hindi' ang sinasagot nito. Wala nang elaboration pa.               Para hindi naman magmukhang out of place si Charles ito ang kinakausap niya. Tila nakalimutan na kasi ito ni Joanna. Natatawa na lang siya sa sagot nito dahil may pagka-joker ito. Lahat ng sagot sa kanya sinasamahan ng pagbibiro.               Napansin niya ang matatalim na tingin ni Joen kay Charles pati sa kanya. Mamaya na siya mag-uusisa kung bakit ganoon na lang nito tingnan ang lalaki. Sa kanya, alam niya kung ano ang dahilan nito.             At last! Natapos ang munting salo-salo nila. Nang tingnan niya ang relo sa sala  alas-sais na ng gabi. Kahit na tapos na silang kumain ayaw pang umalis ni Joanna. Pero sa pamimilit dito ni Charles na umuwi nagpatianod na rin ito. Iyon nga lang may kasamang pagdadabog. Halatang masama ang loob. Hinatid niya ang mag-pinsan sa labas ng bahay nila. Naiwan naman si Joen sa sala . Kausap nito ang Lola Fe niya.               "Sa uulitin, Vin," ani Charles. "Nag-enjoy ako na kausap ka."               "Sige. Sa uulitin," ganting sabi niya.               "Sana hindi na lang gumabi," ani Joanna. "Bakit ba kasi kailangan ko pang sumabay sa `yo, Charles? Malaki na `ko. Kaya ko nang umuwing mag-isa." Reklamo pa rin nito.               "Hindi ka ba nahihiya kay Vin, John. Gabi na. Pagpahingahin mo naman ang kaibigan mo. Gusto mo ba siyang mapagod? Kapag napagod `yan si Vin, lagot ka."               "Nangonsensya ka pang damuho ka!" Asik nito sa pinsan. "`Wag mo `kong tawagin na John."               Natawa na lang sila ni Charles.               "Alam ko ang dahilan kung bakit ayaw mo pang umuwi. `Wag kang mag-alala, Joanna, may mga susunod pa. Tatawagan o kaya i-te-text kita kapag dito si Joen."               Sinabi niya lang iyon para matahimik na ito at umalis na. Pero duda siya sa sarili kung gagawin ang mga sinabi niya dito. It may sounded selfish but he was thinking of not doing it. Alam niya kasi na ayaw ni Joen na mapaligiran ng mga katulad ng kaibigan niya. Pero siya ay okay lang na madikit dito kahit alam nitong kaibigan niya ang mga katulad ni Joanna at Diega. Biased din ang lalaki pero pabor naman sa kanya.               Nakahinga siya nang maluwang nang magpaalam na rin si Joanna. Kinagat rin ng kaibigan niya ang sinabi niya. Nang hindi na niya makita ang mga ito saka siya pumasok sa bahay.                 Silang dalawa na ulit ni Joen ang magkasama. Naabutan niya ang lalaki na abala sa panonood ng evening news kasama ang lola niya.               Lumapit siya dito at umupo sa tabi nito.               "Uy," untag niya rito pero hindi siya pinansin.               "Uy," muli niyang pagkuha ng pansin nito, sabay tusok sa tagiliran nito gamit ang kanyang daliri.               "Ano ba, Vin?" Naiiritang sabi nito sabay layo sa kanya. "Nanonood `yong tao iniistorbo mo."               Mukhang alam na niya kung ano ang dahilan ng pag-inaarte nito. Nagtatampo ito sa kanya dahil sa nangyari kanina.               "Kaya ba hindi mo `ko pinapansin dahil sa nangyari kanina. Huh?"               Walang tugon. Nanatiling nakatuon ang atensyon ni Joen sa pinapanood nito. Talagang nagtatampo ang loko.               "Pasensya na. Hindi na `yon mauulit." Hindi pa rin siya nito pinapansin. "Uy, Joen, pansinin mo ako. Tatlong beses na akong humingi ng pasensya sa `yo kanina. Pang-apat na ito ngayon. Ay mali apat na beses na pala, pang-lima na ngayon," pagtatama niya sa sarili. "Hindi mo pa ba ako napapatawad? Grabe ka naman." Ang sabi niya sa malakas na boses.               Medyo naiirita na rin siya dito dahil mahirap rin palang please ang peste. Talagang pinapahirapan siya nito.               "Humihingi ka nga ng pasensya nanunumbat ka naman," sabi nito.               "Nakakinis ka naman kasi," pag-aaburido niya.               "Ikaw pa talaga ang may ganang mainis, huh. Ako lang dapat ang maiinis sa `tin na dalawa dahil sa ginawa mo. Alam mo naman na slight homo ako tapos papapasukin mo dito ang kaibigan mo at padidikitin sa `kin na parang linta. I so hate it, Vin. Mabuti na lang at nakapagtimpi ako dahil kung hindi baka nasapak ko na `yon."               "Pasensya ka na nga. Hindi na `yon mauulit. Bati na tayo. Mabait naman si Joanna. Ganoon lang iyon umasta pero mabait siya. Huwag mong isara ang pintuan sa kanya. Sinabi ko naman sa `yon a iba-iba ang mga bakla."               “Kahit na,” giit nito. “Hindi pa rin ako komportable sa kaibigan mo. Grabe kung makadikit, eh. Hawak pang hawak sa `kin. Nakakairita.”               "Wala ba kayong pakiramdam na dalawa?" Sabay silang napabaling ni Joen kay Lola Fe.               Nakatingin ito sa kanilang dalawa ni Joen at nakakunot ang noo. "Nanonood ako, hindi ba? Bakit ang ingay n'yong dalawa? Dito pa talaga kayo, sa harapan ko nag-uusap tungkol sa tampuhan n'yong dalawa. Nakakaistorbo kayo."               Pareho silang napayuko ni Joen. Parehong napahiya sa inasta nilang dalawa.               "Pasensya na po, lola," ani Joen.               "Pasensya na, `la," pagsunod niya.               "Bahala nga kayong dalawa dyan. Makasaing na nga lang ng bigas," anito saka sila iniwan.               Kinurot niya si Joen sa tagiliran.               "Aray! Ouch! Bakit mo `ko kinurot? Ang bayolente mo! Ikaw na nga ang may kasalanan sa `kin, ikaw pa ang ganang manakit."               "Ang arte mo kasi. Kanina pa ako humihingi ng pasensya sa `yo, hindi mo tinatanggap. Ang arte-arte mong lalaki ka."               "Kasalanan mo naman kung bakit ako ganito. Sinabi ko na sa `yo ang rason ko pero hindi mo pinansin.”               "Alam ko naman kung ano ang dahilan kaya nga ako humihingi ng pasensya. Pero maarte ka, eh. Ano ba ang gusto mong gawin ko para mawala `yang tampo mo?"               Nakuha niya ang buong atensyon ni Joen sa sinabi niya.               "Lahat kaya mong gawin?"               "Oo. Depende." Unsure na sagot niya.               "You're still unsure." Joen said.               "Sige na. Lahat para lang mawala `yang inis mo at tampo sa `kin," aniya.               Bwisit kasi! Bakit ba ganito na lang siya mag-alala sa pagtatampo ng lalaking ito? Parang hindi niya kaya na magtampo sa kanya nang matagal ang lalaking ito. Bwisit na puso niya!               Napalunok siya nang makita ang kaseryosohan sa mukha ni Joen.               "Sigurado ka?" He asked in low voice.               Tumango siya. "Si-sigurado ako."               "What if I asked you to kiss me. Will you do that?"             Saglit siyang natigilan. Hindi siya nakapag-isip.               "Ano, Vin?" untag sa kanya ni Joen.               "Anong klaseng halik? Depende sa klase ng halik."               Joen smiled triumphantly. "So, payag ka?"               "Yeah. Just to ease your annoyance to me."               Napausog siya nang lumapit si Joen palapit sa kanya.               "`Di ba straight ka? Hindi ba masisira ang paniniwala mo kung hahalikan mo ko? Baka ma-in-love na niyan sa `kin." sabi niya. He wanted to deprive him from kissing him. Gusto niyang mahalikan ng labi nito pero baka kasi hindi siya makapag-pigil kung magtagpo na ang labi nila.               "That tactic won't deprived me from kissing you, Vin. Wala namang ibang makakaalam sa gagawin natin. Tayo lang ang nandito sa sala. Busy si Lola Fe sa kusina."               