Pagkababa namin ng SUV ay diretso na kami sa nakakaintimida at napakatayog na pintuang gawa sa maitim na bakal na Pagkapasok na pagkapasok pa lang namin sa mismong loob ng headquarters ng The Pillars, ramdam na agad ang kakaibang bigat sa hangin. Ang buong paligid ay nakaiintimida—mula sa matataas na kisame, mga mamahaling chandelier na may malamlam na liwanag, hanggang sa mga pader na gawa sa madilim na polished concrete at marble. Tahimik ang buong lugar, at ang makapal na tension ay halos makasakal sa sinumang hindi sanay sa mundo ng mafia. "Kylie," pabulong ngunit maarte tawag sa'kin ni Fhel habang patingin-tingin sa paligid. Muntikan ko nang nakalimutan na kasama ko pala siya kaya aasahan ko nang walang nakakasakal na tension ang hindi kayang basagin ng kabaliwan niyang taglay. "

