TAHIMIK na bumalik si Aryana sa opisina. Matalim kung tumingin sa kanya ang amo. Gusto niyang matawa sa hitsura nito ngunit pigil na pigil niya ang sarili baka mabato pa siya nito. Natapos nila ang trabaho na walang imikan. “ Bye sir Christian, see you sa monday” pabulong niyang sabi bago lumabas ng kanilang opisina. " ANO BA Christian? kanina kapa hindi mapakali sa inuupuan mo. Nilalanggam ba iyang puwet mo?" Angal ni Jolo sa kanya. Magkatabi silang na upo sa loob ng simbahan habang nag aantay sa bride. Kanina pa hinahap ng mata niya si Sandoval pero hindi niya ito mahagilap dapat nandoon din iyon dahil kaibigan nila pareho ang ikakasal. " Nasaan ba si Sandoval?" tanong niya kay Jolo ng hindi ito makita. " Abay, ewan ko bodyguard ba niya ako para malaman ko kung saan nag pupunta

