Pagkatapos ng tawag namin ni Mommy ay agad kong pinaalam kay Carlos ang tungkol pagdating bukas ng pinsan kong si Fhel. Kahit pinilit ni Carlos na magmukhang pormal ang ekspresyon ay hindi nakaligtas sa paningin ko ang bahagyang pagkunot ng noo nito. Matagal na siyang naglilingkod sa pamilya ko kaya alam na niya ang mga kaganapan tuwing nagkakasama kami Fhel. Pagkatapos ay hinanap ko sina Cupid at Blake, kahit na ayaw ko sana munang makaharap ang mga ito. Kailangan kong ipaalam sa kanila ang pagdating na pinsan ko. Bahay nila ito, at kahit na una nang sinabi ni Tito Felan na welcome dito ang kahit na sino sa pamilya ko ay mabuti nang malinaw. Ayoko namang bigla na lang sumulpot si Fhel dito nang walang babala. Pareho pa rin kaming bisita rito, at hanggat maaari ay ayaw kong magkaroon ng