Lumapit pa ito.               "Baka magkaroon ng lamat ang p*********i mo sa gagawin mo, Joen.Major turn off sa mga babaeng popormahan mo ang gagawin mo sa `kin." Hindi papatalong sabi niya rito.               "As I've told you. Hindi `yan uubra. I'll still kiss you. Tayo lang ang makakaalam ng gagawin natin. Pwera na lang kung may CCTV dito sa loob ng bahay n'yo," anito.               Sa kakalapit sa kanya ni Joen, nahulog siya sa sahig mula sa sofa. Mukhang iyon naman ang hinihintay na pagkakataon ni Joen. Bumaba rin ito at pumatong sa kanya. Para siyang bilanggo nito dahil nakatukod ang mga braso nito. Napapagitnaan siya.               Nang nagtaas siya ng paningin ay eksakto naman na sinakop ni Joen ang labi niya. He stiffined. Ngunit panandalian lamang ang paninigas na iyon nang maramdaman niya ang paggalaw ng labi ni Joen sa ibabaw ng labi niya. He kissed him with so much passion. It was gentle. Ang sarap nitong humalik. Ang lambot pa ng mapupulang labi nito.               Namalayan na lang niya na gumaganti na siya ng halik. He responded to his kisses with equal fervor. Parang wala na siyang pakialam kahit na makita sila ng lola niya. All important was his lips over his lips. The way it moved and the way he exchanged his kisses.             Para siyang lumilipad sa halikan na namamagitan sa kanila. Parang ayaw na niyang matapos iyon at namnamin hanggang sa maubusan sila ng hangin. It felt heaven.               Naputol lang ang halikan nila nang kapusin sila ng hangin. They both gasping for air. Nagkatitigan sila. bigla siyang tinubuan ng hiya.               Talagang nahiya ka pa, Vinnezer Ilagan. Pagkatapos ng mainit n'yong halik. Ang pagsingit ng mahaderang bahagi ng pagkatao niya.               Itinulak niya si Joen at lumayo siya rito. Tumayo siya at nagbigay ng ilang distansya sa pagitan nila.               Narinig niya ang mahinang pagtawa ni Joen. Tiningnan niya ito. Nakatayo na rin ito. "Talagang nahiya ka pa sa `kin. You don't need to, Vin. Pareho naman tayong nag-enjoy sa ginawa natin. Don't think too much about the kiss, mapapagod ka lang. Halik lang `yon. Just charged it to experience. Or better yet, if you think about it, isipin mo na privilige iyon."               "A-ang yabang mo," nauutal na sabi niya. "`Wag kang mag-alala. Hindi ko masyadong iisipin `yon." Ang nasabi na lang niya. Kahit alam niya sa sarili na laging iisipin ang naganap sa kanila.               The kiss.               "Dahil sa nangyari sa `tin bati na tayo."               "Mabuti naman," tanging sabi niya.               Tapos na ang halik at lahat-lahat pero hindi pa rin iyon nawawala sa sistema niya. Still it was playing in his mind. He was thinking of doing it again. With him. Pakiramdam niya ay addict na siya dahil hahanap-hanapin niya ang halik nito.               Nakakalungkot nga lang dahil hindi sila pareho nang nararamdaman ni Joen. Kung sa kanya malaking bagay ang namagitan sa kanilang halik dito balewala lang iyon.               Tinalikuran niya ito.               Tinawag siya nito. Huminto siya.               "Bakit ganyan ang reaksyon mo, Vin? Big deal ba sa `yo ang mahalikan?"               Hindi agad siya nakasagot. "Hi-hindi." Pagsisinungaling niya.               Hindi naman niya pwedeng sabihin dito na big deal iyon sa kanya dahil mapapahiya lang siya. Ayaw niyang mapahiya sa harap nito.               "Sigurado ka ba?"               Tumango siya. "Sige, Joen. Tutulungan ko lang si lola sa kusina," paalam niya dito.               "O-okay."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD