CHAPTER THIRTEEN

3517 Words
  MACK thought that he ouldl have his time alone with Vin, but just like before it was just a thought. Akala pa naman niya maaga na siya sa oras na alas-nuwebe ngunit naunahan pa rin siya ni Nick. Talagang nagulat siya na makita ang pinsan sa bahay nila Vin. Sa pagkakaalam kasi niya sila lang ni Joen ang may alam kung saan nakatira si Vin. Mali pala, dahil alam na rin nito.                 Napapabuntung-hininga na lang siya habang kaharap ang dalawa sa hapag-kainan nila Vin. Katatapos pa lang kumain ng mga ito. At dahil sinabi niya na hindi pa siya nag-aalmusal, sinamahan siya ni Vin na kumain at siyempre umeksena si Nick. Hindi niya tuloy masabi kay Vin ang itinerary nila ngayong araw. Marami siyang plano na puntahan nila ni Vin pero ayaw niyang i-discuss iyon na nasa paligid si Nick. Mahirap na, baka sumama pa ito.               "Can you leave us, Nick," padaskol na utos niya sa pinsan.               "Ayoko nga. Nandito si Vin kaya dito rin ako dapat."               "Mag-uusap kami ni Vin."               "Problema ba `yon, `di mag-usap kayo habang nandito ako. Bakit sekreto ba ang sasabihin mo sa kanya kaya ayaw mong nandito ako?"               "Pwede ba tumigil nga kayong dalawa," saway sa kanila ni Vin. "Magpipinsan nga kayo. Ang gugulo niyo."               "Si Mack, eh," parang bata na sabi ni Nick at tila nagpapakampi kay Vin.               "Ako pa talaga. Ikaw kaya ang agaw eksena dito sa `tin. Kami dapat ang magkasama ni Vin ngayong araw tapos bigla ka na lang pupunta dito ng walang pasabi. Paano mo pala nalaman na dito ang bahay ni Vin?"               Isang pilyong ngiti ang pinakawalan ng pinsan niya. Tila nang-aasar. "I have my sources. `Di ba, sinabi ko naman sa inyo ni Joen na kapag interesado ako sa isang tao  gagawa ako ng paraan para malaman ang lahat sa kanya." Habang sinasabi nito iyon kay Vin ito nakatingin. Kumindat pa ito. Napayuko naman si Vin.               "Stop flirting with him!" Nanggigigil na sabi niya.               "Possessive? As far as I know, we have the same stand to Vin. Pareho nating sinabi sa kanya na gusto natin siya at gustong ligawan pero wala pa siyang pinapayagan. Kaya `wag mo akong sawayin pinsan."               "You are a flirt."               "You are acting as a possessive jealous boyfriend to him."               "Hindi ba talaga kayo titigil na dalawa?! Umalis na nga lang kayo."               Sabay silang napatingin ni Nick kay Vin sa sinabi nito.               "A-anong sabi mo?" tanong ni Nick.               "Kung magbabangayan kayong dalawa nang dahil sa `kin, umalis na lang kayo. Kung magsagutan kayo parang wala ako sa harapan niyo. Para sabihin ko sa inyong dalawa, pareho lang kayo ng papel sa akin. Wala akong sinabi na magpapaligaw ako. You two are stressing me out.”               "I'm sorry, Vin," agad niyang paumanhin.               "I'm sorry too," ani Nick."               "Sorry rin. Please lang. `Wag kayong mag-away ng dahil sa `kin. Ayokong masira ang relasyon niyong dalawa dahil lang sa `kin. Ayokong mangyari `yon."               Sa sinabi nito nakadama siya ng kaunting pagsisisi sa ginawa niya kay Joen kahapon. Nang dahil sa ginawa niya mukhang sira na ang relasyon nilang mag-pinsan.               It's acceptable, Mack. You were jealous that's why you did it. Pagtatanggol ng sarili niya sa ginawa niya kahapon.               Dumaan ang sandaling katahimikan sa kanilang tatlo. Walang balak magsalita. Natigil lang iyon nang makarinig sila ng malakas na katok sa gate ng bahay nila Vin.               "Maiwan ko muna kayong dalawa. May tao sa labas," paalam nito.               Nang sila na lang ni Nick ang nasa kusina matalim na titig ang nag-uugnay sa kanila.               "Can you just go, Nick. Gusto kong maging araw namin ito ni Vin. `Wag mong gayahin si Joen na panira ng moment."               "So you mean, Joen also ruined your day with him?" Natatawang sabi nito.               Ayaw man niyang umamin ay tumango siya. "Yeah."               "He also ruined my day with him but it's now okay with me. May pogi points naman na ako kay Vin. Nasubuan, nahalikan at nahawakan ko na ang kamay niya. Nag-date na rin kami. Well, sa side ko lang `ata ang ispin na ganoon." Pang-iinggit nito.               Kumunot ang noo niya sa sinabi nito. Nahalikan na nito si Vin.               "Saan mo siya nahalikan?"               "Sa lips," nakangising sabi nito.               Kumuyom ang kamao niya. Ano ito katulad ni Joen na nahalikan na rin sa labi si Vin? Hindi siya makapaniwala sa katinikan ng mga ito.               "Masyado kang hot, Mack. I'm just joking. Sa cheeks ko lang nahalikan si Vin, two times nga lang."               Hindi nabawasan ang pagkaasar niya sa sinabi nito. Parang gusto niya rin itong suntukin.   Ang titinik ng mga pinsan niya. Ang bibilis gumawa ng paraan. Siya lang ang mahina. Nakakaasar lang!             "Kung may moment ka na sa kanya. Leave now." May diin na utos niya dito.               "Ayoko nga. Hindi ako papayag na maka-iskor ka sa kanya. Ako lang dapat."               "Sino ngayon ang nagiging possessive sa `tin na dalawa?"               "Pareho kayo."               Sabay silang napalingon sa nagsalita. Isang gwapong lalaki iyon na kapansin-pansin ang malalim na biloy sa pisngi.               "Sino ka naman?" sabay na tanong nila dito ni Nick.               "Kaibigan ako ni Vin. I'm Charles."               Duda siya sa sinabi nito na kaibigan ito ni Vin. Katulad rin nila ito na may pagtingin kay Vin.               "Kaibigan? Maniwala ako sa `yo, dude," ani Nick.               "Katulad ka rin namin ni Nick na may gusto sa kanya, eh."             Ngumiti ito saka umiling. "Isipin n'yo na ang gusto n'yong isipin basta nagsasabi ako ng totoo. Hindi ba kayo nahihiya na nagyayabangan kayong dalawa sa loob ng bahay ni Vin. Base sa narinig ko, pareho kayong may pagtingin sa kanya at pareho na ninyong nasabi iyon sa kanya. Pero hanggang ngayon wala pa rin siyang sinasabi na paumapayag siyang magpapaligaw. Kung ako sa inyong dalawa sumuko na lang kayo. Sa umpisa pa lang talo na kayo dahil may laman na ang puso ni Vin. Sad to say, hindi kayo iyon."               "Sino ka para sabihin `yan?" Bwisit rin ang lalaking ito. Intrimitido. Basta-basta na lang umeeksena tapos hindi pa magagandang bagay ang maririnig sa bibig nito.               "Katulad ng sinabi ko sa inyo, kaibigan niya ako."               "Wala kang kwenta," ani Nick. "Intrimitido ka na, eavesdropper pa. Wala kaming pakialam sa mga sinasabi mo. Ano naman ngayon sa `min kung may laman na ang puso ni Vin? Pwede naman kaming magkapuwang doon. Tiyaga lang, tol"               "Bahala kayo sa buhay niyo. Kayo naman ang uuwing luhaan." Ang sabi nito saka sila tinalikuran.               "Paki mo," halos magkasabay na sabi nila ni Nick.     HINDI alam ni Vin kung ano ang gagawin kina Mack at Nick. Ang aga-aga  nagbabangayan ang mga ito dahil sa kanya. Kahit na sinaway na niya hindi pa rin nagpatinag ang mga ito. Pinapaalis na niya hindi naman ginawa at humingi lang ng sorry. Mabuti na lang at may kumakatok sa gate nila. Itinuring niya iyong saviour niya. Nabubwisit na kasi siya sa dalawang lalaki. Nang buksan niya ang gate, si Charles ang nakita niya roon. Naisip niyang humingi ng tulong dito at nakahinga siya nang maluwang nang pumayag ito.               Nasa likuran siya ng pintuan nang sumingit si Charles sa usapan nina Mack at Nick Nakadama pa nga siya ng hiya para kay Charles sa mga narinig nito. Abnormal talaga ang mga lalaking ito at nagyabang pa talaga si Nick na agad namang kinagat ng isa.               Nang matapos ang mga ito sa pag-uusap agad naman tinalikuran ni Charles ang dalawa. Nabibigla pa rin siya sa sinabi nito na may nagpapatibok ng puso niya. Tama naman talaga ito dahil si Joen ang laman ng puso niya pero transparent ba siya. Napansin ba iyon agad ni Charles kahit na isang beses pa lang silang nagsasama ng matagal kasama si Joen?                 "Thank you, Charles."               "Sus, walang anuman iyon. Makulit pala ang dalawang iyon. Tawagin ba naman akong intrimitido at eavesdropper. Well, totoo naman talaga `yon, masakit lang na marinig." Natatawang sabi nito.               "Makukulit nga kaya walang epekto ang sinabi mo."               "Oo nga, kahit nagsinungaling na ako na may napupusan ka na wala pa rin."               Nakahinga siya nang maluwang sa sinabi nito. Ibig sabihin ay wala itong napansin. Sinabi lang nito iyon para sumuko ang dalawa. Akala pa naman niya halata na siya.               "Paano kaya titigil ang dalawang `yan?"               "Kapag may ipinakilala ka na na boyfriend." Agad na sagot nito.               Tumawa siya. "Siguro nga."               "Wala ka bang pagtingin sa kanila?"               Hindi niya ito sinagot. "Ano pala ang pakay mo dito?"               "Si Lola Fe."               "Tulog pa. Ginabi kasi siya sa panonod ng teleseryekaya hanggang ngayon tulog pa. Mga alas diyes na `yon gigising. Kung gusto mo hintayin mo na lang."               "Hindi na. Aalis na rin ako. Mamaya na lang."               Hinatid niya ito sa labas ng bahay nila. Bago ito umalis ay nagbilin pa ito.               "Mag-iingat ka sa mga manliligaw mo. Ang cute mo kasi."                   Natawa na lang siya sa sinabi nito.     BINALIKAN ni Vin ang dalawa sa kusina. Tahimik na ang mga ito. Nililigpit ni Mack ang pinagkainan nito samantalang si Nick nakaupo lang at tinitingnan ang ginagawa ng pinsan. Hindi na siya nagkomento sa ginagawa ng mga ito. Nakikiramdam lang siya.               Nang hindi na makatiis nagsalita na siya.               "Saan tayo pupunta Mack? Ngayon na ba tayo aalis? Ikaw, Nick? Saan ka pupunta pagkatapos mo dito?"               "Uuwi na. Kung pwede lang na sumama ako sa inyo sasama ako."               "Hindi pwede," agad na sagot ni Mack.               Lihim na naman siyang napailing. Mukhang mag-uumpisa na naman ang bangayan ng mga ito.               "Hindi ka pwedeng sumama sa `min ni Mack, Nick." Pamamagitan niya.               Nakita niya ang malawak na pagngiti ni Mack. Tumamlay naman ang hitsura ni Nick.               "Ganoon ba. Sayang, sa ibang araw na lang ako kukuha ng tiyempo para makasama ka." Bumaling ito kay Mack. "Nanalo ka ngayon, sa susunod ako naman," anito.               "Ewan ko sa inyong dalawa. Sana kapag nag-uusap kayo tungkol sa `kin wala ako sa paligid. Ako ang nahihiya sa ginagawa n'yo."               Hindi tumugon ang dalawa. Nagpaalam na si Nick na aalis na. Nang makaalis ang lalaki, si Mack naman ang inintindi niya.               "Saan ba tayo pupunta?"               "Mag-de-date tayo ikaw ang boss ko ngayon at ikaw ang bahala kung saan mo gustong pumunta."               "Ganoon ba. Paano `yan, wala akong balak puntahan ngayong araw."               Nag-panic si Mack. "Hindi pwede `yon. Kung wala kang gustong puntahan ngayon, ako na lang ang bahala. Sumama ka lang sa `kin. Okay ba sa `yo `yon?"               Tumango siya. "Okay lang basta ba hindi ako mapapahamak."               "Hindi mangyayari `yon. Habang sa tabi mo ako hindi ka mapapahamak."               "Then you are the boss."     MASAYA ang buong araw ni Vin kasama si Mack. Wala silang ginawa maghapon kundi ang mamasyal at magtawanan sa palitan nila ng corny jokes. Ang huli nilang destinasyon ay sa isang seafood restaurant. Asikasong-asikaso siya ni Mack habang kumakain sila. Kitang-kita niya ang effort at ka-sweet-an nito sa kanya. Nandyan na `yong pagbabalatan siya nito ng hipon kahit kaya naman niya. Aabutin na lang niya ang inumin uunahan pa siya nito at ito pa ang maghahawak niyon na parang hindi niya kaya.               Nagbibigay ng kasiyahan sa puso niya ang mga ginagawa nito ngunit hindi ang kilig na nadarama niya kay Joen tuwing kasama niya ang lalaki kahit wala naman itong ginagawa para kiligin siya.               Sa totoo lang gusto na niyang sabihin ang totoo kay Mack at Nick. Ang totoong nararamdaman niya para sa mga ito. Pero hindi niya alam kung saan siya magsisimula at kung sa paanong paraan niya iyon sasabihin na hindi masasaktan ang mga ito.               "Kumain ka ng marami, Vin," ani Mack habang nilalagyan ng pagkain ang plato niya.               "Salamat," nakangiting sabi niya.               "Masyado mo akong pina-pamper, Mack. Hindi mo na kailangan pang gawin `yon."               "Gusto kong gawin `to, Vin. Hayaan mo na ako. Masaya ako sa ginagawa ko."               "Ikaw ang bahala."               "Masaya ka ba Vin na kasama ako?" tanong nito.               Tinitigan siya nito sa mata.               "Masaya ako na kasama ka," buong sabi niya. Masaya naman talaga siya na kasama ito. Kaso parang kulang. Parang hindi siya buo dahil kahit na nagtatawanan sila at nagpapalitan ng mga jokes isang tao ang nasa isipan niya. Ang taong nagpapatibok ng puso niya.               Ang sama ng ng tingin niya sa sarili dahil sa ispin na ganoon. Kung mababasa lang ni Mack ang nasa isipan niya tiyak na masasaktan ito               Ngumiti si Mack. "Masaya ako dahil masaya ka. Maulit sana `to."               Ngumiti lang siya. Hindi na niya alam kung ano ang sasabihin dito. Tumingin siya sa labas.               "Vin," tawag sa kanya ni Mack.               "Bakit?" aniya at humarap dito.               "Mahal na kita."   "ANONG sabi mo?               Ang tanong ni Vin kay Mack kahit na malinaw niyang narinig ang sinabi nito.               "Ang sabi ko mahal kita."               Napailing siya. Nagulat talaga siya sa biglaan nitong pagtatapat. Gusto pa lang tapos mahal na.               "Ano ba ang sinasabi mo Mack? Hindi ka ba nagugulat sa mga sinasabi mo? Mahal mo `ko? Sa maiksing panahon na magkasama tayo mahal mo na `ko?"               "Vin, wala naman sa oras o panahon kapag nakadama ka ng pag-ibig, eh. Mahal na kita kahit na kaunting panahon pa lang tayong magkasama. Akala ko gusto lang kita pero mas malalim pa pala doon ang nadarama ko sa `yo. Hindi ko sinabi `to sa `yo para sagutin mo rin ako na mahal mo ako. Sinabi ko lang dahil hindi ko na kaya pang kimkimin. Sapat na sa `kin na malaman mo iyon. Maghihintay ako na mahalin mo rin ako. Liligawan kita Vin hanggang sa mahalin mo rin ako."               "Wala kang aasahan sa `kin, Mack."               Nagulat ito sa sinabi niya. Kitang-kita niya ang sakit sa mukha nito. Ito na ang tamang panahon para sabihin niya rito ang totoo dahil kung hindi ay aasa lang ito.               "Bakit wala, Vin? May mahal ka na ba?"               "Wala," pagsisinungaling niya. Sinabi niya na sasabihin niya na walang aasahan ito sa kanya ngunit hindi ang totoo niyang nararamdaman para sa pinsan nito.               "Wala naman pala. Pero bakit sinasara mo na agad ang damdamin ko sa `yo? Ganoon ba ako kawalang pag-asa sa `yo, Vin."               "I'm incapable in falling in love." Ang sagot niya.               Kasinungalingan! Mahal mo na nga si Joen tapos incapable in falling in love ka! Bakit ba kasi hindi mo pa sabihin ang totoo kay Mack, na mahal mo si Joen para hindi ka na maghabi pa ng kasinungalingan.               Hindi ko sasabihin ang totoo dahil wala iyong patutunguhan.               Sigurado ka ba? `Wag mo kasing pangunahan ang dapat mangyari. `Wag kang negative, Vin. `Wag mong isipin na hindi ka babagay kay Joen dahil sa madilim mong nakaraan.             "Bakit? Paano mo nasabing hindi ka marunong magmahal, Vin?"               "Maraming dahilan, Mack. Personal na bagay at hindi ko pwedeng sabihin sa `yo `yon."               "Hanggang hindi mo sinasabi sa `kin ang dahilan mo ay hindi ako titigil na ligawan ka. Maghihintay ako at magpupursige."                 Humugot siya nang malalim na hininga.               "Ikaw ang bahala, Mack. Basta `wag mong kakalimutan na sinabi ko na sa `yo ang totoo."               Mapait itong napangiti.   MAPAIT ang naging ngiti ni Mack. Naihatid na niya si Vin sa bahay nito ngunit hanggang ngayon ay malinaw pa rin sa kanyang isipan ang sinabi ni Vin.   Hindi ito marunong magmahal.   Nagsisimula pa nga lang siya basted na agad. Kahit na ganoon hindi siya susuko. Hindi siya naniniwala sa sinabi nito. Alam niyang may kung ano itong tinatago at pinipigilan lang nito ang sarili. Alam niya na marunong itong magmahal. At kung may itinitibok man ang puso nito si Joen iyon. Pinapatibay pa ang isipin na iyon ng nakita niya na paghahalikan ng dalawa. May pagtingin si Vin kay Joen dahil kung wala hindi naman ito gaganti ng halik sa pinsan niya. Hindi at ayaw lang nitong aminin iyon dahil sa personal na problema. Kung ano ang problema na iyon ay gusto niyang malaman.               Hindi siya susuko na ligawan si Vin. Alam niya na makukuha niya ang puso nito.               Bumuntung-hininga siya.               Ang lapit lang ni Vin sa kanya pero mahirap itong abutin.               Magkaibigan nga sila pero may kung ano dito na hindi pa nito lubusang pinapakita sa kanila. Parang marami itong pinagdadaanan na ayaw ipakita sa iba.   MAGANDA ang tanawin na nasa harap ni Joen ngunit hindi niya iyon ma-appreciate. Wala kasi ang atensyon niya doon. Lumilipad ang utak niya patungo sa isang tao na naiwan niya sa siyudad. Gusto niyang tawagan o kaya ay i-text ito para mangumusta pero pinangungunahan siya ng takot. Iniisip niya na baka hanggang ngayon ay galit pa rin sa kanya si Vin. Galit? It was an overstatement. Wala naman sinabi si Vin na galit ito sa kanya. Sinabi lang nito na kailangan nitong mag-isip para sa kanilang dalawa.                Napabuntung-hininga siya.               "Tawagan mo kaya o i-text para mawala ang lungkot dyan sa mukha mo."               Isang blangko na tingin ang ibinigay niya sa nagsalita. Si Arkin iyon. Sa apat  kalahating na araw na kasama niya ito, agad niyang nakapalagayan ito ng loob. Ang kakumportablehan na nararamdaman niya dito ay katulad ng kay Vin.               Iniisip niya kung iniisip rin ba siya ni Vin katulad ng pag-iisip niya dito.               "Hindi pwede, eh." Matipid niyang sabi.               "Iniisip mo ba kung iniisip ka rin ng taong gusto mo?"               Tango lang ang itinugon niya.               "Gustong-gusto mo talaga siya, ano? Alam mo ba n’ung papunta tayo rito, habang sa sasakyan ka natutulog binanggit mo ang pangalan niya."                 Natatandaan niya ang sinabi nito. Kahit na bagong gising siya nang umalis sila sa bahay nila ay nakatulog pa rin siya sa sasakyan nito. And while he was asleep he had the most beautiful dream that he ever had. Nandodoon si Vin at magkasama silang dalawa. May ngiti ito sa mga labi at puno ng pagmamahal ang tingin sa kanya. At nang sabihin nito na mahal siya ay agad siyang sumagot ng mahal niya rin ito. Nababaliw na nga siya. Baliw na baliw na siya kay Vin.   