A beautiful You Episode 17

1296 Words
BAGO pa mag amok ang among si Christian tumayo na si Aryana. Ayaw niya naman mag escandalo ito dito ng dahil lang sa kanya, maka sira pa sila ng party. " Sandali lang Sandoval ha? Kakausapin ko lang to amo ko” saka tumayo siya. Sa kaibutoran ng puso niya nag diwang siya. Tila nag seselos na ang binata kay Sandoval. “ Ano ba? madadapa naman ako sa kakahila mo sa akin eh!” angil niya kay Christian. “ Ano ba ang nangyari sayo at nagkaka ganyan ka?” “ Sakay” utos nito sa kanya nang binuksan nito ang pintuan ng passenger’s seat. Tila hindi nito narinig ang tanong niya “ Bakit ba, saan ba tayo pupunta?” kunot noo niyang tanong. “ Basta sumakay ka” anito sa mautoridad na boses. Hindi niya alam kung bakit sumunod naman siya rito. Mabilis nito sinara ang pinto ng makapasok siya sa loob ng sasakyan. Ata agad itong umikot papunta sa driver seat. “ Ano ba ang nangyayari sayo? Bakit kaba nag kakaganyan?” ulit niyang tanong ng makaupo na ito. Tumingin ito sa kanya " Hindi ko gusto ang lumalandi ka kay Sandoval." mariin nitong pagka sabi. " Hindi ko naman siya nilalandi ah! Saka ayaw mo ba non, may nagka intresado na sa akin? Diba iyon naman ang gusto natin pareho?" naiirita niyang sabi rito " Oo, pero wag si Sandoval." " Bakit ano ba ang mali kay Sandoval? Guwapo naman siya ah” sabi niyang tinitigan ito. Ipinasok nito ang susi sa ignition ng sasakyan. " Wala basta ayaw ko sa kanya." sabi lang nito. " Nag seselos kaba sa kanya?” deretsahan niyang tanong rito. " Ako? mag seselos? Bakit naman ako mag seselos hindi naman kita nobya. Saka ayaw ko iyang sout mo parang luluwan na iyang kaluluwa mo at saka diyan sa bagong kulay mong buhok, ayaw ko riyan” sabi nitong pinaandar ang sasakyan. " Sabi nga ni Sandoval seductive daw at hot akong tignan eh” Inayos ayos niya pa ang dibdib niya. Para asarin ito. " Naku, nag papaniwala ka don sinungaling naman iyon si Sandoval” anitong hindi tumingin sa kanya. Biglang lumungkot ang kanyang pakiramdam akala niya kaya siya tinawag nito dahil sa nag seselos naito. Pero hindi padin pala siya pasado sa panlasa ng boss niya. " Saan ba tayo pupunta? Hindi pa naman tapos ang party." " Mag club tayo doon natin subukan ang mga natutunan mo." tugon nito Napa buntong hininga siya” Ang gulo mo naman, kaya mo ako sinama sa party ni Sandoval para don natin subukan. Ayon nanga nandoon na kami ni Sandoval. Umiksina ka naman. Tapos ngayon isasama mo ako sa club para don maghanap ng lalaki” maktol niya sa inis. “ Nag aadik ka ba sir, ha?” hindi mapigil ang sarili itanong rito. Napa halakhak ito sa sinabi niya. “ Adik ka nga!” naiiling niyang sabi “ Basta! ayaw ko si Sandoval”giit nito sa kanya at tinoon ang fucos sa daan. " Ano ba talaga ang kailangan kong gawin? para maging seductive ako dito sa animal nato." Inis niyang tanong sa sarili. Ilang saglit ang lumipas ay narating din nila ang mamahaling club. Inalalayan siya nitong makababa hanggang sa maka pasok sila sa loob. Naghanap sila ng mauupuan ng makaplastar na sila. Tinuro ni Christian sa kanya ang payat na lalaki na mahaba ang buhok. “ Subukan mo iyon, Aryana” sabi nitong tinuro ang lalaki nakatayo sa di kalayuan. Napangiwi siyang sinundan ng tingin ang tinuturo nito " Pangit naman ng tinuro mo." " Sige, wag nalang iyan. Yon nalang." Tinignan niya ang tinuro nito. " Mataba naman iyon. Pinag loloko mo ba ako?" pagalit niyang tanong rito. “ Kanina ayos na sana iyon eh, okay na kami ni Sandoval” ngatngat niya rito sa subrang inis. Kung hindi lang ikakasama, hinampas na niya ito ng takong ng sandal niya. Tinignan siya nito ng seryuso tingin " Aryana naman eh, paulit ulit nalang tayo. Iyon nanga lang ang lapitan mo” Turo nito sa lalaking nakatayo katamtaman ang katawan hindi naman kapangitan. Bumuntong hininga siya " Sige,lapitan ko” aniyang tumayo. “ Mag ikot ikot lang ako dito huh?” sabi nito saka iniwanan na siya. " Ano ba naman itong si Christian,okay nanaman ako don kay Sandoval. Dinala pa ako dito. Ano ba talaga ang plano niya sa akin?" maktol niya habang naglakad para lapitan ang lalaki tinuro ng amo. " Hi! miss."bati sa kanya ng isang lalaki sa baritonong boses ng mapadaan siya sa harapan nito. Napangiti siya ng makitang gwapo, naka sout ito ng puting t-shirt at naka faded na jeans. " Not bad na magiging asawa ito." bulong niya sa sarili. “ Hello, you came alone?” nakangiti niyang tanong. “ Yes. Nakita ko may kasama ka, nobyo mo iyon?” tanong nito sa kanya. “ Ay, body guard ko iyon”nakangiti niyang tugon. “ I see. Care to dance?” anang lalaki sa kanya. “ Sure!” agad niyang tugon rito at hinawakan siya nito sa kamay para alalayan papunta sa bulwagan. Hinagilap ng mata niya si Christian,nakita niyang may kausap itong babae” tignan mo iyon, pinamigay ako sa iba” Nasa gitna na sila ng dance floor ng biglang tumugtog ang “ She bangs, by Ricky Martin. “ Talk to me, tell me your name”? Pagka rinig niya sa lyrics, pakiwari niya bigla siyang sinaniban ng pitong demonyo. Gusto niyang mag wala para maalis sa katawan niya ang inis sa pinag gagawa ng binanta sa kanya. Itinaas niya ang dalawang kamay sa ere, at ginagalaw ang kanyang puwet, at sumasabay siya sa lyrics. ? You blow me off like It’s all the same? ? You lit a fuse and now I’m ticking away like a bomb.? ? Yeah baby? Humakbang siyang sinabayan niya iyon ng sexy galaw. Nilapat niya ang dalawang palad sa dibdib ng lalaking nasa kanyang harapan. At marahan niya iyong tinulak habang binigkas ang lyrics. ? She walks like ? ? She talks, ? And she talks ? ? Like she walks ? Saka isinandal niya ang kanyang likuran sa dibdib ng lalaki ? She bangs, she bangs oh by ? when she moves, she moves ? I go crazy! ? tuluyan na siyang nilamon ng tugtug. Na enjoy siya at nakalimutan na niya ang binata. HINDI mapinta ang mukha ni Christian ng matanaw si Aryana naka sandal sa lalaking hindi kilala habang sumasayaw ito sa seksing galawan. Napaligiran na si Aryana ng mga kalalakihan,pakiwari niya nag wawala na ang dalaga. Gusto niyang liparin ang dance floor para mahila si Aryana palayo sa mga lalaki nakapaligid rito. Patakabo siyang lumapit roon at pinag tutulakan niya ang mga lalaki naka paligid sa dalaga. Saka hinila niya si Aryana. Walang pasabi sabi sinapak siya ng lalaking kasayaw ng dalaga mabilis naman niya itong nasapak sa mukha. “G**o to ah!” aniyang inambaan uli ng suntok ngunit mabilis naka pagitna ang mga naroon sa kanila. Hinila niya si Aryana palabas sa club. " Nawawala ka na ba sa katinuan?" bulyaw niya sa dalaga ng makalabas na sila. " Hindi kita ma intindihan. Nong walang nagka interest sa akin pinag tulakan mo ako. Ngayon naman may nagka interest hinila-hila mo ako." Maktol nito sa kanya. “ Ano ba talaga ang balak mo sa akin Christian? Ano ba talaga ang gusto mo ha?” naiinis na ito sa kanya. Kanina pa ito hindi makapag enjoy dahil sa kagagawan niya. Bigla siya natigilan sa tanong nito" Ano nga ba ang nangyayari sa akin, bakit nga ba ako nag kakaganito." Hindi ma iwasan itanong niya sa sarili. Kahit siya na we-werduhan na. " I’m sorry ihatid na kita sa inyo." sabi niya sa mahinahong boses
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD