bc

Target Lock

book_age18+
115
FOLLOW
1K
READ
billionaire
family
HE
opposites attract
arranged marriage
arrogant
kickass heroine
mafia
heir/heiress
sweet
bxg
lighthearted
polygamy
like
intro-logo
Blurb

Dahil sa kalokohan ng pinsan niya, nailigtas ni Kylie si Cupid Carson—pero pinagbintangan naman siyang kalaban ng aroganteng pinsan nitong si Blake.

Isang misunderstanding lang, biglang nauwi sa forced arranged marriage nilang tatlo!

Nawindang si Kylie dahil aware siya sa polyandry marriage, pero ibang usapan kapag siya na ang kailangang pakasal sa dalawang gwapong lalaki— plus pa-bonus pa na instant-mommy agad siya ng bibong anak ni Cupid!

Tanggap niya ang kanyang mini-sidekick, pero pass muna siya sa playboy nitong daddy at sa tito nitong araw-araw ay mukhang may dalaw.

Ngayon, kasama ang kaniyang maliit na kakampi, handa nang mag-amok si Kylie laban sa dalawa niyang soon-to-be husbands. Dahil sa pamilya Garcia, walang kasal-kasal... kung sino ang huling nakatayo, siya ang masusunod!

chap-preview
Free preview
chapter 1
"Kylie, iyong pinakamalaking shipment natin next week. Gusto ko ay ikaw ang mag-supervise niyon." "Copy, Dad," sagot ko sa pahayag ni Daddy Brenon habang pinagpatuloy ang pagse-selfie. Naghahanap ako ng magandang anggulo iyong magmumukhang stolen shot ang kuha para i-send ko sa pinsang si Fhel Ashley. Ang lukaret, gumawa ng account sa isang dating app tapos picture ko iyong ginamit. Hindi ako madamot kaya pinapasahan ko siya ng mga picture ko iyong pangmalakasan para hindi ako mukhang dugyot doon. "Ate, nangre-regards sa'yo iyong Kuya ng classmate ko," kausap sa'kin ng twelve years old kong kapatid na lalaki. Kakarating lang nito galing sa school. "Sabihin mo, patuli muna siya ulit," balewala kong sagot at muling ngumiti pina-side view sa camera. Nang tingnan ko ang kuha ay napamura na lang ako sa ganda ko. Grabe talagang genes meron ako, walang tapon, diyosang-diyosa! Iba talaga kapag Garcia! "Ate, iyong tito rin ng isa kong classmate, nangumusta," muli ay pahayag ni Alec. Isturbo ito sa pagse-selfie ko kaya kinuha ko ang baril na nakasulbit sa baywang ko kinasa at pinatong sa mesa bago siya binigyan ng makahulugang tingin. Isang salita niya pa at pupuntahan ko na iyong mga hinayupak na nangungumusta upang pagbabarilin. Araw-araw na lang ay ganito, palaging may nangungumusta. Anong akala nila sa'kin, sakitin? Tapos hindi pa ako direktang kakausapin at idadaan pa rito sa kapatid ko! "Kylie, no guns inside the house," bigla ay sita sa'kin ni Daddy. "Nandito tayo sa labas, Dad," paalala ko sa kanya. Totoo namang wala kami sa loob ng bahay, nandito kami sa gazebo malapit sa pool area. Bata pa lang ako ay kakaiba na ang training na pinagdaanan ko. Kung ang mga kaedaran ko dati ay nag-aaral sa normal na school, ako ay may sariling private lessons at private mentors. Kahit babae ay hinasa ako ni Daddy upang pumalit sa kanya bilang boss balang araw. Hindi iyong boss na nasa opisina lang at paperwork ang kaharap kundi iyong boss na may sukbit na baril at nagpapatakbo ng mga illegal na negosyong hawak ng pamilya namin simula pa no'ng magkaisip ako. Maliban sa legal na mga negosyo ng mga Garcia ay may iba pang pinagkakaabalahan ang ama ko. Konektado kami sa malalaking cartel, at isa sa kinikilalang haligi ng pinakamalaking mafia sa ibang bansa. Kahit sabihing hindi na gano'n ka-on-hands