GUSTONG GUSTO basagin ni Christian ang mukha ni Sandoval.
Nag uumapaw ang kanyang naramdamang galit habang sinundan ng tanaw ang dalawang papaalis.
Nahilamos niya ng kamay sa mukha.
Saka dali daling sumakay ng sasakyan ay sinundan ang dalawa.
“ Bakit ba kasi ayaw mo umamin na may gusto kana kay Aryana. Bakit kaba natotorpe”nagtatalong isipan at kalooban niya habang nagmamaneho ng sasakyan. Hindi niya inalis ang mga mata sasakyan ni Sandoval.
" PASENSIYAHAN muna si Christian." Hinging umanhin ni Aryana ng maka sakay siya sa kotse ni Sandoval.
" Sanay na ako sa ugali ng kaibigan kong iyon. Walang problema sa akin ang ugali niya” nakangiti tugon sa kanya ni Sandoval
“ Baka magtanim ng galit sa iyo si Christian” nag alala niyang sabi
“ Kahit mag garden pa siya ng sama ng loob.” natatawa nitong sabi” didiligan ko pa” anitong humahalakhak na.
Nahawa siya sa tawa nito. “ Ikaw talaga. Pero salamat ha?” seryuso niyang sabi
“Salamat saan?” saglit itong tumingin sa kanya.
“ Salamat dahil mabait ka sa akin” tugon niya pinisil ang braso nito
Ilang minuto ang nakalipas ng marating nila ang bahay niya.
" So this is me” Sabi niya ng ihinto ni Sandoval ang sasakyan sa harapan ng gate nila.
“ Gusto mo pumasok muna sa loob?" aya niya rito. Saka binuksan ang pintuan sa passenger seat.
" Hindi na kailangan ko na umuwi, para makapag pahinga kana rin."
Dinampian niya muna ito ng halik sa pisngi bago siya tuluyan lumabas ng kotse.
“ Bye! Salamat uli” kinaway niya ang kanang kamay rito ng pinaandar nito ang sasakyan. Pumasok narin siya sa loob ng kanilang bahay ng tuluyan ng makaalis si Sandoval.
NAPANATAG ang kalooban ni Christian ng makitang hindi tumuloy sa loob ng bahay si Sandoval. Umalis narin siya sa lugar ng dalaga. Sumunod lang siya para siguraduhin walang gagawin kababalaghan ang dalawa.
Matapos makapag bihis ni Aryana, lumapit siya sa bukas na bintana para isara ito ng matanawan niya ang papalayong sasakyan ni Christian.
" Ano ang ginagawa non dito? Sinundan niya ba kami?" Takang tanong sa sarili. tinungo niya ang kanyang kuwarto at nilapat ang likuran sa kama. Dala ng pagod mabilis siyang nakatulog.
" NAKITA ko ang sasakyan mo ka gabi sa labas ng bahay, anong ginagawa mo sa labas, sinusundan mo ba kami ni Sandoval?" Agad niyang bungad rito kinabukasan. Napag solo silang dalawa sa opisina. Naka yuko ito sa harap ng laptop.
Inangat nito ang tingin sa kanya " Bakit ko naman kayo susundan? Baka naka limutan mong nasa tabi ng daan ang bahay niyo kaya natural madadaanan ko iyon." tugon nitong nakasimangot
" Bakit ba ang init ng ulo mo, nag tatanong lang naman ako saiyo." inis niyang tinalikuran ang binata nakasimangot din sa kanya.
Kakabalik lang niya siya desk ng bumukas ang pinto ng opisina at bumungad si Sandoval.
" Hi!" Masiglang bati niya at sinalubong si Sandoval. Dinampian niya ito ng halik sa pisngi.
Inabot nito ang bitbit na bulaklak sa kanya. “ Salamat” sabi niyang inamoy amoy iyon.
" Nandito kana naman?” Inis na tanong ni Christian. Tumayo ito at nakapamawang ang isang kamay habang nakatukod ang kaliwang kamay nito sa ibabaw ng mesa.
" Antayin ko maglunch break si Aryana” tugon ni Sandoval kay Christian at umupo sa tabi niya.
" Bakit, hindi mo nalang ilipat dito ang opisina mo? para lagi kayo magkaharap ni Aryana." pagalit nitong sabi.
" Bakit ba ang init ng ulo mo? Bakit kana naiinis kapag nakikita mo ako dinalaw si Aryana ha?” Inis na tanong ni Sandoval
" Nakaka init ka ng ulo. Ano ba kasing sadya mo kay Aryana at napapadalas kang puntahan siya? Na i-isturbo muna siya sa trabaho niya." sabi nitong matalim na tumingin sa kanila.
" Hindi niya naman ako na isturbo mag la- lunch break na din naman." pag tanggol niya kay Sandoval.
Agad niyang hinila si Sandoval palabas ng office ng makitang napa tiim bangang si Christian ng ipagtanggol niya ang bagong kaibigan.
" ARYANA! Bumalik ka ditong babae ka." Galit niyang tawag ng makita itong papalabas nang opisina hawak-hawak ang kamay ni Sandoval.
Ngunit hindi siya nilingon ng dalaga. Nag tuloy itong lumabas. Sa subrang galit niya, ay na itapon niya ang mga papeles naka patong sa ibabaw ng kanyang mesa.
" Mapapatay kitang Sandoval ka!” Gigil na gigil niyang sabi.
NAPAPA halakhak silang dalawa ni Sandoval ng tuluyan silang makalabas ng office.
" Kahit magaling na pintor hindi ma ipinta ang mukha ni Christian." Natatawang sabi ni Sandoval sa kanya.
" Kung nakikita niya lang ang kanyang hitsura." Natatawang tugon niya.
Napatigil sila ng tawanan ng pumarada ang sasakyan ng ina ni Christian.
Dalidaling nag papaalam naman si Sandoval sa kanya. “ Aalis na ako babalik na ako sa office ko” sabi nito sa kanya.
" Sandoval hijo, saan ka pupunta?" Tanong nito ng ginang ng maka salubong ang binata sa daan.
" Pabalik napo ako tita sa opisina ko dinalaw ko lang si Christian." Saka nag mamadali itong naglakad palayo.
" Magandang tanghali po tita." Bati niya ng makalapit ito sa kanya.
" Bakit ka nandito sa labas? Saan ka pupunta?” kunot-noo tanong ng ginang sa kanya.
" Papunta po ako sa kaibigan ko tita." nakangiti niyang tugon.
" Nasaan si Christian?"
" Nasa loob po. Sige tita mauna na ako kita nalang tayo mamaya." pagka sabing iyon mabilis siyang naglakad palayo sa ginang. Baka isama naman siya nito pabalik sa loob.
Naiiling na sinundan siya ng tanaw ng ginang. At nagtuloy na itong pumasok sa loob ng office para puntahan ang anak.
" OH my God! hijo na pasok ba ng mag nanakaw itong opisina mo?” Gulat na tanong ng ina ng makita ang nagkalat na papel sa sahig.
Napatayo siya ng tuwid mula sa pagkakasandal niya sa dingding. Pinilit niyang kalmahin ang sarili " Wala po ma. Na tabig ko po ang mga iyan." Pag sinungaling niya.
Yumuko siya para pulutin ang papeles.
Ngumiti ng makahulugan ang ginang sa kanya. " You look messed may problema ba?"
" Ma, bakit po ba kayo nagpunta dito?" Naka simangot niyang tanong sa ina.
" Tinignan lang kita masama ba? May nangyayari bang love quarrel dito sa office mo?"tukso nito sa kanya
" Ma, tigilan muna nga kami ni Aryana." tugon niya sa malongkot na boses.
“ Huh? bakit may binanggit ba akong pangalan ni Aryana? Anak defensive ka ata” patay mali na sabi ng ina. Pigil ang sarili wag matawa.
“ Sus, pakunwari pa kayo, alam ko naman ano ang nasa isip mo” seryuso niyang sabi sa ina.
“ Wala akong ibang inisip ah,nagtatanong lang naman ako kung may nagaganap ba dito na hindi ko alam” nakangiti sabi ng ina.
“ Magaling kapo mama. Kahit hindi mo sabihin alam ko si Aryana parin ang nasa isip mo” giit niya rito
Sumeryuso ang ina " Hindi ako susuko hanggat pakasalan mo siya." giit ng ina sa kanya.
Napa buntong hininga siya sa sinabi ng ina. Na e-stress na siya. Lalo na dumating pa sa buhay niya si Sandoval
“ tapos ito pa si mama dumagdag pa sa isipin ko” bulalas niya sa sarili.