“ ANO ang nangyari don? Bakit umalis ng walang paalam?” Tanong ni Sandra ng lumabas si Christian ng opisina.
“ Baka uuwi at mag susumbong sa nanay na may kaagaw na siya sa buhok ni Rafunzel.” Natatawang biro ni Marnila.
" Nagagalit kaya iyon dahil kay Sandoval?bakit kaya naiinis siya kay Sandoval eh, kaibigan naman sila" naiiling niyang tanong sa sarili.
" Ano ngyari kay Christian?" kunot-noo tanong ni Sandoval sa kanya.
" Baka may pupuntahan lang iyon, mapag ganito kasing oras, lumalabas iyan ng opisina" pagdadahilan niya. Sa isip niya alam niya na iinis na ito, pibag bawalan siya makipag usap kay Sandoval.
" Baka ngarin pupunta iyon kay Jolo" ani Sandoval.
" Diba matagal na kayong magkakaibigan?" tanong niya rito
" Oo pero, sila dalawa ni Jolo ang mas close, hindi ako makakasama sa kanila palagi dahil sa busy nga rin sa negosyo namin. Lalo na sa Land Marker namin" paliwanag nito sa kanya.
" Minsan naman nagka ayaan kami mag club. Pagpapatuloy nito.
Gusto niya ito tanungin tungkol sa mga usap-usapan sa pagiging playboy ni Christian. Kaya lang naunahan siya ng hiya. Baka iba ang maisip ni Sandoval.
HALOS papaliparin na ni Christian ang sasakyan sa subrang galit na naramdaman para kay Sandoval. " Hindi ko talaga maintindihan kung bakit nagpunta pa siya sa opisina, nagdala pa ng pagkain"
Sa pagiikot-ikot niya para mawala ang tension naramdaman na tagpuan niya ang sarili tinahak ang daan papunta sa pad ni Jolo.
“ WAG mo sabihin sa subrang obssessed mo sa pouty lips nag pagawa kana sa sarili mong labi.” Natatawang bungad sa kanya ni Jolo ng tumambad siya sa pintuan ng pad nito.
Hindi niya maitago ang pagsimangot ng kanyang mukha halos masabitan na ng dalawang kilong baboy ang haba ng nguso nito.
“ Pare wagna muna ngayon mainit ang ulo ko.” Inis niyang sabi sa kaibigan.
“ Ano ba ang nag papainit diyan sa ulo mo? nakahit plansa hindi ma ayos yang kumukulot mong mukha.” anitong naglakad sa harapan niya.
“ Si Sandoval kasi, nagpunta sa opisina ngayon. May dala pang pag kain nagpapa impress pa yata kay Aryana ” sabi niyang tinukod ang palad sa kanyang mukha at pinatong ang dalawang siko sa tuhod.
Umupo ang kaibigan sa tabi niya “ Ano naman ang problema don?”
“ Para kasing pinopormahan niya si Aryana.” Naka simangot niyang sabi.
napatingin ito sa kanya naguguluhan sa inasta niya “ Ayaw mo non? Titigilan na kayo ng ina mo. Dati tinutolak mo akong ligawan si Aryana, ngayon andiyan na si Sandoval ayaw mo naman. Nagugulohan na ako sa iyo.” sabi nito napakamot sa ulo.
“ Wag mong sabihin na inlove kana kay Aryana?”
Hindi siya naka imik sa sinasabi ng kaibigan. Natatamaan na siya kay Aryana.
“ Bakit hindi ka maka sagot? Ano may tama naba si Aryana sa puso mo?” pangungulot nito ng hindi siya umimik
“ Ewan ko pare hindi kuna alam naguhuluhan narin ako.” sabi niya sa mababang boses.
“ Hindi ko ma imagine ang sarili ko na makita si Aryana kay Sandoval na iinis ako.”
“ Naku, pare isa lang ang ibig sabihin niyan, nag seselos kana dahil mahal muna.” Nakangiting sabi ni Jolo.
“ Paano ngayon iyan? May kaagaw kana" tinignan siya nito sinuri ang kanyang reaction
“ Isumbong mo nalang kaya kay tita Martha para siya na ang magpalayas kay Sandoval.” Natatawa nitong biro.
“ G**o!” sabi na lamang niya rito. Naguguluhan na siya sa kanyang sarili. Ayaw niya, pero naiinis siya pag may ibang kausap ang dalaga.
“ Seryuso nato. Ano ba ang balak mo kay Aryana?” mataman siyang tinignan ng kaibigan
“ Baka nanibago lang ako baka wala lang ito. Baka lilipas lang din tong nataramdaman ko ngayon.” sinandal niya ang ulo sa sandalan ng sofa
“ Sa wakas na inlove na din ang kaibigan ko.” Natatawang tukso ni Jolo saka tumayo ito tinungo ang kusina.
“ Hindi kaba papasok ngayon?” Konot noo tanong nito ng maalingonan siyang humiga sa sofa.
“ Hindi na muna dito lang muna ako papalipas ng oras"Tugon niya. " Nawalan na ako ng gana, baka pagbalik ko andon parin si Sandoval at baka hindi ko mapigil ang sarili mapatay kopa ang taong iyon" Gusto niyang sabihin pero sinarili na lamang niya iyon baka tutuksohin pa siya nito.
“ Kumain ka naba? May pizza akong ininit dito.”
tinakpan niya ang kanyang tainga“ Nababaliw na ako sa pizza na iyan.” Sigaw ng isipan niya.
Na be-bwesit na siyang marinig iyan. Naalala niya ang madaldal na si Marnila.
Ramdam niyang na aapi siya sa ginawa ng mga ito sa kanya kanina. Sirang sira na ang kanyang araw " it just a bad day" aniya sasarili. Pinatong niya ang braso sa noo at nakipag titigan sa bubong.
“ SAAN kaya nagpunta si Christian bakit hindi pa rin ito bumabalik.” Sa isip niya habang tinitignan ang mesa ng amo. Hapon na wala parin ang binata.
" dinamdam ba nito ang pagdalaw ni Sandoval?" aniya sa sarili saka tumayo at tinungo ang mesa ng binata.
“ Kainin naman natin itong pizza na binili ni Christian.” sabi niya sa kasamahan at binitbit ang box sa kanyang mesa. Mula kanina tanghali hindi nila ito nagalaw buo pa at malamig narin.
Ramdam niyang nasasaktan si Christian sa pag itsapwera ng pizza nito. Excited pa naman iyon kanina kaya lang nasapawan ng dumating si Sandoval.
“ Busog pa kami, hindi na kaya ng tiyan namin.” Tanggi ni Sandra.
“ Dalhin nalang natin to pauwi. Hatihatiin nalang natin.” Mungkahi niya ayaw niyang maabutan ito ng amo na buo parin baka lalo iyon masaktan.
kumuha naman ang mga kasamahan at pinasok sa loob ng bag.
" Ito nalang kakkainin ko sa hapunana" ani Marnila.
“ Aryana para kanang si Rapunzel ngayon. Kaka gupit lang ng buhok mo pero tila humahaba itong bigla.” Natatawang sabi ni Sandra.
“ Pag manligaw sa iyo si sir Christian sino ang sasagutin mo sa dalawa?” Tanong ni Marnila.
“ Malayo naman mangyari iyan. Hindi naman ako gusto ni sir.” tugon niya, habang nagliligpit ng kanyang mga gamit.
“ Bulag kaba? Hindi moba nakikita ang reaction ni sir kanina habang tinitignan kayo ni Sandoval?” Ani ni Sandra.
tinigil niya ang ginagawanat tinignan si Sandra “ Wala lang iyon. Wag niyo nalang yon bigyan ng pansin. Alam niyo naman iba ang type ni sir"
“ Hay naku, basta! Kinikilig ako sa inyo ni sir Sandoval bagay na bagay kayo.” Nangingiting sabi ni Marnila.
“ Boto ako kay sir.” Ani ni Sandra
“ Pustahan tayo kung sino ang sasagutin ni Aryana.” Bungisngis na sabi ni Marnila kay Sandra.
“ Sira ulo talaga tong si Marnila.” Angal niya dito.
“ Napaka exciting kasi ng dalawa. Galanti si Sandoval at selos na selos naman si sir Christian. Sino kaya mananalo sa puso mo" natatawang sabi ni Marnila
iniripan niya ang dalawa walang tigil sa panunukso “ Ayusin niyo na nga iyang mga gamit niyo ng maka uwi na tayo.” tumalikod siya sa dalawa at pinagpatuloy ang kanyang ginagawa.
Kakatapos lang niyang ayusin ang mga gamit ng pumasok si Sandoval sa opisina.
“ Ihahatid na kita sa inyo.”sabi nito naglakad palapit sa kanya
“ Naku nakakahiya naman saiyo Sandoval maabala pa kita.”
“ Okay lang naman iyon wag kana mahiya.” ani Sandoval
“ Palagay ko mananalo ang manok ko.” bulong ni Marnila kay Sandra.
“ Hindi parin ako susuko, lalaban iyong manok ko.” Ani ni Sandra.
Palabas na sila ng office ng makita nila ang kararating lang na sasakyan ni Christian. Nauna nang umalis ang dalawang kasamahan. Naiwan sila ni Sandoval magka sabay naglakad.
Sumimangot itong tumingin kay Sandoval “ Andito ka parin?” Inis nitong tanong ng makalapit sa kanila.
“ Sinundo ko lang si Aryana para ihatid ko pauwi.”tugon ni Sandoval pinasok ang dalawang kamay sa bulsa sa sout nitong Jeans.
“ Bakit? Hindi naba alam ni Aryana ang daan pauwi sa kanila?” Sarcastic nitong tanong saka tinapunan siya ng tingin. Hindi na nito tinatago ang galit para sa kanila.
“ Bakit ba ang init ng ulo mo? Gusto ko lang naman siya ihatid, ano ang problema mo?"inis na tanong ni Sandoval kay Christian.
Bago pa magsalita si Christian mabilis niyang hinawakan sa braso si Sandoval.
“ Mauna na kami sa iyo sir Christian.” Paalam niya na hindi pinansin ang galit na nakikita sa mata ng binata.
Mabilis niyang hinila si Sandoval palayo hindi na niya hinintay sumagot ang binata. Sa galit ng mga mata nito handa na itong manapak.