si Daddy sa mga operasyon ng mafia ay updated pa rin siya sa mga pagbabago at protektado pa rin siya nito. At bilang kasapi sa gano'n kalaking organisasyon ay wala sa pagpipilian ang tumiwalag. Ninong ko iyong dating Mafia Boss at si Daddy ang right-hand man nito, pero no'ng pumalit na ang anak ni Ninong ay tsaka lang din hinayaan si Daddy na mag-lie-low sa organisasyon. Pero hindi ibig sabihin ay hindi na siya bahagi niyon. Sa bawat malalaking transaction ng organisasyon ay hinihingi pa rin nila ang opinyon ni Daddy na kasalukuyang tinuturing na isa sa mga buhay na founder. Ako naman bilang susunod na tagapamahala ng sariling negosyo ng ama ko ay bata pa lang sumailalim na ako sa espesyal na training at pinakilala na rin sa council ng mafia. Sa edad na fifteen ay dalubhasa na ako sa paggamit ng iba't ibang kalibre ng baril lalo na at iyon ang pangunahing negosyo namin, mapa-legal man o illegal, at kasa-kasama na ako ni Daddy sa mga lakad niya. May alam din ako sa martial arts, pero hindi kasing husay ng kaalaman ko sa pamamaril. Eighteen ako no'ng una akong hinayaan ni Daddy na solong makipag-transaction sa ilang mga business associates namin. Ngayong twenty-five na ako ay on-hands na ako sa negosyo ng pamilya. Sampung taon ang age gap namin ng kapatid kong si Alec at gusto kong maranasan nito ang normal na buhay kaya pinagbutihan ko talaga ang bawat trabahong inaatang ni Daddy. Tuwing may malakihang shipment na kailangan kong i-supervise ay tinuturing kong libreng oras mula sa walang katapusang training ang gano'ng lakad kaya kadalasan ay sinasamantala ko. Sinabayan ko ng pleasure iyong business, at minsan ay sinasama ko pa ang ilan sa mga pinsan ko. Nakababatang kapatid ni Daddy si Tito Krino, at may anim itong mga anak na puro babae. Close ako sa mga iyon, pero pinakasundo ko ay si Fhel Ashley. May asawa na iyong dalawang nakatatandang kapatid ni Fhel Ashley na sina Ate Flor at ang ice queen na si Ate Evie. May pustahan nga kami ni Fhel Ashley kung hanggang kailan magtatagal iyong asawa ni Ate Evie sa kalamigan ng huli. So far ay hindi pa naman naging human popsicle si Kuya Trey. "Kylie, may bisita ka!" tawag ni Mommy sa'kin mula sa loob ng bahay. Agad kong naibaba ang hawak na cellphone, iisang tao lang naman kasi ang madalas na dumadalaw sa'kin na palaging tinataon sa oras ng kainan. "Magpalit ka na ng damit," utos ko kay Alec bago tumayo. Parang si Fhel Ashley ang kapatid kong ito, inuuna ang mga walang kwentang bagay. Sinukbit ko muna sa tagiliran ang baril ko bago pumasok sa loob ng bahay. "Kylie!" Ang energetic kong pinsan na si Fhel Ashley ang agad na sumalubong sa'kin. Hindi nga nagkamali ang una kong hinala. Nanunumbat kong tinapunan ng tingin si Mommy! Sabi kasi nito bisita ang dumating, eh halos dito na sa'min nakatira ang lukaret na 'to, eh! Nginisihan lang ako ni Mommy bago kami iniwang magpinsan. "Bakit ka na naman nandito?" nakataas ang kilay kong tanong kay Fhel. "Ise-send ko naman sa'yo iyong hiniling mong selfie." "Ate Fhel, pinalayas ka po ba sa inyo?" bigla ay singit ni Alec bago pa man makasagot si Fhel sa tanong ko. Nakalimutan kong nakasunod pala ito sa'kin. Ewan ko ba rito kay Alec, cute naman ito no'ng baby pa ito pero ngayon ay malaki ng isturbo at may pagka-tsismoso. Hindi ko mapigilang samaan ng tingin si Fhel Ashley dahil malakas ang kutob kong sa kanya namana ni Alec ang gano'ng ugali! "Wala akong ginawa!" mabilis na depensa ni Fhel Ashley nang mapansin ang tingin ko. "Tsaka, Alec, may sarili akong bahay, okay?" mayabang pa nitong baling sa kapatid ko. "Pero doon ka pa rin naman umuuwi sa bahay ni Tito Krino," paalala ng kapatid ko. "Syempre, dahil mami-miss ako ni Lecia, at ng kambal," humalukipkip na sagot ni Fhel Ashley. "At ayaw ni Mommy na bumukod ako. Kaya paanong papalayasin ako roon?" Tiyak na ikatutuwa ng mga kapatid niya kung wala siya sa bahay nila. At kaya lang naman ayaw ni Tita Vonnica na bumukod siya dahil wala itong tiwala sa kanya. Maliban sa taglay na kaartihan ay walang ibang alam na gawaing bahay ang pinsan kong ito. Lumaki man kaming sagana sa mga materyal na bagay ay tinuturuan pa rin naman kami ng mga basic na gawaing bahay. Itong si Fhel lang talaga ang hindi matuto-tuto. "Bakit ang dami mong dalang luggages?" tanong ng kapatid ko. Tsaka ko lang napansin ang mga luggage na nasa sala namin. Nang magsalubong ang tingin namin ni Fhel Ashley ay tinaasan ko siya ng kilay. "Hindi ka pwede sa kwarto ko," mariin kong pahayag. Mabuti na iyong unahan ko siya dahil baka matulad no'ng huli niyang pag-sleep-over na pareho kaming hindi nakatulog. Habang tumatanda kasi ay padaldal siya nang padaldal at palawak nang palawak ang tsismis network niya! Updated siya sa lahat ng mga scandal ng mga sikat na personalidad. Hindi pa man naibalita ay may source na siya! Pero in fairness ilang beses din namang nakatulong sa'kin ang pagiging tsismosa niya. Hindi ko na kailangan ang spy network ng sindikato, dahil minsan ay mas advance itong pinsan ko. "Hindi nga ako pinalayas," umingos niyang sagot. "Makikipag-meet ako sa nakilala ko sa dating app," excited niyang dugtong. Maang akong napatitig sa mukha niya, nangingislap ang kanyang mga mata habang sobrang laki ng pagkakangiti. Kahit ang kapatid ko ay maang ding napatitig kay Fhel Ashley na para bang bigla itong tinubuan ng dalawang ulo. "You're getting crazier," bulalas ni Alec. Nauna pa itong nakabawi kaysa sa'kin. Matino pa yatang mag-isip ang twelve years old kaysa rito kay Fhel Ashley. "At nakakainis ka na," namaywang na baling ni Fhel Ashley sa kapatid ko. "Hindi ko kailangan ang opinyon mo. Bawal ang bata sa usapang ito kaya shuupiiii!" Kumumpas pa ang kamay niya para itaboy ang kapatid ko. "Alec, akyat na, mapalit ka ng damit," pahinamad kong kausap sa kapatid ko nang akmang magsasalita pa ito. Sinabayan ko na ng masamang tingin ang sinabi upang matigil ang anumang pagpoprotesta nito. Wala na itong nagawa kundi ay sundin ang sinabi ko. Kahit naman makulit si Alec ay alam din nito kung kailan ako seryoso. Hinatid ko muna ng tingin ang kapatid at nang tuluyan na itong makaakyat ay tsaka ko hinawakan sa braso si Fhel Ashley at hinila sa isang sulok. "Ano na namang kabaliwan ang pumasok diyan sa utak?" sita ko sa kanya. Kulang na lang ay katukin ko ang bungo niya kung may lamang utak ba! "Hindi ito kabaliwan," nakabungisngis niyang sagot. "Makipag-meet lang naman ako." Hindi talaga maganda ang kutob ko sa plano niyang ito. Nah-high blood ako nang wala sa oras! "At dahil mukha mo iyong ginamit ko ay sasamahan mo ako," nakangiti nitong pagpapatuloy na tuluyang kumumpirma sa hindi maganda kong kutob. "Wala sa usapan natin iyan," nagngangalit ang mga ngipin kong sabi. "Tantanan mo ako sa ngiti mong iyan. Hinding-hindi ako papayag sa anumang kalokohang pinaplano mo—" "Huy! Huwag ka munang magsalita ng tapos," mabilis niyang putol sa pagsasalita ko. "Hindi mo pa nakita ang hitsura no'ng makaka-meet ko," kumindat pa niyang dugtong. "Wala akong pakialam," pabalang kong tugon. "Malay mong katulad mo rin iyan na gumamit ng mukha ng ibang tao," nayayamot kong dugtong. "Hindi ka sure," nakangisi niyang sagot. "Na-legit ko na 'to. Confirmed, siya talaga ang nasa picture na ginagamit niya." Lukot ang mukhang tiningnan ko siya nang masama. "Paanong legit check?" nagdududa kong tanong. Nagngangalit na ang ngipin ko at nangangati ang kamay kong barilin na lang siya para mabawasan ang gigil ko. "Nagpa-send ako ng picture niya na may time-stamp," sagot niya. Proud na proud pa ang bruha. "Tapos hindi ko siya ma-search sa Google lens kaya legit talaga!" "Dati naman ay reliable ang mga source mo sa tsismis," nayayamot kong usal habang pilit na dinededma ang nakakairita niyang ngiti. "Bakit ngayon parang pumapalpak ka na?" "Magtiwala ka kasi sa'kin," nangungumbinsi niyang pahayag. "Hindi ba lilipad ka sa Freglio?" nakangisi niyang tanong. Napatuwid naman ang tayo ko, confidential ang tungkol sa transaction namin sa Freglio na isang monarchy country na katapat lang ng Austramica. Naroon sa bansang iyon ang main headquarters ng Mafia na kinabibilangan ni Daddy. Ang mga ganitong impormasyon ay hindi lang basta nahahagilap sa tabi-tabi, pero dahil si Fhel Ashley ang kausap ko ay hindi na iyon nakapagtataka! Iyon nga lang ay hindi ko maiwasang mabahala. Hangga't maaari ay ayokong makuha niya ang atensyon ng Mafia. Hindi siya maililigtas ng pagiging magpinsan namin kung sakaling may magawa siyang hindi magugustuhan ng mga taong naroon. Sa mundong kinagisnan ni Daddy, walang halaga ang dugo o relasyon kapag pumasok ka sa teritoryo nila nang walang pag-iingat. "Guess what? Naroon sa Freglio itong ime-meet natin!" nangingislap ang mga matang dugtong ni Fhel. "Kaya sasama ako sa'yo papunta roon. Two birds with one stone. Magagawa mo iyong business transaction doon, at ma-meet natin si Cupid." "Cupid?" takang pag-uulit ko. "Yeah, iyon ang pangalan niya... Cupid," proud niyang pahayag. "Pangalan pa lang, hindi na mapagkatiwalaan," naiiling kong usal. Napabuntong-hininga na lang ako sa isip ko. Mukhang kahit ayaw ko ay kailangan ko talagang samahan itong pinsan ko. Desidido na siyang katagpuin ang lintik na Cupid na iyon. Kahit papano, kapag naroon ako sa tabi niya, maaari ko pa siyang mailigtas kung sakaling bad news ang lalaking 'yon. Marahas akong napabuga ng hangin nang maalalang mukha ko nga pala ang gamit ni Fhel Ashley. "Paano kung sa mukha ko ma-in-love iyang Cupid mo?" hamon ko kay Fhel Ashley. "Eh, 'di mas mabuti!" nakabungisngis niyang sagot. "Wala na akong magiging kaagaw kay Lawrence San Martin!" Sinundan pa nito ng pangkontrabidang halakhak ang huling pahayag. Hanggang ngayon talaga ay panira ang babaeng ito sa future namin ni Lawrence my loves!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Unscentable

read
2.1M
bc

He's an Alpha: She doesn't Care

read
834.9K
bc

Claimed by the Biker Giant

read
2.1M
bc

Holiday Hockey Tale: The Icebreaker's Impasse

read
1.0M
bc

A Warrior's Second Chance

read
386.3K
bc

Not just, the Beta

read
362.6K
bc

The Broken Wolf

read
1.2M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook