Kinabukasan ay kailangan nang bumalik ng Pilipinas ni Fhel habang ako naman ay pupunta na sa mga Carson. No'ng nakaraan ay hindi ko pa ramdam ang bigat ng sitwasyon pero ngayong nakikita ko sa labas ng bahay namin dito sa Freglio ang entourage ng mga sasakyang maghahatid sa'kin ay unti-unti nang nag-sink-in sa'kin ang lahat. Samu't saring mga pangamba at katanungan ang nag-uunahan sa utak ko. At sa unang pagkakataon ay nakaramdam ako ng kakaibang nerbyos sa gagawin kong ito. Kahit sa gitna ng barilan ay hindi ako nakakaramdam ng ganitong pagkabalisa. "Sure ka bang hindi mo ako kailangan doon?" untag sa'kin ni Fhel. Nakaimpake na lahat ng gamit niya at kasalukuyan na lang naming hinihintay si Ate Evie na bumaba. Kausap pa ni Daddy si Ate Evie, tiyak ay may mga binilin ang ama ko upang

