NAG paalam si Aryana kay Christian na mag half day muna siya. Ngayon gabi ang punta nila sa party kailangan paghandaan ang “ seductive hottiest na iyan” aniya sa sarili
“ ANAk, maaga ata ang uwi mo ngayon? May problema ba?” agad na tanong sa kanya ng ina ng makita siya nito. Ngayon lang siya naka uwi ng maaga.
“ Ma, nag halfday lang po ako may lakad kasi kami mamayang gabi” tugon niya sa ina saka humalik siya sa pisngi nito.
“ Bakit po ba kayo bihis na bihis?”puna niya ng mapansin ang ayos nito.
“ Pupunta muna ako sa tita Solen mo. Isang linggo lang ako don. Alam mong kakamatay lang ng asawa niya. Kailangang damayan ko muna” anang ina
Si Solen ay bestfriend ng kanyang ina.
Dati nila itong kapit bahay kaya nag kakila ito at ang ina. Lumipat ito ng tirahan ng makapag asawa ito ng taga San Agustin.
Kahit medyo malayo na sa isat isa ang dalawa. Nag bibisitahan parin ang ina at ang kumare nito. Minsan nag oover night sa kanila ang bff nito.
Ayon sa kanya ng ina, may dating bff ang ina nong kabataan nito. Kaya lang nag-away daw ang mga ito at mula noon hindi na nagkaroon ng chance mabalik ang nasira pagkakaibigan. Gusto niyang malaman kung sino iyon, pero ayaw naman sabihin ng ina.
“ Ano Aryana aalis na ako.” untag sa kanya ng ina
“ Sige ma mag ingat po kayo, regards mo nalang ako kay tita Solen ma” aniya hinatid ng niya ng tanaw ang papalayong ina.
Pagka alis ng ina agad siya naghanap ng msusuot niya para mamayang gabi. Nag punta din siya ng mall para e pamper ang sarili.
“ IBA TALAGA pag wala si Aryana.” ani Sandra sa kasama si Marnila
“ Ngayon lang ata nag halfday iyong lukarit na iyon, ano kaya ang meron?” nagtatakang tanong ni Marnila
“ Baka may mahagang lakad lang. Itanong mo kaya riyan” ani Sandra sabay nguso kay Cheristian na panay lingon sa kanila.
Hindi nila alam anong iniisip ng amo. Parang bigla itong naging strangers sa kanila lately.
HINDI lubos maisip ni Christian kung bakit ayaw magpa sundo ni Aryana. “ Saka bakit ito nag halfday?”
“Sandra, bakit daw nag halfday si Aryana?” hindi niya matiis na itanong sa dalawang taohan.
“ Hindi po namin alam sir eh” tugon ni Sandra sa kanya
“ Wala siyang sinabi sa inyo?” balik niyang tanong
“ Wala po. Sir, diba po nagpaalam siya sa iyo, wala po ba siyang sinabi na dahilan?” sabad ni Marnila.
Umiling iling lamang siya, bilang pagtugon sa dalawa.
“ Bakit mo ba gusto malaman, ang dahilan ng pag half day niya?” tanong ng isang bahagi isipan niya.
Hindi niya ma tiis ang sarili na wag itong e text.
Kinuha niya ang celphone nasa ibabaw ng kanyang mesa at nag compose ng message “ Don’t be late tonight.” saka pinindot niya ang send button.
Hinantay niyang replayan siya nito.
Panay siya silip sa celphone kung nagreply ba ito ngunit walang message nakalagay sa screen ng kanyang celphone.
Umabot ng dalawang oras hindi parin inag reply si Aryana.
“Ano kaya ang ginagawa ng babaeng iyon, bakit hindi nagreply sa message ko? Impossible naman hindi nito iyon nabasa” bulong niya sa sarili saka muling nagcompose ng message.
“ Wag mo ko indiyanin mamayang gabi kung ayaw mong kakaltasan ko ang sahud mo.” sinuri niya muna iyon ng maigi bago niya naisend.
Mabilis pa sa alas kwatro nagreply si Aryana sa kanya.
Napangiti siya ng makita ang pangalan ni Aryana sa screen ng kanyang celphone. Binuksan niya ang message nito.
“ I won’t.” maikling tugon nito sa text niya.
“ Takot ka naman pala makaltasan.” Na ngingiti niyang sabi sa sarili.
Sinandal niya ang ulo sa sandalan ng kanyang inuupuan. Inalala ang mga babaeng makikita niya mamaya sa party. Na ramdaman niya ang pag tigas ng nakatagong bagay sa ilalim ng kanyang brief.
“ What’s the matter with me? Naisip ko lang ang mga blonde na babae tinayuan ako.” Nakangiting sabi sa kanyang sarili.
Tumayo siya at lumabas ng opisina. Naisipan niyang puntahan ang kaibigan niyang sablay ang si Jolo.
“ ANO ang ginagawa mo dito?” Takang tanong nito ng makita siya.
“ Mag aalas singko na hindi kapa nag bibihis? Ayaw mo bang pumunta sa birthday ni Sandoval?”
“ Pupunta ka din?”kunot-noo niyang tanong.
“ Bakit kayo lang ba ang mag kaibigan?” Nakangiti nitong sabi saka tinapon nito ang hawak nitong bola sa kanya.
“Sigurado akong madaming mga girsl doon” natatawa nitong sabi
“ Sus, madami nga babae roon, dika naman maka score eh” tukso niya rito
“ Ay, grabe siya!” sabi nitong umupo sa sofa.
“ Inaya ko pala si Aryana sumama sa akin.” seryuso ang kanyang mukha tumabi ng upo rito.
“ Are you asking her a date?” hindi makapaniwalang tanong nito sa kanya.
“ Hindi naman date iyon. Gusto ko lang siya isama. Malay mo nandun pala ang magiging boyfriend niya”
“ Bakit ba kasi hindi mo nalang iyon ligawan, bagay naman kayo” buyo nito sa kanya.
“ Ilang beses ko bang sabihin sa iyo, she is not my type.” mariin niyang sabi
“ Ewan ko sa iyo. Bahala ka na nga sa buhay mo. Baka darating ang araw magbago ang ihip ng hangin at kainin mo iyang sinasabi mo” ani Jolo sa kanya.
“ Maganda naman si Aryana kaya lang, alam mo naman ang mga type ko. Yon bang kapag na daanan mo hindi ka mag sasawang tumingin. Tapos iyong medyo naka pouch ang labi. Ala Angelina Jolie.” Nakangiti niyang sabi.
“ Taas talaga ng standard mo. E pare baboy lang nakikita ko dito naka pouch ang labi.” Natatawang sabi ni Jolo na napakamot sa ulo.”
“ G**o maka alis na nga lang na babadtrip ako sa iyo.” Nakasimangot niyang sabi saka nag mamadaling umuwi sa kanila ng makapag bihis.
“ ANG guwapo naman ng anak ko.” Bulalas ng ina ng makita siyang bumaba ng hagdanan.
Naka sout siya ng blue long slave at black pants na tinirnohan ng black suede leather shoes.
“ Bagay ba ma?” nakangiti niyang tanong sa ina.
“ Oo naman, kahit ano pa isuot mo guwapo ka parin” anang ina
“ Sinabi mo lang iyan dahil mama kita”
Inayos ng ina ang kwelyo ng sout niya” Kahit hindi pa kita anak, guwapo ka talaga. Bagay kayo ni Aryana” nakangiti hirit nito sa kanya
“ Mama naman eh, lagi mo talaga sinali si Aryana sa usapan natin” naiiling niyang maktol rito.
Buti nalang din pinaalala ng kanyang ina. Kinuha niya ang celphone mula sa kanyang bulsa at tinext niya ito.
“ Be there at 7 oclock.” aniya sa message.
Gusto man niyang sunduin ito pero sa kadahilanang hindi niya alam na ayaw nitong magpa sundo. Kaya hinayaan na lamang niya
MADAMI na ang bisita ng dumating si Christian sa party ni Sandoval.
Nakita niya ang dati nilang kaibigan si Melissa. Maputi ang babae na may kapayatan ang katawan. Naka sout ng long dress na maypag ka gold ang kulay at spaghetti ang strap. Base sa galaw at sa kasoutan nito ay isa itong modelo.
“ Aalis pala ako, papuntang U.S ani Melissa sa kanya ng magka usap sila.
Hindi sadyang nahagip ng mata niya ang isang sexy na babaeng ka usap ni Jolo.
Naka sout ito na kulay pula at backless dress na hindi lagpas sa tuhod ang haba. Tumalikod ang babaeng kausap ni Jolo tila may hinahanap. Tanging pang upo lang nito ang natatakpan ng tila mula sa likuran. Pomorma ang ma umbok nitong puwet. Naka curly ang v-shape layered na buhok at naka sout ng black high heels na nasa 6 inches ang taas.
Hindi ma alis ang kanyang mga mata sa babaeng kausap ni Jolo. na curious siyang sino ang babaeng iyon.
“ Hello! Chrstian ano ba, kanina pa ako nag sasalita dito.” naiinis na sabi sa kanya ni Melissa. Ng mapansin nito ang kanyang mga mata nasa babae nakatalikod sa kanila.
“S-sorry.” tugon niya na hindi parin inalis ang tingin kina Jolo.
“ Diyan kana nga” naiinis na iniwan siya ng babae.