CHAPTER ELEVEN

3529 Words
  “I’M here,” sabi ni Joen nang marinig ang tanong ni Mack kay Vin. Kanina pa siya nagtatago sa likuran ng pinto habang nag-uusap ang mga ito. Narinig niya ang lahat ng mga sinabi ni Mack kay Vin. Nakadama siya ng selos at inggit sa mga sinabi nito. Mabuti pa ito ay pwedeng sabihin ang totoong nararamdaman nito kay Vin. Samantalang siya ay hindi pa niya kaya. Hindi naman siya takot pero tila may bumubulong sa kanya na hindi pa iyon ang tamang panahon para sabihin kay Vin ang totoo niyang nararamdaman. Sinusunod niya ang intuition na `yon. May tamang oras para sa pag-amin niya.               Ngunit ang halik na nangyari sa pagitan nila ang magsisilbing lamat sa samahan nila. Hindi pa nga siya umaamin may nagawa na agad siyang bagay na posibleng sumira sa pagkakaibigan na binuo niya, nila.               Hindi niya pinagsisisihan ang ginawa dahil ginusto niya iyon. Mula nang mahalikan niya si Vin sa loob ng kwarto niya laging sumasagi sa isipan niya na muling mahalikan ang mapupulang labi nito. Masaya siya, oo, ngunit hindi niya maiwasan ang mangamba sa posibleng mangyari. Base sa reaksyon na nakita niya kay Vin mukhang may magbabago talaga sa pagitan nila. Mukhang magiging mitsa ang halik ng paglayo nito sa kanya.              Imbes na umupo siya sa upuan na nasa tabi nito gaya ng una niyang naisip hindi niya ginawa. Pinili niyang umupo sa upuan na may kalayuan dito. Hindi rin siya matingnan ni Vin. Ang sabi nito walang kaso iyon dito, hindi big deal, pero iba ang ipinapakita nito.               Kung iba siguro, tiyak niyang magtititili dahil nahalikan niya. Pero iba si Vin. Nirerespeto nito ang sarili.               "Kanina ka pa ba dito, Mack?" pag-uusisa niya sa pinsan.               Sinalubong niya ang matalim nitong tingin. Nakikita rin niya doon ang selos. Pagseselos? Nakita ba nito ang nangyari sa pagitan nila ni Vin? Tiyak niya na alam na nito ang kanyang sikreto kung nakita nito ang nangyari. Hindi bobo ang pinsan niya. He knew that his cousin would easily figure things out.               "Yeah. Kanina pa ako dito. Enough for me to see things." Makahulugang sabi nito.               Bumaling siya kay Vin. Nakita niya ang pagkabahala sa mukha nito.               Pareho silang bumaling kay Mack nang tumawa ito.               "Bakit ba ang seryoso niyong dalawa? May nangyari ba sa pagitan niyo na hindi dapat may mangyari? May namagitan ba na hindi dapat?" Sarkastikong sabi nito               Kahit na sarkastiko iyon ay malinaw na narinig niya ang pagseselos doon. Kumpirmado na niya. Nakita ni Mack ang nangyaring halikan sa kanila ni Vin. Imbes na mabahala natuwa pa siya. Kahit hindi niya punahin, nakikita niyang itinuturing siya ng pinsan na 'threat' at 'karibal' kay Vin. Well, he ready to fight.               Tahimik. Walang nagsalita sa kanilang tatlo. Natigil lamang ang katahimikan na iyon nang pumasok si Lola Fe.               "Bakit ang tahimik niyong tatlo? Parang may dumaan na anghel dito. May problema ba kayo?" Tanong nito. Wala sa kanilang nagsalita. "Mukhang wala kayong balak sabihin sa `kin, kumain na nga lang tayo."               Nakikiramdam si Joen habang kumakain sila. Dama niya ang animosidad sa kanya ni Mack samantalang pagkagiliw kay Vin at Lola Fe. Nag-uusap si Vin at Mack na tila may sariling mundo. Kung wala si Lola Fe baka napanis na ang laway niya. Tuwing sisingit siya sa usapan ng dalawa walang tugon ang mga ito. Total out of place ang drama niya.               Sa kanyang isipan, naglalaro ang isang bagay, mukhang ito ang dapat niyang bayaran sa ginawa niya. Ang paglayo ni Vin sa kanya.     DAHIL sa nangyari sa pagitan nilang dalawa ni Joen nagdesisyon si Vin na pansamantalang lumayo muna sa lalaki. Hindi niya sinasagot ang tawag nito at kapag pumupunta sa bahay nila ay hindi niya masyadong pinapansin. Tuwing makikita kasi niya ito patuloy niyang maaalala ang halik.               Ilang gabi na rin siyang hindi pinapatulog ng halik. Ang masama pa hinahanap-hanap niya ang halik. Gusto niyang mangyari ulit iyon sa kanila kaya gusto niya talagang magkaroon ng distansya sa pagitan nila. Nag-aalala kasi siya na baka kapag naulit ang nangyari ay humantong iyon at sumobra pa kaysa sa inaasahan niya.               Napahikab siya. Dahil sa halik ay hindi siya nakatulog ng maayos. Pagtingin niya sa salamin ay nakita niya ang eyebags niya. Hindi niya alam kung mapapansin ba iyon ng lola niya pero bahala na.               Lumabas siya ng kanyang kwarto. Imbes na ang lola niya ang makita ay hindi. Si Joen agad ang napansin niya. Hindi niya ito pinansin. Umupo siya sa upuan na nasa harap ng upuan nito. Hindi siya nag-abala pang batiin ito gaya ng nakasanayan niya.                 Kapag hindi ito nakatingin sa kanya ay tinitingnan niya ito. Joen look fresh. Kung titingnan ito ay tila hindi iniinda ang halik na namagitan sa kanila. Wala man lang siyang nababakas na pag-aalala sa mukha nito. Hindi katulad niya. Napadako ang kanyang paningin sa labi nito. Napalunok siya nang maalala na naman ang halik. Talagang malala na siya. Hulog na hulog na nga siya dito, ngayon ay namamanyak na siya sa labi nito. Grabe talaga ang epekto ng lalaking ito sa kanya.               Nang tumingin ito sa kanya ay agad siyang nag-iwas ng tingin. Nagkunwari siyang kinuha ang kutsara at naglagay ng kanin sa plato niya.               "Vin, okay ka lang ba talaga?" tanong ni Joen sa kanya.               Hindi siya umimik. Hindi niya ito pinansin.               "Ang sabi mo hindi sa `yo big deal ang mahalikan. Pero, bakit ganito ang pakikitungo mo sa `kin? Magkaibigan tayo, `di ba? Matitiis mo ba na hindi ako kausapin."               "Nasaan si lola?" tanong niya sa halip na sagutin ang tanong nito.               "May pinuntahan," tipid nitong sagot. "Siyanga pala, ako ang nagluto ng mga `yan," anito na ang tinutukoy ay ang pagkain nila. Sinangag at dried fish iyon. May sawsawan din na suka na nilagyan ng bawang at sili.               "Talaga," aniya. Hindi rin niya matiis na hindi ito kausapin. "May talent ka pala sa pagluluto."               Tumingin siya dito. Napangiti ito nang maluwang.               Bumuntung-hininga naman siya.               "Nagsinungaling ako sa `yo Joen. Big deal sa `kin ang mahalikan. Alam kong hindi naman dapat dahil hindi naman ako babae pero hindi ko maiwasan, eh. Magkaibigan tayo pero naghalikan tayo. Meron ba n'un?"               "Dapat sinabi mo sa `kin ang totoo. Hindi naman ako nagsisisi sa ginawa ko. Sa katunayan, habang nakikita kita ngayon, iniisip kong mahalikan ulit ang mga labi mo."               Nagulat siya sa sinabi nito. In any chance, may gusto rin ba ito sa kanya? Pareho ba sila ng nararamdaman? Pero kung ganoon nga ang mangyayari ay hindi naman pwede. Hindi siya nararapat dito. Alanganin na nga siya, hindi pa buo. Marami ang naglalarong katanungan sa utak niya. Idagdag pa ang mga pangyayari sa buhay niya na hindi dapat nangyari sa katulad niya.               "A-anong sabi mo?"               Sasagot na sana ito nang bigla namang pumasok ang lola niya sa dining area. Pareho silang natahimik. Nagsimula silang kumain. Wala sa kanilang nag-imikan. Kahit hindi siya sanay sa katahimikan na iyon ay nagtiyaga siya. Naiilang pa rin siya kay Joen nang kaunti at naglalaro sa loob ng isipan niya ang sinabi nito. Narinig niya iyon ng mabuti pero gusto niyang ipaulit dito.               "Pumunta ka sa palengke pagkatapos nating kumain, Vin," anang lola niya. Ito ang bumasag sa katahimikan nila.               Tumingin siya rito. Hindi niya alam kung napapansin ba nito ang pakikitungo nila ni Joen sa isa't-isa. Siguro, kung napapansin man nito iyon sinarili na lamang nito iyon.               "Sige po, `la."               "Marami akong ipagbibili sa `yo. Tutal nandito naman si Joen, magpasama ka na sa kanya. Magkaroon lamang ng silbi ang kakisigan niya. Marunong din pala `to sa kusina. May pakinabang talaga." Sabi ng lola niya.               Tipid siyang napangiti sa sinabi nito. Lumawak naman ang pagkakangiti ni Joen. Kapag pinupuri talaga ito lalong yumayabang.               "Hindi na kailangan, `la. Kaya ko na pong mag-isa."               "Bakit?" Biglang tanong ng lola niya.               Napansin niya ang pagkawala ng ngiti sa labi ni Joen.               "Kahit na marami po ang bibilhin kaya ko na mag-isa `yon. Marami po akong ka-vibes na tricycle driver sa palengke."               "Ikaw ang bahala," ani lola niya.               "Hindi rin naman po ako makakasama kay Vin, Lola Fe. Pagkatapos po nating kumain aalis na rin ako. May pupuntahan pa po pala ako." Ang sabi ni Joen.               "Ganoon ba. Ang sabi mo sa `kin kanina dito ka sa bahay tatambay buong maghapon."               "Change of plan po," tipid na sagot ni Joen saka tumingin sa kanya.               Nagtama ang paningin nila. Nakita niya ang lungkot sa mata nito at pagtatanong. Hindi niya kayang makita ito ng ganoon. Siya ang unang nag-iwas ng tingin.               "Ikaw ang bahala," anang lola niya.               Natapos ang agahan. Imbes na manatili sa kusina gaya ng nakasanayan niya para siya na ang maghugas hindi niya ginawa. Si Joen na kasi ang nagprisinta na maghugas.                Dumiretso siya sa kanyang kwarto para magpalit ng damit. Habang nasa loob ng kwarto iniisip niya kung tama ba ang gagawin niyang pag-iwas kay Joen. Kahit na sinasabi ng bahagi ng utak niya na hindi iyon tama dahil dapat ay walang kaso ang halik na nangyari sa kanila.               It's just a kiss. Hindi mo dapat binibigyan ng malalim na kahulugan ang nangyari sa inyo ni Joen. Ikaw rin ang masasaktan sa gagawin mong pag-iwas sa kanya. Sa ginagawa mo talagang may magbabago sa pagitan ninyong dalawa. And I'm assuring that to you.                Kung iyon ang magiging consequence ng action ko, okay lang sa `kin. Kailangan ko lang mag-isip. Kailangang magkaroon ng distansya sa pagitan namin hanggang sa mawala ang nararamdaman kong pagkailang sa kanya.               Kumuha siya ng damit sa drawer niya. Hinubad niya ang suot na damit. Hindi pa niya naisusuot ang itim na t-shirt niya nang makarinig siya ng sunod-sunod na katok.               "Sino `yan?" tanong niya. Naninigurado siya na ang lola niya ang tao sa labas. Mahirap na kung si Joen iyon.               "Ang lola mo `to," anang lola niya. Inilapag niya ang t-shirt sa kama.               Nagtungo siya sa pintuan at binuksan iyon.               Sa halip na ang lola niya ang tumambad si Joen ang tumambad sa kanya. Isasara sana niya ang pintuan dahil sa kalagayan niya ngunit agad na naiharang ni Joen ang katawan nito. Pumasok ito sa kwarto niya kahit walang paanyaya. Ito na rin ang nagsara ng  pintuan.               "Ta-tapos ka na ba maghugas?" Kinakabahan niyang tanong.               "Kanina pa," anito. "Kailangan nating mag-usap, Vin."               "Ano naman ang pag-uusapan natin?"               "Stop the feign, Vin. We need to talk about us. About you and me and our actions towards each other. Tell me honestly Vin. Bakit ba big deal sa `yo ang halik? May nararamdaman ka ba sa `kin. Gusto mo ba ako ng higit pa sa kaibigan? Are you falling in love with me?"             Kinalma niya ang sarili sa sunod-sunod na katanungan ni Joen. Nag-ipon siya ng  lakas ng loob para masagot ang mga katanungan nito ng walang pag-aalinlangan. Ngunit atulad nga ng sinabi niya kanina sa sarili, hinding-hindi siya aamin sa nararamdaman niya para rito.               "Wala." Taas-noong sagot niya. "Iniisip ko lang na hindi dapat mangyari ang halik sa `tin dahil magkaibigan tayo. Friend's don't kiss, right? Lalo na at pareho pa tayong lalaki. Kahit na ganito ako gusto kong irespeto ang sarili ko. Oo, gumanti ako sa halik mo dahil nagustuhan ko `yon. You are a good kisser, Joen. Aaminin ko sa `yo na katulad ng sinabi mo kanina gusto ko ring mangyari ulit sa `tin `yon pero natatakot ako na baka lumampas tayo at mangyari ang hindi dapat mangyari. I respect you as a friend at ayokong magkaroon ng lamat ang pagkakaibigan natin. Kaya kung pwede lang, bigyan mo ako ng panahon para mag-isip. Magkaibigan pa rin naman tayo pero kailangan ko lang gumawa ng distansya sa pagitan natin, natatakot ako. `Wag muna tayong magkita hanggang sa maging okay ang lahat at hindi ko na `yon maisip."               Bumuntung-hininga ito. "Okay, I respect your decision. Siguro tama ka nga. Kailangan muna kitang bigyan ng oras para makapa-isip. Tama ka rin. Friends don't kiss. I'm sorry but I'm not sorry. Hindi muna ako magpapakita sa `yo. Kung okay na ka na at hindi mo na maaalala ang halik, tawagan mo ako." Ngumiti ito. May pait nga lang. "Bye for now, Vin."               Pagkasabi nito lumabas na ito ng kwarto niya. Sinundan na lamang niya ito ng tingin. May bahagi ng pagkatao niya ang nagsasabing pigilan ito pero pinatibay niya ang kagustuhan na makapag-isip at makalimutan ang nangyari. Magkaibigan pa rin naman sila. Kailangan niyang gawin ito para bumalik ang dati nilang samahan.     KUNG may dapat mang sisihin sa nangyari sa pagitan nilang dalawa si Joen iyon. Sabihin man niya na walang kaso ang halik sa kanya nababahala siya. Kailangan niyang magsinungaling sa totoong nararamdaman dahil hindi pa siya handa na umamin kay Vin. For him, the kiss was something. Masaya siya na marinig mula kay Vin na gusto ulit nito na mangyari sa kanila iyon. Pero nalungkot at nabahala siya sa kagustuhan nito na pansamantala siyang lumayo rito para makapag-isip ito. Ayaw man niya sa ideyang iyon ay pumayag na lang siya. Siguro, iyon nga ang makakabuti para sa kanilang dalawa para bumalik ang dati nilang samahan.               Hindi siya nagsisisi sa nangyari dahil ginusto niya iyon. Ang epekto ng halik ay sadyang malubha sa parte niya. Kung hindi lang nakatukod ang mga kamay niya at magkadikit sila ni Vin, sigurado siya na mararamdaman nito ang epekto nito sa kanya. The kiss that happened between them was something. A something that he will treasure and cherish.               Pagkatapos nilang mag-usap ni Vin ay lulugo-lugo siyang umalis sa bahay ng mga ito. Diretso siyang umuwi sa kanilang bahay. Habang minamaneho ang kanyang motor ang pag-uusap na namagitan sa kanila ni Vin ang naglalaro pa rin sa isipan niya. Hindi niya alam kung makakaya niya na malayo dito nang matagal. Wala siyang ideya kung hanggang kailan si Vin mag-iisip at kung kailan nito makakalimutan ang halik. Dapat pala ay tinanong niya ito. Bumuntung-hininga siya. It's not a proper way to do. Kung gagawin niya iyon parang pangungunahan niya si Vin.               Ayaw man niya sumige na lang siya. Pinanatili niyang positibo ang pag-iisip. Hindi naman siguro magtatagal ang gagawin ni Vin na pag-iisip. Habang gagawin nito iyon kailangan niya ring abalahin ang sarili at gumawa ng paraan para hindi niya mahila ang sarili na pumunta sa bahay ng lalaking may puwang na sa puso niya.               Nang makarating siya sa kanilang bahay nagtaka siya nang makita ang isang asul na kotse sa garahe nila. Itinabi niya ang kanyang motor doon.               Pumasok siya sa kanilang bahay. Nang makita niya ang isang katulong ay agad siyang nagtanong.               "Aling Mercy, kanino po ang asul na kotse?"               "Kay Sir Arkin po `yun, sir." Matipid nitong sagot.               Napakunot noo naman siya. "Sino `yon? Nasaan sila?" Curious niyang tanong.               "Kaibigan ng papa n'yo, Sir. Nasa living room po sila," ani Aling Mercy saka nagpaalam sa kanya.               Nagpasalamat siya dito bago umalis.               Ang magtungo sa kwarto niya ang inisyal niyang gustong gawin ngunit hindi niya ginawa. Sa halip ay nagtungo siya sa living room. He was curious about the Arkin guy. Nagtataka siya dahil tila kilalang-kilala ni Aling Mercy ang lalaki. Ngayon lang niya narinig ang pangalan ng lalaki at na-ku-curious siya. Baka boyfriend iyon ng daddy niya. Kung ganoon nga ang senaryo niya gusto niyang makita ito para makilatis.               Naabutan niya na nagtatawanan ang dalawa. Nang makita siya ng papa niya ay tumigil ang mga ito sa pagtatawanan at sabay na bumaling sa kanya.               "`Pa," tawag niya sa ama saka lumapit ditto. Habang ginagawa niya iyon  nakatuon ang atensyon niya sa lalaking may pangalan na Arkin. Maluwang ang pagkakangiti nito habang nakatingin sa kanila. Partikular na sa kanya.               "Joen, I wanted you to meet my old friend, Arkin Angeles," pagpapakilala ng papa niya. Napansin siguro nito ang tingin na ibinibigay niya sa bisita nito. "And Arkin, gusto kong makilala mo ang anak ko."               Tango lang ang naging tugon niya. Naiiling ito sa reaksyon niya.               "Nice meeting you, Joen. Lumaki ka na napakagwapong bata."                 "Thanks for the compliment," he said.               Bumaling siya sa papa niya. "Ano po ba siya natin?'               "He's a family friend." Matipid na sagot nito.               Tinantiya niya ang sagot nito. Nang masiguro na hindi ito nagsisinungaling ay nagsalita siya. "Ganoon ba. Sige, akyat na ako. Gusto ko nang magpahinga," paalam niya sa mga ito.               "May problema ka ba, Joen?" Tanong nito.               "Wala po," pagsisinungaling niya.               "Sigurado ka ba? Bakit parang matamlay ka."               "Wala po `to. `Wag n'yo na po akong alalahanin. I'm okay."               "Ikaw ang bahala. Tandaan mo na nandito ako. Handa akong pakinggan ang problema mo."               Tumango siya. Hindi na nagsalita. Palabas na siya ng living room nang marinig niya ang sinabi ng Arkin sa daddy niya.               "Ang gandang lalaki na ng anak mo Kuya Ric. Tiyak ko na ganyan na rin ang kapatid ko ngayon."               PAGKARATING ni Joen sa kanyang kwarto pabagsak siyang humiga sa kanyang kama. Hindi na siya nag-abala pa na i-lock ang pintuan ng kwarto niya.               Ipinatong niya ang kanang kamay sa noo at tiningnan ang blangkong kisame. Kahit na blangko iyon tila nakikita niya roon ang mukha ni Vin. Ang iba't-ibang reaksyon ng mukha nito kapag naasar sa kanya. Muling bumalik sa isipan niya ang halik. That was the sweetest kiss that he ever had. The sweetest lips that he ever tasted. Kung alam lang ni Vin ang epekto nito sa kanya, ano kaya ang magiging reaksyon nito? Siguro ay mas malala pa sa reaksyon nito ngayon.               Vin's lips was addictive. Beacuse of that he was craving for more. Gusto niyang maulit ang nangyari sa kanila. Palagi niyang naaalala ang lambot ng labi nito.               Bumuntung-hininga siya.               Mula nang mangyari ang halik palagi na lang siyang napapabuntung-hininga. Umupo siya sa higaan at tumingin sa lahat ng sulok ng kwarto niya. His life will be boring again without Vin on his side but he need to sacrifice. Para sa kanila naman ang gagawin ni Vin. Para sa pagkakaibigan nila.               Napatingin siya sa pintuan ng kwarto niya nang basta na lang pumasok ang hindi niya inaasahan na tao. He looked at him with blank expression in his face.               "What are you doing here, Mack?" Walang emosyon natanong niya.               Mack was not a problem for him. Wala siyang pakialam kung nakita man nito na hinalikan niya si Vin. Mas mabuti nga iyon para malaman nito kung ano ang nararamdaman niya kay Vin. Kung ano ito para sa kanya.               "We need to talk." Ang sabi nito.               Kung nakakamatay lamang ang tingin baka kanina pa siya bumagsak sa binibigay nito sa kanya. Of course, he knew what his cousin felt towards him. Alam niyang nagagalit ito at nagseselos.               "Wala tayong dapat pag-usapan." Ang sabi niya saka lumapit dito.               "Anong wala?! Meron tayong dapat pag-usapan, Johanson Enrique. You need to explain what I saw two days ago."               "Wala akong dapat ipaliwanag sa `yo. Kung ano ang nakita mo ay iyon na `yon. Wala ka na doon. Dalawang araw na ang nakakalipas mula nang mangyari iyon pero hindi ka pa makapag-move on. Does it hurt so bad, Mack?"               Nagtagis ang mga bagang nito sa sinabi niya. Kumuyom ang kamao nito. Nagulat na lang siya sa ginawa nito. Hindi na siya nakaiwas. Binigyan siya nito ng isang malakas na suntok sa kaliwang pisngi.               "Bakit mo ginawa `yon?" Tanong niya habang sapo ang nasaktang pisngi. Wala siyang balak gumanti sa ginawa nito. Kung sa ibang pagkakataon baka ginantihan niya ito.               "Kailangan mo pa bang itanong `yon, Joen! Damn you! I'm jealous on what I've saw. I'm mad because of you. Wala naman kayong relasyon ni Vin pero hinalikan mo siya. Tell me, Joen. Sabihin mo sa `kin ng harapan kung ano ba para sa `yo si Vin?"               "Kagaya ng sinabi ko, wala akong dapat sabihin o ipaliwanag sa `yo. Hindi kita tatay para sabihin ko sa `yo ang nararamdaman ko."               "Meron! Meron kang dapat ipaliwanag. Hindi ka nanliligaw kay Vin pero hinalikan mo siya. Ano ba talaga siya sa `yo? Katulad ba namin ni Nick , may pagtingin ka rin sa kanya kaya mo siya hinalikan?"               "Desperado ka na." Nasabi niya.               "Wala akong pakialam. Gusto kong malaman ang totoo dahil kung pareho rin sa `kin ang nararamdaman mo sa kanya, itatrato kita bilang karibal at hindi pinsan."               "Hindi pa ba?" Sarkastikong sabi niya. "Sige, aaminin ko sa `yo na pareho niyo ni Nick may nararamdaman rin ako para sa kanya. I kiss him because I like him."               "Kaya pala ganoon mo na lang siya bakuran," anito. "Fight fairly. `Wag kang bantay salakay. `Wag mo kaming kataluhin ni Nick behind our back."               "Maswerte nga kayo ni Nick dahil nasabi niyo na sa kanya ang nararamdaman niyo. Ako hindi pa."               "Wala akong pakialam. Just fight fairly." Ang sabi nito saka siya iniwanan.               Nang makaalis ito ay agad niyang isinara ang pintuan. Hinaplos niya ang nasaktang pisngi. Masakit ang suntok na iyon. Parang buong pwersa ang ibinigay ni Mack sa kanya. Bumalik siya sa pagkakaupo sa kanyang kama.               Kinuha niya ang kanyang cellphone at tinwagan si Vin. Kasasabi pa lang niya na magsasakripisyo siya kahit ayaw niyang malayo dito pero nami-miss na niya agad ito. Gusto niyang marinig ang boses nito. Naka-ilang ulit rin siya sa pagtawag pero walang tugon.               Frustrated niyang tinapon ang cellphone sa kanyang kama. Humiga siya at ipinikit ang kanyang mata. Nakatulugan na niya ang pag-iisip kay Vin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD