Parang may fiesta sa buong estate ng mga Carson, pero ang mga bisita ay sila-sila lang din. Magulo... na masaya! Walang pinagkaiba ang samahan ng angkan nila sa aming mga Garcia. Sila iyong mga loyal at fiercely protective sa bawat isa. Sa bawat babaeng nakabihag sa mga Carson, kahit iyong nasa polyandry set-up ay nakikita kong princess treatment ang natatanggap mula sa kani-kanilang mga partner. Kahit si Alex na may dalawang asawa rin, at mag-ama pa ay kitang-kita ko ang pagiging kontento at saya sa buhay may asawa. Kakatwa ring wala akong naramdamang pandidiri o panghahamak sa pagsasama nila sa kabila ng kinalakihan kong paniniwala na ang kasal ay para lang sa dalawang tao. Panibagong mukha ng pagsasama at pagmamahalan ang pinakita sa'kin ng mga Carson. Sino ba naman akong husgah