Sumagot siya nang makita na tila naghihintay ito ng tugon mula sa kanya. "Natatandaan ko `yon,"                 "At habang tulog ka rin, binanggit mo ang isang pangalan at kasunod niyon ang mga salitang mahal kita. Sa pagkakatanda ko, Vin ang pangalan ng taong iyon.”               Napangiti siya. Hindi siya nakadama ng hiya kahit na nalaman nito na sa lalaki siya umiibig. "Sinabi ko ang mga iyon?"                 "Oo. Bilib ako sa `yo dahil hindi ka nahihiya kahit na lalaki ang minahal mo. Kahit sa panaginip siya lang."               "Kung alam mo lang, Arkin," aniya. "Ang totoo niyan ay hindi naman ako nahihiya na aminin na mahal ko siya sa ibang tao. Ang ikinakahiya ko ay ang sinabi ko sa kanya na hindi ako mai-in-love sa mga katulad niya. Hindi ko alam kung paano ko `yon babawiin. Hindi pa nga ako umaamin sa kanya pero basted na agad ako."               "Huh? Bakit naman? Paano mo nasabi `yan?"               "Inamin niya sa `kin ng harapan na wala siyang gusto sa `kin. Yes we shared a kiss but that kiss doesn't mean a thing to him. At iyon rin ang pinalabas ko pero ang totoo may kahulugan sa `kin ang halik na `yon."               "Kayo, lalo na ikaw ang nagpapagulo ng sitwasyon niyong dalawa. Imposible na wala siyang pagtingin sa `yo. Kahit na gaano ka pa kagaling humalik kung walang nararamdaman sa `yo ang hinalikan mo hindi siya gaganti. Trust me, Johanson, may pagtingin din sa `yo ang Vin na `yan. Just observe and show it to him. Hindi naman mahalaga ang salita, mas mahalaga ang gawa. Ang salita at pagsasabi ng 'I love you' sa isang tao ay walang bisa kung walang gawa. Show it to him first, then tell it afterwards."               "I'll take it as a reminder. Gagawin ko ang mga sinabi mo. Sa ngayon hahayaan ko muna ang pagkakalayo namin. Kapag umuwi ako ipapadama ko `yon sa kanya. Sasabihin ko na rin ang tototo kong nararamdaman. Iyon naman talaga ang plano ko n'ung una, eh. Ang kaso ay nasira dahil sa paghalik ko sa kanya."               Pumalatak ito. "`Yon lang ang problema, masyado ka kasing atat. Hindi ka makapaghintay sa tamang oras. Bago kasi umaksyon ay kailangan munang mag-isip. Sugod ka ng sugod, wala ka naman palang bala, `di mamamatay ka nyan."               "Vin also said that kind of thing to me," nakangiting sabi niya.               "Ganoon ba. He's really the one."               "May sinasabi ka?"               "Wala," pag-iwas nito saka nagpaalam sa kanya.               Naiwan siyang nakatingin sa dalampasigan. Papalubog na ang araw at kumakalat na ang kulay kahel na sikat niyon. Hinayaan niya na mabasa ang paa niya ng mahihinang alon. Napangiti siya habang nakatingin sa papalubog na araw. Kanina  malungkot siya dahil malayo siya kay Vin. Nang makausap niya si Arkin at payuhan siya nito tila nagkaroon siya ng bagong pag-asa. Sana nga tama ito sa isipin na kaya gumanti si Vin sa halik dahil may pagtingin ito sa kanya at hindi dahil magaling siyang humalik.               Ngunit may pag-aalala pa rin sa dibdib niya. Paano kung taliwas sa nararamdaman ni Vin ang mga sinabi ni Arkin? Na gumanti ito ng halik dahil wala itong pagtingin sa kanya kundi nadala lang ng init ng katawan?               Umiling siya. Hindi si Vin ganoon. Kailangan niyang maging positibo. Dapat  alisin niya ang mga negatibong bagay sa utak niya.                Isasaalang-alang niya ang mga sinabi ni Arkin sa kanya. Gagawin niya ang mga iyon oras na makabalik siya sa Manila. Sa piling ni Vin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD