CHAPTER TEN

3786 Words
MAY panghihinayang sa puso ni Mack pagkatapos niyang iwanan si Vin.Bakit ba kasi nagpatalo siya sa pamimikon ni Joen kanina at ang labas tuloy parang nabalewala niya si Vin. Tinatanong siya nito kanina pero basta na lang niya ito tinalikuran. Nanghihinayang na nga, dinadagdagan pa iyon ng pagkabahala. Sa ginawa niya baka kung ano ang isipin ni Vin. Hindi pa nga siya nakakapalipad hangin turn off na agad ang ikinilos niya.                Bakit ba kasi hindi siya nag-isip? Bakit ba kasi pinairal niya ang inis kay Joen? Siguro dahil maliban sa pagkainis niya kay Joen ay nagseselos rin siya sa kaalaman na magkasama ang dalawa ng buong araw.               Maliban pa roon nababahala rin siya sa sinabi ni Nick at sa mga reaksyon ni Joen habang nasa bahay sila ng huli. Hindi niya akalain na magiging kaagaw niya ang pinsan kay Vin. Natatandaan pa niya ang sinabi ni Nick.               "When I'm into someone. I'll do everything just to get it.”               Nang sabihin ni Nick ang mga iyon ay damang-dama niya ang conviction nito. At kilala niya ang pinsan. Alam niya na gagawin nito ang lahat kapag natuon ang atensyon sa isang bagay.               Si Nick ang pinakamatindi niyang magiging karibal kay Vin. Hindi ito nalalayo sa kanya. Kahit na mas matanda siya dito ng isang taon nasa pareho silang estado. Kung ano ang meron siya meron din ito.               Ang isa pa si Joen. Kilala niya ang pinsan. Pinapakita ng aksyon nito ang pagiging possessive kay Vin. Bakit palagi nitong kasama si Vin? Bakit ganoon na lang nito bakuran si Vin? Bakit ang mga reaksyon nito kanina sa bahay ng mga ito ay iba patungkol sa mga sinabi ni Nick? Nawi-weirduhan siya sa ginagawa ng pinsan. Hindi mawala-wala ang mga katanungan sa isipan niya.               Idagdag pa na mataas pa rin ang lebel ng pagka-inis niya kay Joen. Panira ito ng diskarte. Niyaya niya si Vin na lumabas. Gumawa pa siya ng alibi na bibili sila ng mga gagamitin sa birthday part ni Danna para makasama lang ito. Gusto niyang masolo ito pero hindi iyon nangyari dahil sa kumag niyang pinsan.               Ayaw sana niyang pumayag na isama si Joen pero hindi na niya ginawa. Nagdesisyon na kasi si Vin na isama ito at dama niya na ayaw nitong magsolo silang dalawa.               Napabuntung-hininga siya.   Ngayon ang dapat niyang gawin ay ang mag-isip ng paraan para makabawi kay Vin. Gusto niyang makabawi sa kagaspangan ng ugali na ipinakita niya dito.               Nagdesisyon siyang bumili ng pagkain sa isang fastfood chain. Pagkatapos niyang makabili ay lumabas na siya ng mall. Dumiretso siya sa parking lot at agad na pumunta sa kotse niya.               Pupunta siya sa bahay ni Vin. Alas sais na ng gabi. Ilang oras rin pala siyang naglakad-lakad sa loob ng mall at naglaro sa Quantum. Sana pala mas inagahan niya ang pagpunta doon.               Malawak ang ngiti sa labi niya nang makasakay sa kanyang kotse. He was looking forward being with Vin again. Pinaandar niya iyon. Mabuti na lang at alam na niya ang bahay ni Vin. Anytime pwede siyang pumunta sa bahay nito at kung pwede ay doon na magpalipas ng gabi.               Ilang minuto lang ang inilaan ni Mack sa pagmamaneho ng kotse niya. Agad rin siyang nakarating sa bahay ni Vin. Ipinarada niya ang sasakyan sa hindi kalayuan. Bumaba siya at naglakad patungo sa tapat ng kulay kahel na gate. Nakailang katok siya bago buksan iyon ng isang matandang babae. Sa tantiya niya ay naglalaro sa pagitan ng sixty to sixty five ang edad nito.               "Good evening po," magalang na bati niya.               "Magandang gabi din," ganting bati nito. May pagtataka sa mukha. "Sino ka? Sino ang hinahanap mo?"               "Ako nga po pala si Mack," pakilala niya sa sarili. "Kaibigan po ako ni Vinnezer. Nandyan po ba siya?"               "Ganoon ba. Nandito siya. Kasama niya sa loob si Joen."               Bahagya siyang nagulat sa sinabi nito pero hindi niya iyon pinahalata. Hanggang ngayon nandito pa rin si Joen? Hindi siya makapaniwala. He really smell something fishy about Joen's action. Parang hindi na niya kilala ang pinsan. Ano ba talaga dito si Vin? Karibal rin niya ba ito?               Pilit siyang ngumiti. "Ganoon po ba. Pinsan ko po si Joen."               "Ay, ganoon ba. Kaya naman pala magkasing-gwapo kayo ng batang `yon," anito saka niluagan ang pagkakabukas ng gate. "Pasensya ka na sa `kin, hijo. Naninigurado lang kasi ako, alam mo naman ang mga nangyayari sa mga panahon ngayon."               "Wala pong kaso `yon sa `kin," aniya. Pumasok siya sa loob, siya na rin ang nagsara ng gate.               "Nasa sala ang apo ko. Hindi na kita maihahatid doon dahil nagsasaing ako. Feel at home na lang sa `yo. Hindi ka naman maliligaw dito sa bahay namin."               He just smile. Komportable siya sa matandang babae. Matanda na ito pero young at heart pa rin. Ang cool lang.               "Okay lang po," aniya.               "Sige. Puna ka na lang doon."               Iyon nga ang ginawa niya. Naglakad siya papunta sa sala. Habang patungo doon ay inilibot niya ang paningin sa paligid. May kaliitan ang bahay. Madarama sa aura ng bahay ang buhay katulad ng matingkad niyon na pintura.               Dahan-dahan siyang pumasok sa pintuan ng sala. Alam niyang sala na iyon dahil sa ingay na naririnig niya mula sa ingay ng telebisyon. Ngumiti siya at handa na sanang batiin ang dalawa pero hindi niya nakita ang mga ito. Lumapit siya sa single seater sofa at mula doon ay nakita niya ang hindi dapat makita. Nawala ang ngiti sa labi niya.               Nasa sahig ang dalawa. Nakapatong si Joen kay Vin at magkalapat ang mga labi.               He tasted something bitter in his mouth. Next to it was pain in his heart and then jealousy strike.               Wala naman siyang karapatan na magselos pero hindi niya maiwasan.               Kinumpirma ng kanyang nakita kung ano ba si Vin kay Joen. Karibal niya rin ito. At mukhang isa ito sa magiging mahigpit niyang katunggali sa puso ni Vin sunod kay Nick. Ang mga pinsan pa niya talaga.               Hindi na niya inistorbo pa ang dalawa. Nagdesisyon siyang umalis sa sala at bumalik sa kusina. Naabutan niya doon ang lola ni Vin.               "Nakita mo ba `yong dalawa?" Usisa nito.               "Hindi po," pagsisinungaling niya. "May kukunin lang po ako sa kotse ko," aniya.               Tumango ito. "Sige."               Habang papunta sa nakaparada niyang sasakyan, paulit-ulit na naglalaro sa isipan niya ang nakita. He clenched his fist. Hindi naman dapat siya makadama ng galit kay Joen pero hindi niya maiwasan. Sobra siyang nagseselos. Dapat ay gumawa siya ng paraan para mailayo ito kay Vin.               The more na magkasama ang dalawa ay baka mahulog dito si Vin.               At si Joen. Mukhang malalim na rin ang nararamdaman nito kay Vin.               Dahil kung hindi ay walang mamagitan na halik sa dalawa.               Friends don't kiss, right? Specially two guys. PAKIRAMDAM ni Nick lumilipad siya sa alapaap. Masaya siya sa nangyari sa kanya, sa kanila ni Vin ngayong araw. Habang nasa bahay siya kanina nina Joen sobrang panghihinayang ang nadama niya nang hindi na niya makita si Vin sa dining room pagkatapos siyang kausapin ni Tito Enrico. Nalaman na lang niya kay Aling Mercy na umalis na ito at inihatid ng pinsan niya. Nagpasya na lang sila ni Mack na umalis na rin. Pagkarating niya sa kanilang bahay dumiretso siya sa kanyang kwarto. Nagmuni-muni at binalikan sa kanyang alaala ang mga reaksyon ni Vin sa biro niya. Hindi siya nagsisisi sa pagsisinungaling niya dahil nasolo niya si Vin ngunit ang kinalabasan naman ay naasar ito sa kanya at sinipa pa siya sa binti.               Nang ma-boring sa kanyang kwarto, nagdesisyon siyang lumabas ng bahay at nagtungo sa mall para maghanap ng libro na pwedeng mabasa. Habang nasa loob siya ng bilihan ng libro si Vin pa rin ang nasa isip niya. Noong interview nila nasabi nito na mahilig rin itong magbasa ng libro. Iyon nga lang ay romance ang genre na kadalasan nitong binabasa. Mahilig itong magbasa ng pocketbook.               Sa kaabalahan niya sa paghahanap ng libro hindi napansin na may kasalubong siya. Nabangga niya iyon. At laking tuwa niya nang makita kung sino ang nabangga niya. Si Vin. Sino ang mag-aakala na ang taong nasa isipan lang niya ay makikita niya sa loob ng store at nakatayo na sa harapan niya.               Kaya hindi na siya nagpaligoy-ligoy pa. Niyaya niya itong kumain at agad naman itong pumayag. Nauwi sila sa mga kainan sa gilid ng school at kumain ng kwek-kwek, calamares at banana cue. They ate with so much gusto. Nagkaroon pa siya ng pagkakataon na masubuan si Vin sa tulong ng tindero na walang kaide-ideya kung ano ang pagkatao nila pero malaki ang pasasalamat niya dito dahil sa sinabi nito.               At sa tindahan ng stuffed toys.               Maluwang ang naging ngiti niya. Kung hindi lang siya nagmamaneho baka tumingala na siya at parang baliw na magde-daydream. Mas tumaas pa ang paglipad niya dahil doon nahalikan niya si Vin sa pisngi at nahawakan ang malambot nitong kamay. Hindi lang isang beses niya itong nahalikan kundi dalawa. At ang pangalawa ay sa parking lot.               Okay na sana ang moment nilang dalawa ni Vin. Naka-iskor na siya rito at nasabi na niya na may gusto siya sa lalaki at liligawan niya ito kung hindi lang sumingit ang asungot niyang pinsan na si Joen. Panira ito ng moment. At talagang nabwisit siya sa mga sinabi nito. Kung hindi nga lang siya nakapag-pigil at sinaway ni Vin ay baka nasuntok na niya ito.               Medyo naguluhan rin siya sa sinabi ng pinsan dahil tila may pinaghuhugutan iyon. Tunog nagseselos ito.               Natigilan siya nang may maisip. Nawala ang ngiti sa labi niya. Hindi kaya may gusto rin si Joen kay Vin kaya ganoon na lang ang reaksyon nito? But he easily ignored the idea. It was stupid. Imposible iyon. Kilala niya ang pinsan, sa pagiging babaero nito hindi ito papatol sa mga binabae. Lalaking-lalaki si Joen. Natatawa nga siya dahil may gana itong pagsabihan siya samantalang ito ang madalas na magpa-iyak ng mga babae. Naunahan nga lang siya ng inis dahil sa mga sinabi nito sa kanya sa harapan pa ni Vin.                 Sa ngayon ay hindi na muna niya iisipin ang mga actions ni Joen. Ang mahalaga ay ang nangyari sa pagitan nila ni Vin.               Nasubuan niya ito.               Sa pagkain nila sa gilid para na rin silang nag-date.               Nahalikan niya ito ng dalawang beses.               Nahawakan niya ang kamay nito.               At nasabi niya dito na gusto niya ito at liligawan niya.               Sapat na sa kanya ang mga iyon, sa ngayon. Ang reaksyon ni Vin ay sapat na rin dahil alam niyang nabigla ito sa biglaan niyang pagtatapat. Maghihintay siya kung kailan siya papayagan nito na ligawan ito. Pero hindi ibig sabihin niyon ay hihinto siya sa pagpaparamdam dito.               Tumingin siya sa labas ng bintana. Nasa street na pala siya nang hindi niya namamalayan. Masyado siyang na-engross sa pag-iisip.               Inihinto niya ang kotse sa labas ng bahay nila nang makarating siya doon. Wala pa siyang balak ipasok iyon dahil may pupuntahan pa siya. His mother called him earlier for some important matter. Hindi naman niya alam kung ano ang matter na iyon. Basta ay pinapauwi siya nito.               Nang makapasok siya sa sala ng bahay nila ay bahagya siyang nagulat sa nakitang lalaki na nakaupo doon. Pamilyar ito sa kanya. Saglit siyang nag-isip. Tila may bumbilyang umilaw sa utak niya nang maalala kung saan ito nakita. Ito ang lalaki na nakausap niya sa loob ng men's comfort room sa agency ng tita niya. Anong ginagawa nito sa bahay nila?               Nang makita siya ng lalaki ay tumayo ito at lumuwang ang pagkakangiti. Pamilyar sa kanya ang ngiti nito. Parang may kahawig rin ito pero hindi niya maalala kung sino. Sa tantiya niya ay naglalaro sa pagitan ng thirty at thirty three ang edad nito.               "Bakit nandito po kayo?"               Ngumiti lang ito.               "Sino ang pakay mo dito sa `min?" Tanong niya.               "Your mother," sagot nito. "`Di ba sinabi ko naman sa `yo na kilala ko ang mama mo. Hindi ka kasi naniwala sa `kin," sabi nito.               Of course. He still remember that. N'ung nasa CR siya ay ito ang nag-approach sa kanya at sinabihan siya na ang laki na niya. His first reaction was shocked. Hindi niya ito kilala at hindi nagpakilala sa kanya. Hindi niya ito pinansin at nagpatuloy lang sa pagsasalita. Marami itong sinabi pero iilan lang ang natatandaan niya. At iyon ang mga sumusunod :               "Lumaki ka na napakagwapong bata."               "Kumusta na ang mga pinsan mo?"               "I'm a family friend. Kaso ay matagal na akong hindi nagpapakita sa pamilya mo."               "How's your parents? Si Kuya Ric, kumusta na?"               "You know what, halos kasing-edad mo ang kapatid kong dalawa, ang kaso ay hindi ko sila kasama."               Bago pa may masabi ang lalaking sa harapan niya ay umalis na siya at iyon nga ay nakuha niya ang pitaka ni Vin.               "Now I believe you," he said. "What's your name, mister?"               "Stop calling me mister, Nicollo. I'm just thirty years old, call me 'kuya'. I'm Arkin by the way."               "Nice meeting you. Ano ang kailangan mo kay mama?"               "Nasabi ko na sa kanya ang kailangan ko, Nicollo. Sa ngayon ikaw na ang kailangan ko."               "Ako?" biglang tanong niya. "Ano naman ang kailangan mo sa `kin?"               "Can we sit first. Masyadong mahaba ang kailangan ko sa `yo at mapapagod tayo kung tatayo tayo habang nag-uusap."               Sumang-ayon siya sa paanyaya nito. Umupo siya sa single seater sofa habang ito naman ay pumwesto sa dati nitong kinauupuan kanina.               "Anong pakay mo sa `kin, Kuya.” Okay lang sa kanya na tawagin itong 'kuya' dahil wala siyang kuya. Maliban doon ay komportable rin siya dito kahit na naasar siya dito noong una.               Nagsimula itong sabihin sa kanya ang pakay nito. Pagkagulat ang unang reaksyon niya sa nalaman. Pero napangiti rin siya. Mukhang may malaki talaga siyang parte sa pagkatao ng taong may malaking puwang sa kanyang puso. Panghahawakan niya iyon at susundin niya ang gustong ipagawa ni Kuya Arkin sa kanya.               "Wala kang pagsasabihan ng ipapagawa ko sa `yo. Sa pagitan lang natin ito."               Tumango siya. "Makakaasa kayo. Sa atin lang ito." SA halip na magtungo sa kusina gaya ng sinabi ni Vin kay Joen ay hindi niya ginawa. Nagtungo siya sa kanyang kwarto at nagkulong doon. I-ni-lock niya rin iyon para makasiguirado siya. Baka kasi sundan siya ni Joen at mahirap na.               Until now he was blown away with the kiss that he and Joen shared. Hindi siya makapaniwalang mangyayari iyon sa pagitan nila. Ang halik ay patuloy na naglalaro sa isipan niya. Ang kanyang reaksyon at ang gawi ng pagganti niya doon. Inaamin niyang nasarapan siya sa halik, dahil kung hindi ay hindi naman siya gaganti.                Kung sana ay pareho sila ni Joen ng pagpapahalaga sa halik na iyon kaso ay hindi. For him the kiss was something. It was his first kiss and he enjoyed every moment of it. Joen's lips was soft, the way he kiss him was gentle but he felt passion on it. Kung magkadikit lang ang katawan niya ay tiyak niyang madarama nito ang epekto niyon sa ibabang bahagi ng katawan niya.               But for Joen it was nothing. Para dito ay simpleng pagdidikit lang iyon ng labi. Walang halong emosyon o pagmamahal man lang. Siguro, may pagmamahal din pero para sa kaibigan lang. Ang mga emosyon na nadama niya sa halik nito ay balewala lamang para dito. Masakit, oo, pero kailangan niyang tiisin iyon. Ang dating para sa kanya parang eksperimento lang iyon. Hindi man sinabi ni Joen nang haragan, iyon ang nararamdaman niya.                But friends don't kiss, right?               Pero bakit nga ba nangyari sa kanila ang halik? Ano ba ang totoong dahilan niyon? Bakit sa dami-dami ng pwedeng ipagawa ni Joen sa kanya ay iyon ang ginawa nito?               Naguguluhan na talaga siya.               Ngayon na nangyari na ang nangyari, ano ang dapat niyang gawin? Alam niya na pagkatapos nang nangyari ay maiilang na siya kay Joen. Paano niya ito pakikitunguhan? Kung sana ay walang kahulugan sa kanya ang halik ay ayos lang. Alam niya na sa tuwing makikita niya si Joen ay maaalala niya ang halik.               Bumuntung-hininga siya.               Ang pinakamabisang paraan para hindi na maulit iyon at hindi niya maalala ang halik ay ang lumayo kay Joen. Dapat ay maglagay siya ng distansya sa pagitan nila. Pagkatapos nito agad niya iyong sasabihin kay Joen. Ayaw man pumayag ng buong kalooban niya, kailangan niyang gawin iyon. Kahit na komportable na siya na nasa paligid ito kailangan niya munang lumayo rito. Iiwas siya sa hindi nito mahahalatang paraan Hindi naman permanente gagawin niyang paglayo. Kailangan muna niyang mag-isip ng ilang araw. Pagkatapos niyang makapag-isip nang matino ay baka maging komportable ulit sila sa isa't-isa. Dapat ay huwag niyang masyadong alalahanin iyon.               Humarap siya sa may kalakihang salamin na nasa kwarto niya. Tinitigan niya ang repleksyon doon. Ilang minuto na ang nakakalipas mula nang nangyari ang halik ngunit namumula pa rin ang mukha niya. Pakiramdam niya ay namamaga ang kanyang labi dahil doon.               Napailing siya.               Kasasabi pa lang niya sa sarili na dapat niyang kalimutan ang halik pero heto siya. Inaalala na naman ang nangyari. Talagang malala na siya. Malubha na ang tama niya.               Nagdesisyon siyang lumabas ng kwarto. Nagtungo siya sa kusina. Nagulat siya nang makita si Mack doon. Nakaupo sa isang upuan. Bigla siyang nangamba. Baka nakita nito ang nangyari.               Stop being paranoid, Vin. Kung nakita man ni Mack ang halikan niyo ni Joen. Eh, ano naman?     Wala kang dapat ikatakot o ikapangamba. Pwera na lang kung may gusto ka kay Mack.               Natigilan siya. May gusto kay Mack? Imposible iyon dahil iba ang tinitibok ng puso. Para lang iyon kay Joen. Bakit ganito? Bakit siya nagkakaroon ng confusion ngayon? Ano ba ang nangyayari sa kanya? Nagiging salawahan siya.               Inaamin niya na attracted siya kay Mack nang una niyang makita ito. Pero ang nararamdaman niya kay Joen ay mas matindi sa nararamdaman niyang atraksyon dito. May pinanggalingan ang nararamdaman niya kay Joen. Tila matagal na sila nitong magkakilala at may kung anong bagay ang kumokonekta sa kanila. Kaya nga kumportable sila sa isa't-isa.               Siguro kaya siya nangangamba dahil nag-aalala siya sa posibleng isipin ni Mack kay Joen. Alam niyang magpinsan ang dalawa pero hindi niya hawak ang isipan ni Mack. Tama, nag-aalala siya para sa kapakanan ni Joen at hindi dahil sa may nararamdaman siya kay Mack.               Nang matimbang ang sarili ay lumapit siya kay Mack at pilit itong nginitian.               "Nandito ka pala, Mack. Kanina ka pa ba dito?"               "Kanina pa," matipid nitong sabi. Napansin niya ang lungkot sa mukha nito.               "May problema ka ba, Mack?" usisa niya.               Hindi pa ito nakakasagot umeksena na ang lola niya.               "Kanina pa `yan dito, apo. Pinapunta ko nga sa sala kaso ang sabi sa `kin hindi daw niya makita, kaya iyan bumalik na lang dito," anang lola niya.               "Ganoon ba, `la," sabi niya.               "Oo," sagot nito saka sila iniwanan.               Muling bumangon ang pangamba sa puso niya. Kung kanina pa ito sa bahay baka may nakita nga ito. Siguro ay hindi nila napansin ni Joen dahil sa abala sila sa kanilang ginagawa.               "Masyado kang tense Vin," sabi ni Mack.               Gulat siyang napatingin dito. Ganoon ba siya kahalata?               "Ba-bakit naman ako ma-te-tense?"               Nagkibit ito ng balikat. "Ewan ko sa `yo. Baka may nangyari sa `yo na hindi dapat." May kahulugan na sabi nito.               "A-ano naman? Gutom lang siguro ako kaya ganito." Pag-iwas niya. "Bakit ka pala nandito? Gabi na, ah."               "Bawal ba? Si Joen nga nandito pa. Masama bang dumalaw, Vin?"               "Hi-hindi naman pero para kang manliligaw sa ginagawa mo." Pagpapatawa niya na hindi naman nito kinagat.               Sa halip ay malalim itong napabuntung-hininga.               "Sorry for being sarcastic, Vin. I just can't help it. May inaalala lang kasi ako," anito. "Before I forgot, I'm here to say sorry on what happened at the mall. Pasensya ka na sa inasal ko kanina. Masama lang ang pakiramdam ko at nainis ako kay Joen kanina."               "Okay lang `yon, wala ng kaso sa `kin ang nangyari. Dapat nga ay humingi rin ako ng pasensya sa `yo. Dapat hindi ako pumayag na sumama sa `kin si Joen dahil ako lang naman ang niyaya mo. Bakit ka ba naiinis kay Joen?"               "For personal matter," sagot nito. Hindi na nagbigay ng elaboration. "Para pala sa `yo `to," anito, sabay abot sa kanya ng paper bag na may tatak ng isang fastfood chain. Inabot niya iyon. "That's my peace offering.Salamat dahil wala na ang nangyari sa `yo pero gusto ko pa rin bumawi sa `yo. Kung yayayain ba kita na muling mamasyal sasama ka pa rin sa `kin pagkatapos ng nangyari kanina?"               "Oo naman. Katulad nga ng sinabi ko sa `yo, wala na sa `kin `yon. Hindi mo na kailangan na gawin iyon."               Ngumiti si Mack. "I still insist. Pwede ba kitang yayain na lumabas ulit, Vin?"               "Pwedeng-pwede," aniya. "Pero gusto ko lang malaman kung bakit ganoon ka na lang ka-eager na gusto akong makasama sa labas?"               "Didiretsuhin na kita, Vin. Because I like you. Kaya ako nainis kay Joen dahil palagi mo siyang kasama. Nagseselos ako kapag nakikita ko siyang nakadikit sa `yo."               Hindi siya nakapagsalita sa sinabi nito. Gaya ng reaksyon niya sa confession ni Nick kani-kanina lang ay nagulat rin siya. Tiningnan lang niya ito.               "Alam kong hindi mo inaasahan ito pero kailangan ko ng gawin. I'm very jealous and I couldn't stand seeing you with him. Kahit nga kay Nick ayaw kong dumikit ka. I know that I'm being unreasonable but I couldn't help it. Kaya nga ako bahagyang nasaktan sa reaksyon mo kaninang tawagan kita, nang yayain kitang lumabas. The truth is alibi ko lang `yong bibili tayo ng mga gagamitin sa birthday party ni Danna. Gusto ko lang talaga na makasama ka pero iyon nga ang nangyari. Umeksena si Joen."                           Nakakagulat! Hindi niya alam kung ano ang sasabihin sa mga sinabi nito.  Hindi niya alam kung ano ba dapat na maging reaksyon. Dapat ba siyang matuwa sa sinabi nito? Dalawang lalaki ang nagsabi sa kanya na gusto siya at magpinsan pa.               Narinig niya ang paghungot ng malalim na buntunghininga ni Mack.               "I respect your silence, Vin. Sa ngayon ay hindi muna ako magtatanong ng kung ano-ano sa `yo. Let's change the topic. Nasaan na pala si Joen?" Pag-iiba nito ng topic. Iyon nga lang ay out of the blue ang pagtatanong nito ng tungkol kay Joen. Malay ba niya kung saan ito ngayon. Basta ang alam niya ay nasa sala ito. Doon niya iniwanan si Joen.               "Nasa sala `ata," unsure na sagot niya.               "Akala ko magkasama kayo? Bakit unsure ka?"               Hindi pa siya nakakasagot ay sumingit na si Joen. "I'm here," anito.               Pareho silang napatingin ni Mack dito. Nang magkasalubong ang tingin nila agad siyang nag-iwas ng tingin. Hindi niya kayang tingnan muna ito sa mukha. Nahihiya siya. At bumabalik sa alaala niya ang nangyari kanina lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD