WALANG patid ang ngiti ni Aryana ng pumasok siya sa opisina nila.
Napasukan niya ang dalawang kasamahan maagad ang mga ito pumasok. Sinulyapan niya ang desk ng binata hindi pa ito nakarating.
“ Good morning”masigla niyang bati sa dalawang kasamahan.
" Aryana, iba ata ang aura mo ngayon?" puna ni Sandra sa kanya
Huminto siya sa paglakad sa tapat ng mesa nito " Ano naman ang aura ko?"
" Tila ba nabubuhay ang dugo mo mula sa kaugatan." Na ngingiti nitong sabi.
" Saka iba na ang mga pananamit mo. Ano ba ang meron?" Sabad ni Marnila.
" Wala. gusto kulang magpalit ng wardrobe." tugon niyang nagtutuloy sa paglakad papunta sa kanyang mesa.
" Iba talaga ang aura mo parang may inspiration kana ata." Tukso ng dalawa
Kakaupo niya lang sa kanyang silya ng bumukas ang pintuan ng office.
Sabay silang na palingon sa bumukas na pinto at pumasok si Christian.
" Good morning ladies!” nakangiti nitong bati sa kanila
“ Good morning sir Christian!” halos magkasabay nilang bati sa amo.
" Ano ang meron kay sir, at binati tayo ng una?” tanongni Sandra kay Marnila
" Inferness ang pogi ni sir ng pumasok." kinikilig na sabi ng dalawa. “ ang guwapo ni sir” tili ng dalawa
" Ikalma niyo na nga iyang ovaries niyo may nag mamay-ari na niyan.” Natatawang biro niya sa dalawa na walang humpay sa pagkakilig.
“ Sino naman ang nag mamay-ari niyan?” tanong ni Sandra sa kanya.
“ Baka ikaw.” Biro ni Marnila sa kanya.
Bigla namula ang kanyang magkabilaang pisngi.
“ Hala! Hala! Bakit ka nag ba-blush?” natatawang tanong ni Marnila
Pakiwari niya hindi na niya maitago ang kilig na naramdaman para sa binata“ Ganito ba talaga ang nararamdaman kapag may ka fling fling ka? Para akong bumabalik sa pagka bata.” Sa isip niya
Buong buhay niya ngayon lang siya nagkaka ganito. “ Lubayan niyo nga akong dalawa. Mag tatrabaho na nga tayo.”
Napatingin siya sa gawi ng binata nag ka salubong ang tingin nila na una siyang nag baba ng tingin. Tinablan na siya ng hiya para rito.
“ Ano ba itong naramdaman ko bakit bigla ako nakaramdam ng hiya sa kanya?”
“ Mahal mo na ata.” nagtatalong kalooban niya.
Napawi ang kanyang saya ng maalala na hindi siya gusto nito.
“ Letse, kasi iyang seductive at hot looking na iyan eh! bakit paba na uso yang ganyan.” Hiyaw ng isipan niya.
Bumukas ang pinto at pumasok si Sandoval. Si Sandoval ay isa ding successful na businessman. Sa edad nitong 30 single pa rin ito. Sa guwapo nitong hitsura ay wala pa itong nobya. Tama lang ang tindig ng binata si Sandoval. Kapag ngumingiti ito para kang lolonurin sa dalawang malalim nitong biloy sa magkabilaan.
Tumitili ang dalawang kasamahan ng makita ang guwapong si Sandoval
“ Hi sir Sandoval.” Sabay na bati ng dalawa.
Tinapunan siya nito ng tingin. Nginitian niya ito bahagya naman ito ngumiti sa kanila saka nagtutuloy sa mesa ni Christian.
“ Pare na gawi ka?” Nakangiting tanong ng binata saka tumayo ito para e shake hands ang kamay ng kaibigan.
“ Nakalimutan mo yata ang kaarawan ko bukas iinvitahan sana kita” anitong umupo sa harapan ng mesa ng binata.
“ Syempre naman darating ako” masigla nitong tugon sa kaibigan. Mayamaya pa ay hindi rin nagtagal si Sandoval nag papaalam na itong umalis.
Naging abala sila sa kanilang trabao hanggang sa sumapit ang hapon.
“ Aryana, sama ka mag malling tayo?” Aya ni Sandra ng sumapit ang alas singko
“ Naku sa susunod nalang ako may gagawin pa ako.”
“ Sige sasunod nalang pag planohan nalang natin.”
“ Ano hindi ka ba sasabay sa amin ngayon, uuwi?” tanong sa kanya ni Marnila habang inayos nito ang mga gamit.
“ Mauna nalang kayo may tatapusin lang ako saglit.”
Hindi na siya kunilit ng dalawa. Agad itong nagpaalam sa boss.
“ Ini-invitahan ako ni Sandoval sa party niya bukas gusto kong sumama ka.” ani Christian sa kanya. Ng maiwan silang dalawa sa opisina.
“ Are you asking me to go out with you?” nakangiti niyang tanong sa amo.
“ Im not asking you. Im telling you. Gusto kung subukan natin iyang natutunan mo.Tignan natin kung mayroon bang magka interest sa iyo doon.” seryuso nitong sabi sa kanya. Inisip ni Christian, madami dadalo bisita sa kaarawan ni Sandoval baka doon makahanap si Aryana ng lalaki magkaka intresado sa dalaga.
“ Pinamigay mo talaga ako.” maktol ng puso niya.
May namuong paraan sa kanyang isipan.” hmm....seductive hottest gusto mo. Wait and see tomorrow” Sa isip niya.
“ Susunduin kita bukas, sa bahay niyo” pukaw nito sa kanyang panahimik.
“ Okay, pupunta ako pero hindi ako sasabay sa iyo. Mag kita nalang tayo doon” sabi niyang hindi tumingin rito.
“ And why is that?” naka kunot-noo nitong tanong sa kanya.
Nginitian niya ito “ I just want to.”sabi na lamang niya dito.
Sa kanyang isipan bubulugain niya ito bukas sa naisipan niyang gagawin pag-aayos para sa sarili.
Note; Up next na kay Amber