Sa narinig ay hindi ko na napigilang tumingin kay Cupid. Agad namang nagtagpo ang paningin namin kaya pasimple ko siyang pinaningkitan ng mga mata. Kung nataon lang na pumabor sa kanya ang walang injury kong paa ay nasipa ko na siya sa mukha! Hindi ko masabi kung aware ba siya sa huli niyang pahayag, kung saan ay parang dineklara na niya sa mga nakarinig na pareho kami ng authority pagdating kay Chailyn. Literal na umalingawngaw sa pandinig ko ang pahayag niya, pati ang ginamit niyang endearment s sa akin sa harap ng mga kamag-anak niya na para bang pamilyar na pamilyar at natural na natural sa kanya. Pilit kong binawi ang tingin ko sa kaniya, ibinaling ang atensiyon sa table napkin ko na para bang ito ang pinakamahalagang bagay sa buong mundo. Rinig na rinig ko ang bahagyang pagtawa ng

