CHAPTER TWELVE

3451 Words
  NAGISING si Joen sa mahinang pagyugyog ng kung sino sa balikat niya. Iminulat niya ang mata para makita kung sino ang istorbo sa mahimbing niyang pagtulog. Sumimangot siya. Sinalubong naman iyon ng nakangiting mukha ng papa niya.                "Bakit, `pa?" tanong niya saka lumayo rito.               "Mabuti naman at gising ka na," masayang sabi nito. Hindi pinansin ang tanong niya. "Tumayo ka na dyan," utos nito.               "Bakit?" Ang ulit niya sa tanong saka napahikab.               "Just stand up. May pupuntahan tayo."               Umupo siya. "Saan?"               "Magbabakasyon tayo. Pupunta tayo sa probinsya kung saan nakatira ang Kuya Arkin mo. May-ari siya ng isang resort doon. Niyaya niya ako kaya nagdesisyon ako na isama ka."               "Ayoko," aniya saka humiga ulit. Ipinikit niya ang mata.               Muli siyang niyugyog nito. Sa pagkakataong iyon ay mas malakas.                 "Hindi pwedeng hindi ka sumama, Joen. Kaya nga ako pumayag na magbakasyon tayo dahil sa `yo. Hindi mo man sabihin sa `kin, alam ko na may problema ka. Nahalata ko na iyon nang Makita kita kanina. You can tell it to me, Joen."               Wala talaga siyang maitatago dito. Kilalang-kilala na talaga siya nito.               "Si Vin, `pa," maiksi niyang sagot.               "Anong problema mo kay Vin?"               "I kissed him."               "Again? Namomroblema ka dahil hinalikan mo siya? Hindi ba dapat ay masaya ka."               "Yeah, I kissed him, again. But this time gising na siya, gumanti nga siya, eh. Kaso mukhang ang halik na iyon ang maging dahilan ng paglayo niya sa `kin."             "Bakit mo kasi siya hinalikan?"               "Because I want to."               "Kaya ba namamaga ang kaliwa mong pisngi dahil sinuntok ka niya?" Nagtatakang tanong nito. "Pero ang sabi mo ay gumanti siya? Ano ba talaga ang nangyari?"               "Hindi siya ang may gawa nito," sabi niya sabay sapo sa nasaktang pisngi."               "Kung hindi siya, sino?"               "Si Mack."               Nagulat ito. "Don't tell me that Mack also feel the same way to Vin."               Tumango siya. "Hindi lang naman siya pati si Nick.               Umiling-iling ito. "Sa dinami-dami ba naman ng pwede mong maging kaagaw sa kanya ang mga pinsan mo pa talaga. Kaya ka sinuntok ni Mack dahil nakita niya ang halikan na nangyari. Dahil doon nagselos siya at sumugod dito para suntukin ka." Pag-ulit nito.               Muli siyang tumango.               "Problema pala ang pagkakagusto mo kay Vin."               Matiim ang tingin na ibinigay niya rito dahil sa sinabi nito. Natawa na lang ito.               "I didn't mean it that way."               "I don't consider  falling in love with him as a problem. Ang pinoproblema ko ay ang consequences ng ginawa ko. Because of that wonderful kiss our friendship is at risk. Dalawang araw niya akong hindi kinausap. Well, kanina kinausap niya ako pero ang sabi niya sa `kin ay pansamantala muna kaming hindi magkita."                 "Pansamantala lang naman pala."               "Pansamantala nga lang, pero hanggang kailan ba ang pansamantalang `yon? Hindi ko kaya na malayo sa kanya."               "Halata nga," nang-aasar na sabi ng daddy niya.               "`Wag ka nang mang-asar," napipikon niyang sabi na tinawanan lang nito.             "Seriously, son, intindihin mo ang kaibigan mo. Tama naman ang ginawa niya. Give him time to think. Talagang magkakaganoon iyon dahil basta mo na lang hinalikan tapos wala naman sa inyong namamagitan."               "Tama po kayo." Pagsang-ayon niya.               "Siguro, blessing in diguise na rin ang pagbabakasyon mo. Habang nag-iisip si Vin  magpalamig ka muna ng ulo mo. Gaya nga ng sinabi mo kanina hindi mo kayang malayo sa kanya. So, may malaking porsiyento na punta-puntahan mo pa siya sa bahay nila."               "Siguro nga mabisang paraan po iyon. Ayoko man na malayo sa kanya kailangan kong gawin. Kailangan kong magsakripisyo. Sige, sasama ako sa inyo ni Arkin."               "Don't address him by just his first name, Joen. Call him kuya."               Sumang-ayon na lang siya para wala nang pag-uusap pa.               Nagpaalam na ito sa kanya na mag-aayos ng gamit na dadalhin nito. Nang makaalis ito tumayo na siya mula sa kanyang kama. Hinanda niya ang mga dadalhin sa maiksing bakasyon na iyon.               Nakita niya ang kanyang cellphone at kinuha iyon. He compose a message for Vin.               Magbabakasyon muna ako, Vin. I'll give you time to think. Sana pagkatapos mong mag-isip ay maging okay na ulit tayo.       KAHIT dalawang araw na mula nang makita ni Mack ang halikan nina Joen at Vin, malinaw na malinaw pa rin iyon sa kanyang isipan. Paulit-ulit iyon na nagpe-play at para na siyang masisiraan ng ulo. Hanggang walang linaw sa kanya ang nararamdaman ni Joen kay Vin ay hindi siya matatahimik.               Nagdesisyon siyang lumabas ng kwarto at nagtungo sa balkonahe ng bahay nila. Kailangan niyang mag-isip nang mabuti. Kailangan niyang iklaro ang utak sa nakita. Naiisip niya na ang pinakamabisang paraan para matahimik siya tungkol sa nakita ay ang tanungin at komprontahin ang pinsan niya.               Kahit na dalawang araw na ang nakakalipas, may nakakapa pa rin siyang galit sa kanyang pinsan. Nang gabi na mangyari iyon, balak na sana niyang komprontahin ito pero hindi niya nagawa dahil kaharap nila si Vin. Hinatid rin sila nito sa kanya-kanyang sasakyan. Nauna sa kanyang umuwi si Joen nang gabing iyon. Ang balak sana niyang pag-kompronta rito ay hindi nangyari dahil sa mama niya. Nang makita kasi siya ng ina pinapasok na siya nito kaagad sa bahay nila at ipinakilala sa taong bisita nito.               Nnag gabing iyon nakilala niya si Arkin Angeles. Long-lost friend nito ang pakilala nito sa lalaki. Pati nga raw ang kapatid ng ina na sina Tito Ric at Tita Tasha na ina ni Nick ay kilala ito. Kahit ayaw niyang humarap sa mga ito hindi rin siya nakaligtas dahil sa pagpipilit ng mama niya. Pinabukas niya ang pangongompronta kay Joen. Ngunit hindi rin niya iyon nagawa sa kadahilanan na inutusan siya ng mama niya sa maging punong abala sa kaarawan ng kapatid niyang si Danna. Sa dami ng ginawa niya at pinuntahan ay nawala sa isip niya ang tungkol kay Joen.               Sa tingin niya ngayon na ang mabisang araw para komprontahin ang pinsan. Agad siyang bumaba at nagtungo sa bahay na kaharap ng bahay nila. Eksakto naman na patungo siya roon lumabas si Joen sakay ng motorsiklo nito at matulin na pinatakbo. Naisip niyang sundan ito at iyon nga ang ginawa niya gamit ang motorsiklo niya.               Nauwi si Joen sa bahay ni Vin. Hindi na siya nag-abala pang bumaba ng motorsiklo. Mula sa malayo tinanaw niya si Joen. Bumangon na naman ang selos sa puso niya. Halata naman kung ano si Vin para kay Joen ngunit heto siya. Gusto pa ring komprontahin si Joen at marinig mula sa bibig nito ang mga salitang gusto niyang marinig.               Pinaandar niya ang motorsiklo at umuwi siya sa kanilang bahay. Sa balkonahe siya pumwesto para makita niya ang pagdating ni Joen. Mga ilang oras din ang ginugol niya sa paghihintay sa pinsan. Nakita niya ang pagdating nito. Kapansin-pnsanin ang katamlayan nito. Lulugo-lugo nitong pinasok ang motor nito at itinabi iyon sa asul na kotse. Sa pagkakatanda niya kay Arkin iyon.               Naghintay siya ng ilang minuto bago magtungo sa bahay ni Joen.               Nang makapasok siya sa bahay ng mga ito ay agad niyang nakita sa living room ang Tito Ric niya kausap si Arkin. Ayaw sana niyang lumapit sa mga ito pero nakita na siya at tinawag pa.               "Nadalaw ka, Mack?"               "Si Joen, Tito, hinahanap ko. Nandyan po ba siya?" tanong niya kahit alam naman niya na nandoon si Joen.               "Sa kwarto niya. Puntahan mo na lang."               Nagpaalam siya sa mga ito at umakyat sa hagdan. Diretso niyang tinungo ang kwarto ni Joen at walang babala na pumasok doon. Tumambad sa kanya ang nakaupong si Joen at blangko ang ekspresyon ng mukha na nakatingin sa kanya.                 "What are you doing here, Mack?" Walang emosyon na tanong nito.               Joen is not a problem for him until he saw what the two doing. Dahil doon ay nabahala siya at pinoproblema na niya ito.               "We need to talk."               Kung nakakamatay lamang ang tingin baka kanina pa si Joen bumagsak sa binibigay niya dito.               "Wala tayong dapat pag-usapan." Ang sabi nito saka lumapit sa kanya.               "Anong wala?! Meron tayong dapat pag-usapan, Johanson Enrique. You need to explain what I saw two days ago." Galit na sabi niya. Kapag nakikita niya ito laging naglalaro sa kanya ang eksena.                "Wala akong dapat ipaliwanag sa `yo. Kung ano ang nakita mo iyon na `yon. Wala ka na doon. Dalawang araw na ang nakakalipas mula nang mangyari iyon pero hindi ka pa makapag-move on. Does it hurt so bad, Mack?"               Nagtagis ang mga bagang niya sa sinabi nito. Kumuyom ang kamao niya. Walang babala na sinuntok niya ito sa kaliwang pisngi. Hindi ito nakaiwas. Sumabog na lang siyang bigla. Hindi na siya makapagpigil sa galit na nadarama niya sa pinsan. Bakit kung ituring nito ang halik ay parang wala lang.                "Bakit mo ginawa `yon?" Tanong ni Joen sa kanya habang sapo ang nasaktang pisngi.               Nakahanda siya kung gaganti ito. Wala na siyang pakialam kung magrambulan sila. Ngunit hindi niya inaasahan ang reaksyon nito. Tila walang balak na gumanti sa kanya. Ang kaharap niyang Joen ay iba sa Joen na nakasanayan niya. Iyong gaganti kapag nasaktan.                "Kailangan mo pa bang itanong `yon, Joen! Damn you! I'm jealous on what I've saw. I'm mad because of you. Wala naman kayong relasyon ni Vin pero hinalikan mo siya. Tell me, Joen. Sabihin mo sa `kin ng harapan kung ano ba para sa `yo si Vin?"               "Kagaya ng sinabi ko, wala akong dapat sabihin o ipaliwanag sa `yo. Hindi kita tatay para sabihin ko sa `yo ang nararamdaman ko."                "Meron! Meron kang dapat ipaliwanag. Hindi ka nanliligaw kay Vin pero hinalikan mo siya. Ano ba talaga siya sa `yo? Katulad ba namin ni Nick ay may pagtingin ka rin sa kanya kaya mo siya hinalikan?"             "Desperado ka na." Nasabi nito.                 "Wala akong pakialam. Gusto kong malaman ang totoo dahil kung pareho rin sa `kin ang nararamdaman mo sa kanya, itatrato kita bilang karibal at hindi pinsan."               "Hindi pa ba?" Sarkastikong sabi ni Joen. "Sige, aaminin ko sa `yo na pareho niyo ni Nick may nararamdaman rin ako para sa kanya. I kiss him because I like him."               "Kaya pala ganoon mo na lang siya bakuran," aniya, may pait sa boses. "Fight fairly, Joen. `Wag kang bantay salakay. `Wag mo kaming kataluhin ni Nick behind our back."                "Maswerte nga kayo ni Nick dahil nasabi niyo na sa kanya ang nararamdaman niyo. Ako hindi pa," ani Joen.               "Wala akong pakialam. Just fight fairly." Sabi niya saka ito iniwanan.                Nang makalabas agad siyang nagtungo sa sala para magpaalam sa tito niya. Hinaplos niya ang nasaktang kamao. Masakit iyon. Masyadong matigas ang mukha ni Joen. O sadyang hindi lang siya sanay sa ganito. Hindi naman siya bayolente pero dahil kay Vin ay nag-iiba ang attitude niya. Sobra ang pagseselos niya. Buong pwersa ang ibinigay niya kay Joen na suntok.               Nakakahiya man na magpaalam pa siya sa Tito Ric niya pagkatapos ng nangyari ay gagawin niya. Tanda na may respeto pa rin siya sa kabila ng nagawa sa anak nito.   Naabutan niya ang mga ito na nag-uusap. When he heard the word vacation, his curiousity rises. Mukhang pagkakataon na para malayo si Joen kay Vin sa pamamagitan nito.               Nang pumayag si Tito Ric sa suhestiyon ni Arkin at narinig niyang isasama si Joen ay napangiti siya. Habang wala si Joen ay siya muna ang eeksena at wala ng epal. Si Nick na lang at okay na iyon sa kanya dahil medyo abala ito.               Lumapit siya sa mga ito at nagpaalam.               Nang makapasok siya sa kwarto niya ay agad siyang nag-text kay Vin.               Can we go out tomorrow.     MAGBABAKASYON muna ako, Vin. I'll give you time to think. Sana pagkatapos mong mag-isip ay maging okay na ulit tayo.               Ang mahinang pagbasa ni Vin sa text message na natanggap mula kay Joen. Habang binabasa niya iyon hindi maiwasan na makadama siya ng lungkot. Parang gusto niyang bawiin ang mga sinabi dito na hindi muna sila magkita. Dahil isipin pa lang niya iyon nalulungkot na siya at nami-miss niya ito. Pero kailangan niyang panindigan iyon para sa ikabubuti nila. Napapailing na lang siya sa pagiging fickle minded niya. Noong una ay gusto niya na makapag-isip para sa kanilang dalawa. Pero ngayon na nabasa niya ang text ay gusto niya iyong bawiin. Para lang siyang tanga.                                       Nagta-type na siya ng message nang matigilan siya sa naisulat niya.               `Wag ka na magbakasyon, binabawi ko na ang mga sinabi ko.               Dali-dali niyang binura iyon. Inilapag niya ang cellphone sa kama niya at nagdesisyon na huwag na lang sagutin ang text ni Joen. Mas okay na huwag na siyang mag-reply dito para hindi siya magkamali. Sapat na sa kanya ang kaalaman na magbabakasyon ito at nagpaalam sa kanya kahit hindi na kailangan. Wala ng dahilan para mag-reply siya. Praning lang talaga siya.               Humiga siya sa kanyang kama at tiningnan ang kisame ng kwarto niya. Kahit na wala ang mukha doon ni Joen parang nakikita niya ito doon. Baliw, praning at sobrang gusto na niya talaga ang lalaking iyon. Nakakabaliw at nakakapraning ang sitwasyon niya.               Tiningnan niya ang kanyang cellphone nang mag-vibrate iyon. Kinuha niya iyon. Binasa niya ang text message na galing kay Mack.               Can we go out tomorrow.               Iyon ang text message na galing kay Mack. Walang pag-aalinlangan na sinagot niya iyon. Hindi na niya pinansin na magiging date ang paglabas nila bukas. He think he owe one to him. Sa pag-iisip niya at pagtitimbang ng bagay na nadama niya ng gabing mangyari ang halikan nila ni Joen. At maabutan si Mack na nasa kusina nila-- nalaman niya na hindi siya confuse sa nararamdaman niya. Si Joen ang tunay na tinitibok ng puso niya. Pag-aalala lang ang nadama niya sa isipin na baka nakita ni Mack ang nangyari at kung ano ang isipin nito sa pinsan nitong si Joen.               Okay.               Agad na nag-vibrate ang cellphone niya.               Thank you. Bukas na lang natin pag-usapan kung saan. Pupunta ako dyan sa bahay n'yo nang maaga.               Ikaw ang bahala. Ang sagot niya.   MAAGANG nagising si Vin kinabukasan. Inaasahan niya kasi ang maagang pagpunta ni Mack sa bahay nila. Agad siyang nagluto ng agahan nila ng Lola Fe niya. Nasa kalagitnaan na siya ng pagsasangag ng kanin nang marinig niya ang may kalakasan na pagkatok sa gate nila. Hininaan niya muna ang apoy bago niya iwanan ang ginagawa.               Tumambad sa kanya si Nick nang buksan niya ang gate. Nagulat man siya na makita ito sa harap ng bahay nila hindi niya pinahalata. Sa halip binigyan niya ito ng malawak na ngiti.               "Ang aga natin, ah. Paano mo nalaman ang bahay namin?"               "I have my sources," sagot nito. "Pwede ba akong pumasok."               Napahiya siya sa sinabi nito. Bigla-bigla na lang siyang nawawala sa sarili.               "Pasensya ka na," paumanhin niya saka niluwagan ang pagkakabukas ng pintuan. "Pasok ka na."               Agad naman itong pumasok. "Nice place," anito. "Sino ang mga kasama mo dito?"               "Ang Lola ko lang sa ngayon. Sina Tita kasi at ang mga pinsan ko umuwi sa probinsya."               Tumango-tango ito saka naglakbay ang paningin sa bahay nila.               Tumingin siya sa labas ng bahay nila.               Mukhang napansin iyon ni Nick. Nakangiti itong nagtanong. "May inaasahan ka ba na bisita ng ganito kaaga, Vin?"               "Meron," sagot niya. "Hinihintay ko si Mack. Pupunta siya ngayon dito kasi may pupuntahan kami."               Nawala ang ngiti sa labi ni Nick. "Saan kayo pupunta ni Mack? Sinabi na niya ba sa `yo na gusto ka niya?"               Nagulat siya sa tanong nito. "Alam mo na may gusto rin sa `kin si Mack."               Tumango ito. "Yeah. N'ung isang araw, nang mag-joke ako na boyfriend kita ay napag-usapan ka namin. Katulad ko ay may gusto rin siya sa `yo."               "Pinag-uusapan niyo pala ako," naiilang na sabi niya.               Sa totoo lang hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon sa mga sinabi ni Nick. Kahit nga ang sinabi nito na manliligaw ito sa kanya, wala pa siyang kasagutan. Sumasagi naman iyon sa isipan niya ngunit natabunan iyon sa nangyari sa kanila ni Joen. Kahit ang pagtatapat ni Mack hindi rin niya masyadong binibigyan ng pansin. Si Joen lang ang umu-okupa ng isip at puso niya.               "Yeah," sang-ayon nito.               Hindi na siya tumugon. Magkasabay sila nitong pumasok ng bahay nila. Eksaktong pagkapasok nila nang maalala niya na may niluluto pala siya.               "Maiwan muna kita dito, Nick, `yong niluluto ko."               "Sasamahan na kita," boluntaryo nito.               "Ikaw ang bahala," aniya saka tumakbo papunta ng kusina.               Nang makarating siya roon nakahinga siya nang maluwang. Natatawa na lang siya sa sarili niya dahil nakalimutan niya na pinahinaan pala niya ang apoy bago siya umalis.               "Gusto mo tulungan na kita magluto."               "`Wag na, Nick. Dito ka na lang mag-almusal, ah. Tutal marami naman `to," pagbibiro niya.               "Grabe ka. Parang ang takaw ko naman kumain nyan."               "Hindi ba, Nick."               "Hey!" anito. "N'ung araw na iyon gutom lang talaga ako kaya ganoon ang nangyari." Pagtatanggol nito sa sarili. Tinutukoy nito ang nangyari noong isa pang araw kung saan niya nalaman na magpi-pinsan ang tatlo.               "Umupo ka na nga lang dyan," utos niya dito na agad naman nitong ginawa.               "Vin, may itatanong ako sa `yo," biglang pagseseryoso nito.               "Ang bilis naman magbago ng mood mo," puna niya. "Ano naman ang itatanong mo?"               "Well, hypothetical question lang naman."               "Ano? Spill it." Pinatay niya ang stove at pumunta sa harapan ng dish drainer. Kumuha siya ng plato at baso. Inilapag niya ang mga iyon sa mesa. Sunod niyang kinuha ang lalagayan ng sinangag.               "Paano kung isang araw malaman mo na ang kinalakihan mong pamilya hindi mo pala tunay na pamilya? Na ampon ka lang. Ano ang gagawin mo?"               Nagulat siya sa tanong nito. Dahil doon nabitawan niya ang hawak na lalagayan. Nagdulot ng ingay ang pagkabasag niyon.               "Vin, okay ka lang?" Nag-aalalang tanong ni Nick.               "O-okay lang ako. Nagulat lang ako sa tanong mo. Wait lang, ah. Kukuha lang ako ng dustpan at walis," paalam niya dito saka lumabas ng kusina.               Nakakagulat ang tanong ni Nick sa kanya. Ano nga ba ang gagawin niya kapag nalaman niya kung ganon nga ang senaryo niya? Mapait siyang napangiti. Hindi pa ba?               Umiling-iling siya saka kinuha ang pakay niya. Bumalik siya sa kusina. Nandoon si Nick at isa-isang pinupulot ang basag na bahagi ng lalagayan.               "Ako na ang gagawa niyan, Nick. Baka masugatan ka pa." Hindi siya nito pinansin.               Lumapit siya dito at pinatabi ito para mawalis na niya iyon. Umalis rin si Nick pero makikita sa mukha nito ang kaseryosohan.   Naiilang siya sa tingin na ibinibigay nito sa kanya.               "Bakit ka nakatingin ng ganyan?"               "Masyado kang affected sa tanong ko, Vin. Hypothetical question lang naman `yon. Pwede mo bang sagutin kung ano ang gagawin mo kapag ganoon?"             "Hindi ko alam. Siguro, kung may pera ako hahanapin ko ang totoo kong pamilya. Kapag nahanap ko na sila, magtatanong ako kung bakit nila ako pinaampon. Kung magagalit o tatanggapin ko ang paliwanag nila, hindi ko alam." Naisip niyang bigla ang sinabi ni Joen nang sabihin nito sa kanya na ampon ito. "O hindi kaya ay hindi ko na sila hahanapin dahil sapat na sa `kin ang kinalakihan kong pamilya. Hindi na ako magsasayang ng oras, para saan pa?"               "I'm satisfied with your answer," anito, nakangiti.               "Bakit ka ba nagtatanong ng mga ganoon, ampon ka ba?"               Natawa ito sa tanong niya. "Hindi ako ampon. Tunay akong anak ng magulang ko. Sabihin na natin na may kakilala ako na nasa ganoon na kalagayan. Hindi ko lang alam kung alam na niya na ampon siya."               Nabigla siya sa sinabi nito. Alam na ba nito na ampon si Joen, na hindi nito tunay na pinsan ang lalaki? Pero ang sabi sa kanya ni Joen walang alam si Mack at Nick sa tunay na pagkatao nito. Baka ibang kaibigan ang sinasabi nito.               "Ang ganda mo naman maging kaibigan, Nick. Masyado kang maalalahanin."               "Kung kaya ako sa `yo. Pumayag ka nang ligawan kita."               Hindi siya nakaimik sa sinabi nito.               "I'm just joking, Vin. I'll wait, kagaya ng sinabi ko sa `yo pero nage-expect ako ng positive na result."               "`Wag na muna nating pag-usapan ang ganoon na bagay, Nick. Hindi ko kasi `yon naiisip." May katotohanan na sabi niya.               "Ikaw ang bahala." Ang sabi nito saka lumapit sa kanya.               Binigyan siya nito ng halik sa pisngi.               "Para saan `yon?"               "Pampagana."               "Baliw."               "Kasalanan mo `to. I'm glad that you're at ease with me. Sana walang magbago kahit na sinasamantala kita."               "Napansin mo rin pala `yon," pagbibiro niya.               Si Nick na ang tumapos ng ginagawa niya. Kumain na sila pagkatapos. Eksakto namang patapos na sila kumain nang dumating si Mack. Pinagbuksan niya ito ng gate. Nagulat ito nang makita si Nick at agad na nawala ang ngiti sa labi.               "Ano ang ginagawa mo dito?" tanong nito kay Nick.               "Ikaw, ano ang ginagawa mo dito?" balik-tanong ni Nick.               Nakadama agad siya ng tensyon. Bago pa lumala iyon ay pumagitan na siya.               "`Wag kayong mag-away. Pareho ko kayong bisita."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD