A beautiful you episode 19

1583 Words
“ IKAW ba iyan Aryana?"Hindi maka paniwalang bulalas ni Sandra ng makarating siya sa opisina. Wala roon ang binata malamang absent iyon ngayon. " Gusto ko ang kulay ng buhok at saka ang style." sabad ni Marnila. Ngumiti siya sa pagpuri ng dalawa sa kanya " Sa sunday samahan ko kayo sa parlor na pinuntahan ko." " Kaya ba nag half day ka kahapon dahil nag papakulay at gupit ka? Hindi mo talaga hinintay mag sabado. Makasama sana kami sa iyo." Ani Sandra. " Teka, saan kaba galing ka gabi at nahuli kang pumasok ngayon? Ngayon ka lang ata na late sa pag pasok sa tinagal muna dito." ani Marnila ng mapansin ang oras. " Mag kasama kayo ni sir ka gabi no?" Tukso ni Sandra. “ Sinama ka niya sa birthday ni Sandoval noh? Kaya ka nag papaganda ng bonggang bongga." Ani ni Sandra Nag-umpisa na siyang kabahan. Alam niyang hindi siya titigilan ng dalawa. Walang makaka lampas sa kakulitan ng dalawa kaya hindi siya nag se-share ng mga bagay tungkol sa kanila ni Christian. " Speaking of sir, nasaan na siya bakit hindi siya pumasok ngayon? Mag alas deyes na wala parin." tanong ni Marnila tumingin sa kanya. Nakita niya ang paghihinala sa mukha nito. Saglit nagkatinginan ang dalawa saka ngumingiti ang mga ito sa isat isa. " Pinagod mo ka gabi noh?" Sabay tukso ng dalawa “ Hindi ah!" Mabilis niyang tanggi pero nakaramdam siya ng pag init ng kanyang dalawang pisngi. " Bakit na mumula iyang pisngi mo?" nakangiting tukso ni Sandra sa kanya. " Tigilan niyo na nga ako." nakairap niyang sabi. Saka tinuon ang mga mata sa mga papers nasa ibabaw ng kanyang mesa. " Totoo ba ang sabi nila malaki ang notch ni sir?" Di mapagil na tanong ni Marnila. Napa konot noo siya" Ano ba iyong notch?" " Ano pa di yong ari niya." sabad ni Sandra at sabay nagtawanan ang dalawa. Napangiti siya ng maalala ang ngyari kagabi at kung gaano ito katigas ng mahawakan niya. " Hoy ano ba? Ngumingiti ka diyan mag isa.?" Untag sa kanya ni Sandra ng hindi niya mapigil ang mapangiti " Wala. Mag trabaho na nga lang tayo." sabi niyang muling tinuon ang attention sa papeles. NAKAHIGA si Christian sa kanyang kama. Wala siyang balak pumasok ngayon. Tinatamad siya at inaantok pa siya. Bigla niya na imagine ang kabuohan ni Aryana ka gabi. " She looks so gorgeous lastnight. Ni hindi ko ma alis ang tingin ko sa kanya ka gabi. Sandoval was right napaka seductive niyang tignan sa sout nito. Bagay sa kanya ang sout nitong damit. At ang kulay ng buhok na tila nag patingkad sa kanyang angking ka gandahan." Hindi niya lubos maisip na ganon ka ganda si Aryana, “ Kulang lang pala ito sa inspiration” aniya sa sarili Sa di sinasadyang naramdamang pag galaw ng kanyang nota ng maalala si Aryana. Tila na pawi ang kanyang antok na kanina pa niya naramdaman ng paalis sila mula sa bahay ng dalaga. Tinignan niya ang orasan naka sabit sa dingding ng kanyang kwarto. Mag alas deyes pa ng umaga." Maka pasok na nga lang." Agad siyang bumangon at dali daling pumasok ng banyo para maligo. " SA TINGIN mo papasok si sir mamayang hapon?" tanong ni Sandra kay Marnila Ngumiti si Marnila tinapunan siya ng tingin " Depindi kung gaano ka lala ang pag ka injured ng nota nito." Natatawang sagot ni Marnila. " Kayo talagang dalawa tigilan niyo na nga iyong tao." Saway niya sa mga kasamahan. " Parang may na guilty ata, kaya pinagtanggol ang na injured na?" “ Nota." Pag diin ni Sandra sa sinabi ni Marnila. Saka binunutan ng tawa ng mga ito. Natigil ang pagtawanan ng dalawa ng bumukas ang pinto. Pumasok ang binata na napaka presko ng mukha halatang kagagagaling lang nito sa paligo mamasa-masa pa ang buhok at hindi ma alis alis ang mga ngiti nito sa labi. " Good morning sir." Sabay bati ng dalawa. " Sandra, dito na kayo mananghalian mamaya. Hito ang pera bumili ka ng pizza at softdrinks." sabi nito sabay abot ng pera. Tinapunan siya ng tingin ng binata saka sumisipol sipol itong naglakad papunta sa desk. " Ano ba ang ng yari at naging galanti si sir?" Di maka paniwalang tanong ni Sandra kay Marnila. " Ngayon ko lang din iyan narinig sumipol." ani Marnila " Ewan baka dahil sa mahiwagang langis na nag papatigas sa nota nito." Natatawang sabi ni Sandra. " Alam niyo kapag bastos mapag usapan ang dami niyong alam." Pabulong niyang saway sa dalawa. " Baka gawang Aryana ang langis na iyan." Natatawang biro ni Marnila. Sinimangotan niya ang dalawa. Ng hindi ito matigil-tigil sa kakatukso sa kanya. Iksaktong 11:30 ng makabalik si Sandra bitbit nito ang malaking kahon ng pizza. Hindi pa nito nalapag ang bitbit ng biglang bumukas ang pinto ng opisina at iniluwa mula roon si Sandoval. May bitbit itong dalawang plastic na puro pagkain ang laman. Saka isang bungkos ng mapupulang bulaklak. Napangiti siya ng bumungad ang guwapong mukha ni Sandoval. " Magandang tanghali po mr Sandoval." Halos magka sabay na bati ng dalawa kasamahan. “ Magandang tanghali din sa inyo” balik nitong bati at nilapag sa mesa ang bitbit na plastics. “ Para sa magadandang dilag” nakangiti nitong sabi at inabot ang bulaklak sa kanya. Inipit niya ang kanyang buhok sa likod ng kanyang tainga” salamat” tugon niyang tinanggap ang bulaklak. " Kinikilig ako subra." Tili ni Marnila na walang humpay hinahampas hampas si Sandra. " Ano ba Marnila? bogbog na bogbog na ako sa iyo." Angal ni Sandra. " Kinikilig ako eh."sabi nito sa halos na pumiyok na boses. " Ako din kinilig." Tugon ni Sandra Sabay hila sa buhok ni Marnila. " Ano ba, kayo yang mga ovaries niyo awatin niyo nanga yan. Nakakahiya sa tao." pabulong niyang saway sa dalawa. " Ang haba ng buhok mo, Aryana." ani Marnila. Binaling niya ang tingin kay Sandoval." Nag abala ka pang mag dala nito." " Bigla kasi kayong nawala ka gabi." Nakangiti nitong sabi. Lumilitaw ang malalim nitong dalawang dimples na lalong dumagdag sa ka gwapohan nito. " KAKA—“ Hindi naituloy ni Christian ang gustong sasabihin ng makita si Sandoval kausap si Aryana. Kakalabas lang niya galing c.r. Biglang na pawi ang masayahin niyang mukha kanina. " Pare bakit ka nandito?" Tanong niyang pilit ngumingiti. " Pare dinalhan ko kayo ng pagkain.” " Nag abala ka pang mag dala. Bumili na kami ng pananghalian namin." tugon niya sa kaibigan. " Sir, sa snack time nalang po natin kainin tong pizza mo. Masasarap kasi ang dalang ulam ni sir Sandoval." sabad ni Sandra saka tinabi ang biniling pizza. " Hindi muna ako mag da-diet ngayon." sabi pa ni Marnila na nilantakan ang lechon. " Ako din, nag crave ako nitong lechon." tugon ni Sandra. Naiinis siyang tinitigan ang dalawang babae. Gusto niya itong bitayin patiwarik. " Halika Sandoval umupo ka rito." Tawag ni Aryana saka pinaupo si Sandoval sa tabi nito. Umasim ang kanyang mukha sa pag tawag ni Aryana kay Sandoval. " May fruit salad din. Mukhang masarap ito."ani Marnila ng mapagbuksan ang isang tupperwear. " Sandra ilagay mo muna iyang pizza sa table ni sir. Baka gusto kumain ni sir ng pizza." " Kainin niyo nalang iyan mamaya. Busog pa naman ako." sabi niyang tinignan si Aryana. " Baka hindi na namin iyan makain sir, ang dami kasi nitong dessert na dala ni sir Sandoval." Si Marnila parin Kumukulo na ang kanyang dugo kay Marnila ngalingali na siyang hilahin ang dila nito. Nakita niyang binitbit ni Sandra ang pizza na binili kanina saka inilapag sa kanyang mesa. " Baka gutumin po kayo mamaya sir." sabi nito na tila inaasar siya. Hindi siya natinag sa kanyang kinatatayuan. " Aryana, sa weekend punta tayo sa resort namin."Aya ni Sandoval " Pwedi ba kaming sumama sir?"Sabad ng dalawa. " Oo ba mag outing tayo. Ikaw pari sumama ka sa amin." Baling sa kanya ni Sandoval. " Sir, kumain na po kayo." Aya sa kanya ni Sandra. " Sege lang. Hindi ako gutom." aniya kay Sandra. " Akala ko po kakain kayo, kaya kayo nagpabili ng pizza?" Ani ni Marnila. " Sarap bitayin ng babaeng ito” Sigaw ng kanyang isipan. " Nawala ang gutom ko." sabi na lamang niya. " Tirhan ka nalang po namin sir." ani Sandra. " Wag na. Ubusin niyo nalang iyan." " Okay lang din may pizza naman si sir sa table niya." Ani Marnila tila ng aasar ito sa kanya. " Ano pare sasama kaba sa outing namin?" Ulit ni Sandoval ng hindi niya ito sagutin. " Hindi kaba dadalo sa kasal ni Alvin? Diba sa sunday iyon?" Tukoy niya ay ang isang nilang kaibigan. Nasapo ni Sandoval ang noo." Nakalimutan ko oo nga pala." " Sir, kumain kana." Aya ni Aryana sa kanya. “ Itong babaeng ito, nakita lang si Sandoval, ngayon pa niya ako na alaala ayain” bulalas niya sa sarili. " Aryana masarap ba ang pagkain?" Tanong ni Sandoval. Nakita ni Sandoval na may kanin malapit sa bibig ni Aryana kinuha nito iyon. Parang gusto niyang liparin si Sandoval at tadtarin ito ng suntok. " Thank you." Malambing na sabi ni Aryana. " Ginusto naman nito." Inis niyang sabi sarili saka walang paalam na lumabas ng opisina. Hindi siya nakatagal sa ganong ayos. Baka masuntok na niya si Sandoval.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD