KINABAHAN si Aryana habang naglalakad papasok sa bakuran nina Sandoval. Madami ng mga bisita roon.
Hindi niya mahanap ang among si Christian. Natanaw niya si Sandoval sa di kalayuan may kausap itong mga bisita. Minabuti niyang magpalakad lakad muna baka makit niya si Christina.
“ Tignan ko lang kung hindi pa kita maakit dito sa ayos ko” bulong niya sa sarili.
Hindi niya napansin si Jolo naglakad papunta sa gawi niya.
“ Aryana?” kunot-noo sambit ni Jolo ng makalsalubong niya ito.
“ Hey, Jolo” nakangiti niyang sabi rito.
“ My God! Aryana, you look so beautiful.” Bulalas ni Jolo hinagod siya ng tingin. Halata sa mukha nitong hindi makapaniwala sa bago niyang ayos.
Halos luluwa na ang kanyang dibdib sa style ng kanyang damit na v-shape ang harapan. Habang ang kanyang likud tanging pang upo niya lang ang natatakpan ng tila. Pinakulayan niya ang mahaba niyang buhok.
“ Maganda kana noon pero mas lalo kang gumanda ngayon. You look so seductive with your outfit. Kung hindi ka lang binuyo ni tita kay Christian baka liligawan na kita.” natatawang sabi ni Jolo sa kanya.
Para siyang dinuduyan sa kanyang narinig na “ Seductive.” Ito ang hinahap ng gonggong naiyon.” bulalas niya sa sarili.
Ramdam niyang nagpaparty ang kanyang ka looban sa sinabi ni Jolo.
Napalingon siya sa gawi ni Christian. Biglang na pawi ang kanyang mga ngiti ng makita ang binatang kausap ang isang modelong babae.
“ Bagay sa iyo ang kulay ng iyong buhok .” Pag patuloy nitong puri.
Hindi nila namalayan ang paglapit ni Sandoval sa kanila.
“ Aryana is that really you?” Bulalas nito ng malapitan siya.
Ngumiti siyang humarap sa celebrant
“ Happy birthday mr Sandoval.” bati niya rito.
“You look so hot Aryana.” Para siyang matunaw sa malagkit nitong titig sa kanya.
“ Sandoval nalang ang itawag mo. Kalimutan mo na ang mr, it’s too pormal .” nakangiti nitong sabi sa kanya.
“ Pari, happy birthday” bati ni Jolo sa kaibigan.
“ Thank you tol” ani Sandoval sa kaibigan saka nakikipag kamay ito kay Jolo.
“ Can we dance?” Aya ni Aryana ng makita niyang papalapit sa kanila si Christian.
“ Sure!” agad na tugon ni Sandoval at nilahad nito ang kamay sa harap niya.
Inalalayan siya nitong pumunta sa gitna. Hinawak niya ang mga kamay sa balikat nito saka hinawak ang mga kamay nito sa kanyang maliliit na baywang.
Ramdam niya ang palad nito sa walang takip niyang likuran.
“ Talagang na surprise ako sa hitsura mo ngayon.” Nakangiti nitong sabi habang naka titig sa kanya ang malamlam nitong mga mata.
Tumingin siya sa gawi ni Jolo nakita niyang naka tayo si Christian habang nakatingin sa kanilang dalawa ni Sandoval na sumayaw.
“ Manigas ka ngayon. Naka tulong din pala ang pag sesearch ko ng dapat soutin ng mga seductive woman at hottest na pinag sasabi mong mokong ka.” Napangiti siya ng makita ang hitsura nito titig na titig sa kanya.
Pinulopot niya ang mga kamay niya sa leeg ni Sandoval.
Binaba naman nito ang mga labi na tila hahalikan siya nito, inilapit niya ang kanyang labi sa tainga ni Sandoval. She look so hot and sexy sa position niyang iyon.
“ Ma upo na tayo?” bulong niya na iniinggit niya si Christian.
HINDI mapakali si Christian, habang nakatingin kina Aryana at Sandoval na malambing sa isa’t isa. Siya man sa sarili hindi siya makapaniwala sa transformation ni Aryana. “ Paano siya, mag damit ng ganyan, at kumilos ng gaya ng mga babae pinapantasya ko?” naitanong niya sa sarili.
“ Tawagin mo si Aryana, papuntahin mo dito.” Balisa niyang utos kay Jolo ng makita si Aryana na hinalikan si Sandoval.
“ Aba! bakit ko iyon tatawagin wala naman akong kailangan sa kanya.” Nangingiting tugon ni Jolo sa hindi mapakaling kaibigan si Christian.
“ Tawagin mo mukhang ikaw naman tong maykailangan sa kanya eh” ani Jolo sa kanya.
Gustong gusto niyang lapitan ang dalawang nag lalampungan.
“ Nag sisi tuloy akong sinama ko siya. Kung alam kulang na mag lalandi pala iyan dito, hindi ko nalang sana sinama pa” sabi niya hindi inalis ang tingin sa dalawa.
“ Diba iyan naman ang gusto mo? Ang may mag ka intresado sa kanyang lalaki? Ayan na oh! si Sandoval na ang sagot ng problema mo, ano pa ang pinag puputok ng butchi mo?” ani Jolo nakatingin sa kanya.
“ Ayaw kong ma punta siya kay Sandoval alam naman natin na playboy iyan. Papaiyakin lang niyan si Aryana.” paghihimagsik niya.
Sa kaibituran ng puso niya, hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit ayaw niya itong makita may ka sayaw na ibang lalaki.
“ Nag salita ang hindi playboy.” sabi ni Jolo” ano nagseselos ka lang ata eh” tukso nito sa kanya.
Mayamaya pa nakita niyang hinawakan ni Sandoval ang kamay ni Aryana at inakay ito papunta sa table.
Hindi niya napigil ang sarili lapitan ang dalawa na noon ay nakaupo na.
“ Saan ka pupunta?” tanong ni Jolo sa kanya.
“ Puntahan ko lang si Aryana” tugon niya saka nagtuloy sa paglakad papunta kina Aryana.
MASAYA silang naghaharutan ni Sandoval. Nilapit ni Sandoval ang bibig nito sa kanyang tainga. Humagikhik siya na tila nakikiliti siya sa pagbulong nito sa kanya.
“ Aryana, ano ba iyang sinusout mo. Halos mag hubad kana?” inis na sabi ni Christian ng malapitan sila nito. Halata sa tuno ng boses nito na pigil huwag tumaas.
“ Oh, andiyan ka pala” nakangiti niyang sabi ng i-angat niya ang tingin kay Christian.
“ Bagay naman sa kanya at napaka seductive niyang tignan.” pagtanggol ni Sandoval sa kanya.
“ Bakit mo pinagupitan ang mahaba mong buhok?” Pagpatuloy nito na hindi pinansin ang sinasabi ni Sandoval.
Gusto niyang humahalakhak sa hitsura ni Christian, ngunit pinigilan niya ang sarili “ Gusto ko lang. Saka maganda naman tignan. Bagay nga sa akin sabi ng baklang nag gupit nito.” Naka ngiti niyang tugon rito.
“ Pare, hiramin ko lang sandali si Aryana.” baling nito kay Sandoval at akma hawakan siya sa kamay.
“ Dito lang ako nag uusap pa kami ni Sandoval.” mabilis niya tanggi rito.
“ Wag mo kalimutan na boss mo ako.”
“ Bakit ba kung boss kita, e hindi naman oras ng trabaho ko ngayon.” Matapang niyang sagot dito.
Halata sa hitsura nito nabubugnot na ito sa kanya. Na isabunot ng mga daliri nito ang sariling buhok sa subrang inis na naramdaman sa kanya.
“ Aryana gusto lang naman kitang kausapin.” anito pigil na pigil ang sarili.
“ Pwedi mo naman akong kausapin bukas sa opisina eh” pang-iinis niya rito.
Nakita niya ang pagkuyom ng mga kamay nito.
Bumulong ito sa kanya. “ Wag mo akong inisin Aryana ha, naiinis na ako” nang gigil nitong sabi sa kanya.
hindi niya rin maintindihan ang kinikilos nito” nag seselos ba ito?” sa isip niya.
“ Ano ba iyang sasabihin mo sa akin? Hindi ba iyan makapag hintay bukas?” pang iinis niya.
Nahilamos nito ang isang palad sa mukha.
“ Aryana” bulalas nito sa inis.
Gusto niyang humahagalpak ng tawa. Hinawakan nito ang kanyang kamay
“ Halikana Aryana, mag uusap lang tayo” anito nakakuyom ang isa nitong kamay.
“ Pare, baka pwedi hayaan mo nalang muna si Aryana, nag uusap pa kami” ani Sandoval
“ Hindi, kailangan ko siyang kausapin” giit ni Christian nakipag titigan kay Sandoval.
Bumuntong hininga siya “ Kausapin ko lang ang amo ko” aniya kay Sandoval.
Saka tumayo siya, hinila siya ni Christian papunta sa nakaparadang sasakyan nito.